Tải xuống ứng dụng
66.66% My Immortal Lover Series / Chapter 2: Chapter 2

Chương 2: Chapter 2

Green Valley is one of the most amazing places in the Kingdom of Valley, Europe. People are spending their money just to be relaxed here while enjoying the amenities they have. Some of these amenities are the park and clubs, resorts, golf course and many more. Lahat ng ito ay mga katangian ng lugar kaya naman dinadagsa ito ng maraming tao mula sa sa iba't ibang panig ng mundo. Ang lugar ay nasa Eastern part ng London kaya naman bago makarating dito ay kailangan bumiyahe pa ng dalawa o tatlong oras mula sa City subalit mayroon naman private jet at private chopper na maaaring sumundo sa mga guests mula London Airport patungo roon.

Papalapit ang nakababatang kapatid ni Maverick Hephaestus sa kinaroroonan nila ng kaibigan niyang si Apollo habang nag-eensayo sila sa Archery Club ng araw na iyon. Iyon ang madalas na gawain nila kapag gusto nilang mag-rela

"Kuya," tawag ni Thea. "Ipagluto mo naman ako ng pasta! Nagsasawa na ako sa niluluto ng cook natin!" May bitbit itong baseball bat dahil pansamantala itong tumigil sa kasalukuyang paglalaro. She's twenty-five years old but still, gusto nitong palaging nasa tabi pa ng kapatid at naglalambing.

Nilapag ni Hephaestus sa mesa ang hawak na gamit sa archery at hinarap nito ang kaisa-isang kapatid. "Thea, you can ask Mom," malambing nitong sabi. "Saka may ginagawa pa ako. See?"

"Eh, kuya naman ngayon lang ako nag-request. I'm hungry," ungot nito sa kapatid.

"Hey, Thea! Pwede ka naman kumain sa restaurant ah, saka hindi bitbit ng kapatid mo ang kaldero! Tanda mo na nagpapaluto ka pa!" Sumingit si Apollo sa pinag-uusapan ng magkapatid na noo'y kasama din ni Hephaestus.

"Heh! Tumigil ka dyan, Apollo! Eh, sa gusto ko si kuya magluto para sa akin!" Angil ng dalaga sabay irap sa binatang si Apollo. Minsan umaandar ang pagkaisip-bata ng nakababatang kapatid ng binata.

"Wah! Tanda-tanda na hindi ka pa rin marunong magluto. Paano na lang pala kapag nag-asawa ka na hindi ka pa rin marunong magluto?" Asar nito sa dalaga.

"Eh, hahanap ako ng lalaking hindi marunong kumain!"

"And where do you find that man? Buti sana kung imortal iyan at walang bituka!"

"Tama na iyan," saway niya sa mga ito. "I'll cook for you later Thea, okay?"

"Wow! Thanks, bro!" Bigla itong napayakap sa kapatid at hinalikan sa pisngi. "Aasahan ko iyan! Balik na ako sa Club ko!" Kumalas ito sa pagkakayapos at masaya itong tinalikuran sila sabay binelatan ang binatang si Apollo.

"Aba't— iyang kapatid mo talaga!"

"Hey! That's enough! Kahit ganyan siya, napapasaya niya ako," ibinalik na niya ang tuon sa pag-eensayo.

"Bro, you don't need to spoil your sister like that. What if she'll need to live alone? Will she call you just to cook food for her? I let my sister be independent so she could live her own." Itinuon na rin nito ang kanina ginagawa nilang dalawa.

"My father always treated her like a baby. Hindi ko na kasalanan iyon. And my mother always taught her how to cook but..." He sigh.

"Let me guess. Kung hindi sunog, ah hilaw!"

"Unfortunately." Nagkangitian na lang silang dalawa saka ipinapagpatuloy ang naudlot nilang pag-eensayo.

Sa ibang bahagi naman ng Green Valley ay nakarating na ang dalagang si Michelle kasama si Dione. Lulan sila ng chopper kanina at ngayon ay nakalapag na. Halos hindi siya makapagsalita sa sobrang ganda ng lugar na tumambad sa kanyang paningin mula pa kanina.

"Wow!" Amazed si Michelle nang makatuntong siya sa sinasabi nitong Green Valley. Kahit kanina na nasa chopper siya ay pigil ang hininga niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng buong lugar mula sa himpapawid.

"It's beautiful, right?"

"Yes, ma'am! Perfectly beautiful!"

"Ma'am na naman. Dione na lang."

"Oops! Sorry! I forgot," paumanhin niya.

"Oh, let's go. Dadalhin kita sa resthouse na tutuluyan mo pansamantala habang ginagawa mo ang iyong misyon."

"Sige po." Sumunod naman siya sa magandang dyosa. Dyosa na mabait pa! Hindi siya nito pinabayaan mula noong nasa Pilipinas pa siya hanggang makarating sila roon. Alagang-alaga niya ako pati sa pagkain. Busog na ang mga mata ko busog pa ang tiyan ko! This is life!

Hindi niya mawari sa sarili ang kasabikang nararamdaman ngayong nakatuntong siya sa lugar na iyon. Alam niyang hindi isang pamamasyal ang kanyang ipinunta roon ngunit hindi pa rin niya naitago sa sarili ang lubusang paghanga sa paraisong kinaroroonan niya. Lingid sa kaalaman niya at ng mga mortal na naroroon, misteryoso ang pamosong lugar.

Matapos siyang ihatid sa resthouse ay nagtungo naman sila sa main building kung saan naroon ang opisina ng nagmamay-ari ng lugar na iyon. Ayon kay Dione, kailangan niyang makilala ito habang isinasagawa niya ang pag-iimbestiga sa buong lugar at para na rin magabayan siya ng mga ito. Magara at malawak ang opisinang pinasukan nila. Kakaiba sa mga modelo ng ibang opisina. Magara at maaliwalas pagkapasok pa lang.

"Hi! Kuya Pem!" Bati ni Dione sa lalaking nagbabasa ng men's magazine sa couch pagkapasok nila.

Napatingala agad ito at ngumiti nang makita sila. The guy is tall, fair-skinned, and very handsome. He had that grayish eyes and a gentle look. Inilapag nito ang binabasa sa center table at tumayo.

"Kuya, this is Michelle. Michelle this is Noonpem. The owner of this paradise." Bumaling ito sa lalaki. "Siya iyong sinasabi ko sa'yo."pagpapakilala ni Dione sa kanilang dalawa.

"Hello po, Sir." Nakakatuwa! Nag-tatagalog sila! Sakto at hindi na ako mag-iipon ng maraming english.

"Hi!" Inilahad nito ang palad sa kanya bilang pagbati.

Wala siyang wedding ring, it means single siya! Iyon agad ang napuna niya saka tinanggap naman niya ang nakalahad nitong palad. Napuna rin niyang napapangiti ang mga ito sa tuwing may naiisip siya. Tantiya niya sa sarili.

"Nice to meet you, sir Noonpem."

"Me too. By the way, single pa ako." Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti nito sa kanya.

Kagyat na nagtaka siya sa tinuran nito. "Ho?" Takte! Ano bang pinagsasabi nito? Nababasa ba niya ang nasa isipan ko? Agad niyang binitawan ang kamay nito pagkatapos. Napansin niyang bahagyang siniko ni Dione ang binata na hindi rin naman nakaligtas sa kanyang paningin.

"Nagbibiro lang iyan si Kuya, Michelle. Ganyan lang talaga siya. Right? Kuya?"

"Yeah. But, if it's hard for you to speak my name, you can call me Persius!"

"Ah. Okay po, sir."

"You need to know me and the people around you just in case you need help in your mission. Ipinaliwanag naman na siguro ni Aphrodite sa'yo, hindi ba?"

"Ah, Aphrodite?" Napatingin siya kay Dione na bahagyang nagtaas ng kamay."Ah oo, sir Persius!" Wala naman siguro ako sa Greece diba? Pang Greek Mythology ang name nila!

"Okay, good! Ah, Zeus!" Napansin nito ang pagpasok ng isang lalaki kaya tinawag ito ni Persius."I want you to meet Michelle."

Napalingon naman sila sa lalaking kakapasok lang din sa opisinang iyon. He's very handsome but, unlike Persius he had that massive look. At mukhang isang pagkakamali lang niya ay lalamunin na siya nito ng buhay. Idagdag pa ang nagsalubong agad nitong kilay nang makita siya. Wow! Mukhang gutom ang isang ito! Kakainin na ata akong buhay!

"Yes? Ah, yeah. Nakita na namin siya kanina ng iba pa nang pumasok sila dito ni Aphrodite. Welcome to Green Valley, Miss..."

"Michelle," dugtong niya.

"Oh yes, Michelle." Isang malalim na sulyap lang ang ginawa nito saka ito tumalikod. Ni hindi man lang siya nito nginitian. "I'll go ahead. May kukunin lang ako." Naglakad ito papasok sa isa pang kwarto ng opisina.

Suplado pala! Well, nasa mukha naman. Sayang, pogi pa naman ang isang iyon. Pero tagalog? Nakaka-amaze ang mga tao rito dahil alam nila ang lengguahe ko. Sa mga tulad nilang may lahing banyaga ay nakakamangha talagang malamang alam nilang mag-tagalog.

"He is Zeus. Pinsan siya ni Kuya Persius. Pagpasensiyahan muna at medyo may pagkasuplado talaga ang isang iyon. Oh siya Michelle, bumalik ka na sa resthouse. Magpahinga ka na muna dahil alam kong pagod ka. We'll discuss other details tomorrow. Oh kuya, una na kami. See you later."

Ngumiti lang ito sa kanila bago sila tuluyang lumabas ng gusaling iyon. Hinatid siya ni Dione pabalik ng resthouse at doon muna siya magpapahinga pansamantala habang hindi pa niya natatapos ang misyon niya. Pagdating pa lang niya sa malaking bahay na inookupa niya ay hinanap agad ng katawan niya ang malambot na kama.

"Oh, my bed!" Sumampa agad siya roon. "Ang ganda dito. Wala akong masabi. No wonder, this is one of the best tourist spots in the UK. How lucky I am." Naalala niya ang sinabi ni Ms. NC na tawagan agad si Po via online kapag nakarating na siya ng London. "I almost forgot. Shaks!"

Dali-dali siyang umalis mula sa pagkakahiga niya sa kama at nagtungo sa direksiyon kung saan ang mga gamit niya. Kinuha niya ang laptop at inilapag ito sa center table ng sofa na karugtong lang ng kwarto. Pambihira nakalimutan ko pa. Naging busy ako sa kakatuwang pangalan ng mga may-ari rito. Pang-imortal ang dating. Imortal? Pangalan lang siguro oo pero...having special ability? Malabo iyon! Maya-maya pa ay nasa screen ng laptop niya ang mukha ng kaibigan at kasamahang si Po.

"Hi! Kumusta ka diyan?" Anito noong maging online na sila parehas.

"Hello! Heto nakakapagod ang byahe but worth it naman ang place. Super ganda! Isama na natin sa bucketlist dito, maaaliw kayo sobra sa ganda ng lugar. Ang dami pang pogi! Tama nga si Ma'am Jow. There's a lot of Gods from heaven around this place." Umayos siya ng pagkakaupo sa sofa.

"Really? But remember, you are not there for fruit picking. Alalahanin mo na nasa misyon ka."

"Ikaw na nga ang nagsabing mag-uwi ako ng briton," nakanguso niyang wika rito.

"Well, we will settle things after our mission! Siyangapala, send ko iyong mga profiles ng mga member na kung saan sila ang nagmamay-ari ng G&A Int'l Corp. Ang napakalaking kumpanyan sa buong mundo. Medyo marami sila sana makabisa mo lahat."

"Okay, sige. Goodluck sa akin. As in madami talaga?"

"Yeah. There are plenty of Gods members. Heto ina-upload ko na."

Isa-isang nagsilabas ang mga profiles nito sa gilid ng screen ng laptop niya.

"Sige, go lang. Nakikita ko na sila. Oh, nakilala ko na itong si Noonpem or Persius, Zeus, and of course Aphrodite. Ang kulit ng pangalan nila ano, pang-ancient. Para tuloy akong nasa Greek Mythology."

"Oo nga eh, magkakatotoo na ang sinasabi ni Ma'am Jow na imortal! Haha!" Di na naman nito naiwasang matawa ng kaibigan sa kabilang screen.

"Sira. Naalala ko na naman!" Nagsimula na naman siyang matawa nang maalala ang tungkol doon. Para tuloy siyang baliw sa loob ng kuwartong iyon na hindi mapigilan ang malakas niyang tawa. Pero saglit lang iyon nang mapako ang paningin niya sa profile ng isang member ng Gods kung tawagin. "Bes, wait!" Bigla siyang sumeryoso at nakatitig ng maigi sa mukha ng lalaking iyon. "Load mo nga iyong biography nitong si Maverick..." Naningkit pa ang mga mata niya upang matitigang mabuti ang biography ng lalaking naagaw ang kanyang pansin.

"Ah, si Maverick Hephaestus Murchadh?"

"Yes! siya nga."

"Ahem! I think you're interested in him."

"No! Titingin lang interested agad? Hindi ba pwedeng kinakabisa lang?"

"Ows! Di nga? Gwapo bes ano? Isa siyang Chef. Hindi ka magugutom kung sakaling magkakatuluyan kayo niyan. And guess what? He is still single! Lahat naman sila single. Sorry, nag-research ako tungkol doon!"

"Sssshhh! Tahimik bes, na-curious lang ako kasi ang layo naman sa mukha niya ang maging Chef. Mas bagay sa kanya maging bigboss ang dating. Song Joong Ki, ika nga! Ottoke! Aigoo!"

"Bes! Wala akong naintindihan!"

Ang totoo niyan hindi ganoon ka-hook ang kaibigan niyang iyon sa mga Korean drama kaya hindi ito maka-relate.

"Oo na! Oh, siya pag-aralan ko na lang ito. Thanks bes! See u tomorrow, muaps!" Nag-flying kiss pa siya sa kaibigan bago pinutol ang kanilang usapan. Nakuha na rin naman niya ang kanyang kailangan kaya pag-aaralan na lang niya muna iyon.

"Oh siya, sige. Babush!" Nawala na rin ito sa screen niya matapos ang ilang sandali.

Ilang minuto siyang nakatitig sa screen ng laptop niya at mukhang tagus-tagusan ang tingin niya sa profile ng lalaking iyon. Hephaestus! Bakit ba bigla akong nakadama ng kakaiba sa mukha mong iyan. Weird naman ng pangalan mo! Hay! Tila ba may kung anong kaba siyang naramdaman sa dibdib niya habang nanatiling nakatitig sa imahe ng binata. Something's strange.

Hanggang sa pagtulog niya laman pa rin ng isip niya ang mukha ng lalaking iyon. Kahit anong gawing niyang posisyon sa pagtulog, hindi niya makalimutan sa balintataw ang presko nitong mukha. Pakiwari'y niya, may kung anong koneksiyon sa kanilang dalawa na medyo weird sa kanyang pakiramdam. Patulugin mo na ako, Hephaestus! Sabay tinakpan niya ang kanyang mukha ng unan at pilit na natulog. Iba ang epekto ng binatang iyon sa ginawang pagtitig pa lang niya.

Samantala, mula sa veranda nang Gods quarter saglit na napasulyap si Hephaestus sa labas ng bintana nang marinig nito ang boses ng babaeng tinatawag ang pangalan niya.

"Huh!" He is quite curious by then while he was sitting at the couch with Apollo.

Napansin naman agad ito ng kaibigan niyang si Apollo at nabaling ang tingin nito sa kanya. Pareho lang silang nakaupo sa couch habang may tiningnan sila sa kani-kanilang mga laptop na nasa center table.

"What was that Hephaestus?"

"Huh? Ah, nothing." Saglit na tumingin lang ito sa labas saka ibinalik ang paningin sa laptop nito. Strange. Sino naman kayang bumanggit sa pangalan ko? Hindi ko man lang matantiya kung sino. Napapailing na lang siyang ibinalik ang atensiyon sa kanyang laptop. Nagtataka rin ang binata na sa unang pagkakataong banggitin ng sinuman nilalang ang kanyang pangalan ay nagkaroon rin siya ng kakaibang pakiramdam.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập