MARCUS'S POV
I just recently knew that Charles is back. Kung hindi lang nadulas si Jervin nang tanungin ko siya ay hindi ko pa malalaman. I asked him kung siya ba iyong kasama ni Ara sa JF Park, but he answered 'baka si Charles', doon na talaga ako kinutuban hanggang sa sinabi na nga niya sa akin na matagal na pala siyang nakabalik.
I messaged him last week na magkita kami ngayon. Actually, I am so busy, but I spared time to talk to him. I just want a clarification.
Ilang sandali lang ay may lalaking pumasok dito sa M's Cafe. Halos lahat ng kababaihan ay napatingin sa kaniya. Medyo nagulat pa ako nang umupo siya sa harapan ko.
"Ang gwapo ng lalaki, Sir, macho!"
Hindi kaya si Charles nga ang ibig sabihin ni Blue? He is exactly what Blue described!
"Marcus?"
Nagbalik lang ako sa sarili nang tawagin niya ako. Ultimo boses niya ay nagbago na rin. He is totally a real man now!
"Bakit mo ba ako gustong makausap?" tanong niya.
"Nagkikita ba kayo ni Ara?" diretso kong tanong at hindi naman siya agad nakasagot, so basically, tama nga ako. "Alam mo bang girlfriend ko siya?" tanong ko na naman at tumango naman siya. "Kung gano'n ba't ka nakikipagkita sa kaniya?" asar kong tanong.
"We're friends, Marcus, huwag mong lagyan ng malisya ang pagkikita namin," mahinahon niyang sabi, pero mali ba na lagyan ko ng malisya ang pagkikita nila kung alam kong may nakaraan sila?!
"Bakit hindi niya sinasabi sa'kin na nagkikita kayo?!" pinipigilan kong magalit because I don't want to make a scene.
"Have you ever asked her, Marcus?"
Natahimik ako agad. I never asked her directly kung si Charles ba ang kasama niya, laging iba ang tinatanong ko, expecting that she'll tell me the truth.
"Marcus, alam kong you're one of those perfect man, alam kong mabait ka at ayokong masaktan ka, pero sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang. . ." bahagya siyang lumapit sa akin, ". . .mahirap pigilan ang totoong nararamdaman," bahagya niyang tinapik ang balikat ko saka siya umayos ng upo.
"Charles, what do you mean?" tanong ko.
"Alam kong naiintindihan mo."
Bahagya akong natawa. "So, mahal mo pa rin si Ara?"
"Hindi naman ako tumigil na mahalin siya."
Sh*t! Naikuyom ko iyong kamao ko at mariin siyang tinitigan. "Tapos sinabi mo sa'kin na hindi ko lalagyan ng malisya ang pagkikita ni'yo? Ginag*go mo ba 'ko?" pilit ko talagang pinipigilan ang galit ko dahil ayoko ng iskandalo.
"Sige, Marcus, hindi kita pipigilan na mag-isip ng kung anu-ano sa'min ni Ara, bahala ka ng saktan ang sarili mo."
"Huwag ka ng makipagkita sakaniya."
"Kakasabi ko lang, 'di ba? Mahirap pigilan ang totoong nararamdaman," sobrang seryoso niya na talaga at nagsusukatan na kami ng tingin.
"Bakit ba, Charles? Sa tingin mo babalikan ka pa ni Ara? Ganiyan ka ba kadesperado?!"
"Siguro. . .oo. Mahal ko, eh! Utak lang ang matalino, Marcus, pero hindi ang puso kaya kahit alam kong mali na patuloy kong minamahal si Ara dahil may boyfriend na siya ngayon ay hindi ko pa rin pipigilan ang puso ko."
"Grabe, bilib nga naman talaga ako sa'yo, Charles. Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan!"
"If you're seeing me as a threat, then good luck. Pero, hindi ko naman siya aagawin sa'yo, I'll wait for 'our' right time. Mauna na ako, I am also a busy person, Marcus."
Napapikit na lang ako sa inis! Ngayon pa talaga naging ganito ang buhay pag-ibig ko kung kailan ang dami kong problema sa kompanya! Sh*t!
ARA'S POV
I went home right after what happened, pero puro katulong lang ang nadatnan ko. I wanted to talk to my Mom o si Daddy o ang mga Kuya to ask for advice. But since they're not home, I called Anikka instead.
Dumiretso ako sa kanila at pagkarating ko ay nandito na rin si Clara.
"Arabells, anyare? Kinabahan ako nang sabihin ni Anikka na you need help," sabi pa ni Clara. I can really feel how sincere she is kaya ang sumunod na nangyari ay napakayap ako sa kaniya. "H-Hoy, bakit ba?" nag-aalalang tanong niya.
"I. . .I and Charles. . ."
"A-Ano? Anong meron sa inyo?" tanong na naman niya.
". . .we freaking kissed, Clara!" matapos kong sabihin iyan ay bumuhos na ng tuluyan ang mga luha ko. They just let me cried until I get tired. Naupo ako sa kama ni Anikka at talagang pagod na pagod na ako!
"Mahal mo pa rin?" tanong ni Anikka at wala akong pag-alinlangang tumango. Ayokong lokohin iyong sarili ko. I know myself. I still love Charles, I really do. "Paano na si Marcus?" the hardest question, sh*t!
"Ayoko siyang iwan," sagot ko.
"Ano? So, dalawa silang mamahalin mo? Are you nuts, Arabells?" asar na tanong naman ni Clara.
"Kung pwede lang, Clara! Pero, ayoko talagang iwan si Marcus—"
"Don't be selfish, Ara!" nagulat talaga ako nang sumigaw si Anikka. "You're cheating on Marcus and he doesn't deserve that sh*t! Simula nang maging kayo ay walang ibang ginawa si Marcus kun'di ang mahalin ka! And now that you're loving someone else, you need to let him go! At gagawin mo 'yan habang maaga pa!"
"Ayoko siyang masaktan, Anikka!" umiiyak ko na namang sabi. Sh*t! Akala ko ba ubos na kayo?!
"And you think sa ginagawa mo ngayon ay hindi mo siya nasasaktan? Wake up, Ara, matalino ka! Don't just use your heart, use your brain, too!" sigaw na naman ni Anikka.
"Lakasan mo pa nga, Nikks, ayaw magising ni Ara sa katotohanan, eh," sabi naman ni Clara.
"Pero, mahirap para sa'kin na basta-basta ko na lang siyang iwan! Na basta-basta ko na lang sasayangin 'yong dalawang taon! Napakahirap!"
"If you're this coward to face the reality, edi sana pinigilan mo 'yong sarili mong mahalin ulit si Charles!" inis na talagang sabi ni Anikka.
Alam ko namang mali ako, eh! Kaya lang ayoko talagang saktan si Marcus! Kakalimutan ko na lang si Charles—
"Alam ko namang sa umpisa pa lang ay iba pa rin 'yong pagmamahal na ibinigay mo kay Charmagne noon kaysa sa pagmamahal na ibinigay mo kay Marcus for the second time, Arabells," napatitig ako kay Clara nang sabihin niya iyan. Akala ko ay walang nakapansin! "Simula pa noon alam ko na na kapag bumalik si Charmagne ay magbabago ang nararamdaman mo kasi alam ko nang sagutin mo si Marcus ay hindi mo naman talaga siya mahal! Natutunan mo lang naman siyang mahalin dahil siya 'yong nandiyan at hindi ka niya iniwan! Siya 'yong nagpapasaya sa'yo! Siya 'yong nakakaintindi sa'yo! In short, siya 'yong nakita mo na malaki ang pagkakapareho kay Charmagne! Minahal mo lang si Marcus dahil nakikita mo sa kaniya ang mga ginagawa sa'yo noon ni Charmagne!"
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapatulala sa kawalan. Paano ko ba ito nagawa? Bakit ko ba niloko iyong sarili ko? Why do I get so stupid when I'm in love?! I just want to have a healthy and happy relationship, but why does it always end up so sad?
"Now, Ara, you need to cut all your lies to Marcus. End everything before it gets worse," mahinahon na ngayon si Anikka at marahan niya na ring hinahagod ang likuran ko.
"Ayaw namin na madagdagan pa ang mga mali mo. If you and Charles still love each other, then let Marcus go. This may be hard for you to do, Ara, and it may be hard for Marcus to move on, but still, you guys will learn to forget about this soon," sabi naman ni Clara.
I took all my courage to say, "thank you!"
"Just remember we always got your back," sabi ni Anikka at napangiti ako agad.
I'll always be thankful for having them.
***
Pagkauwi ko sa amin, quarter to 12 AM, ay nag-aalala talaga sila kung saan ako nagpunta at ang tagal ko pang nakauwi. Ikinwento ko sa kanila ang nangyari at ang akala ko ay papagalitan nila ako, but they just told me what Clara and Anikka have said.
***
One-week akong hindi lumabas ng bahay. Lahat ng text at tawag mula kay Marcus ay hindi ko sinasagot. Ayoko ng magsinungaling sa kaniya dahil tama silang lahat, Marcus doesn't deserve it. Gusto kong makipagkita sa kaniya na handa na akong aminin sa kaniya ang lahat. Napakahirap nito para sa amin, pero kinakailangan namin itong harapin at tanggapin.
And today, I'll make everything right.
I am presently waiting for Marcus. Sinadya kong dito siya hintayin sa Miraculous Resto Bar kung saan dito naganap ang first date namin as a couple. Kinakabahan talaga ako whenever the door opens! Hindi ko kasi alam kung paano ko siya i-a-approach, kung bakit biglaan ko siyang niyaya after a week na hindi ako nagpakita sa kaniya. I know for sure that he finds me so weird by now, pero kailangan ko itong gawin. I no longer want to hurt him, as well as myself.
For the nth time that the door opens, finally, he's here! Kumaway siya agad sa akin nang makita niya ako at mapakla naman akong ngumiti.
His smile is really precious. I don't deserve it.
"Hi, Bae," nakangiti niya akong binati and I tried my all best to greet him back normally. "Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Ah, I-I'm fine," nagsinunangaling na naman kasi ako sa kaniya kagabi. Ang sabi konagkasakit ako at ayokong malaman niya dahil busy rin siya sa trabaho at ayoko ng dumagdag pa sa problema niya. Ah! Last na talaga iyan!
"Mabuti naman!" he looks so relieved. "Order muna tayo?" tanong niya.
"Sure," sagot ko at ganoon nga ang aming ginawa. While waiting for our food, I took my courage to tell him the reason why we're here. "Marcus, pwede bang. . .pwede bang makasama kita for a day? Like, only the two of us for a one whole day," hindi ko maintindihan kung bakit walang bakas ng pagtataka sa mukha niya, he's just smiling genuinely!
"Alright, let's spend the whole 24 hours together," masaya ako na nakikita siyang masaya ngayon, but can't he sense that I am acting strange? Mas lalo na tuloy akong natatakot sa gagawin ko!
MARCUS'S POV
After our late breakfast, hinatid ko muna siya sa bahay nila to get her things at nagtungo kami sa bahay to get mine, too. Nang nasa sasakyan na kami, I asked her where should we go, but she got no idea of a place we will be spending the rest of the day. Tingnan ninyo, siya ang may gusto ng one whole day date, pero wala siyang alam na lugar na pupuntahan namin. Tsk!
I browse the Internet until I saw Sofitel Philippine Plaza Manila, the place looks so comfy and so, I decided to bring her there.
"It's my first time to go here, Bae," aniya habang tinitingnan ang mga litrato ng lugar. "Ow, their pool looks so clean in the picture, dapat gan'to rin in person," dagdag pa niya at napapangiti na lang ako hearing her excitement.
Pagkarating namin ay hindi talaga maipagkaka-ilang mangha-mangha siya sa lugar at masya akong makita siyang malaki ang ngiti sa labi.
"Mag check-in muna tayo," she just nodded and we went inside, holding hands. I smile as I look at our hands filling each other's gap. If only I could wish I'll hold this forever, then surely I already did. But, I know I can't.
"Good morning, Ma'am, Sir, welcome to Sofitel Philippine Plaza Manila!" nakangiting sabi ng receptionist.
"Hello, good morning," bati naman sa kaniya ni Ara.
"Do you have a reservation?" tanong niya.
"No," sagot ko.
"Alright, Sir, you're very fortunate because we still have a few vacancies left."
"Do we need to share a room?" tanong ko kay Ara at nakangiti siyang tumango. "Do you still have any rooms with two beds?"
"Yes, Sir, room 306, it's on the fifth floor."
Matapos naming makapag-check-in at magbayad ay agad na rin kaming dumiretso ni Ara roon. At dahil maaga pa ay napagpasyahan naming libutin ang halos buong hotel hanggang sa napagod kami at huminto sa may pool area. But, after awhile, nilapitan ni Ara ang dalawang batang babae na kanina pa kaway nang kaway sa kaniya. They're now talking like they are old friends who just met after a long year. So cute! And so, I took her a lot of photos!
Seeing Ara's smiles and hearing her laughter is just one of those what will I miss after this day ends.
— Flashback —
Nag-aalala na talaga ako kung bakit hindi niya sinasagot ang lahat ng messages at tawag ko. Pinupuntahan ko siya sa bahay nila kapag may free time ako, pero laging wala siya. Hindi naman kami nag-away, pero bakit biglang nagkaganito?
Ayokong isipin na baka sumama na talaga siya kay Charles because I know Ara, she'll never do that!
I tried calling her best friends, pero wala rin silang alam kung anong nangyayari kay Ara until Anikka could no longer take it. Tumawag siya asking me to meet her. Kaya kahit gaano ako ka-busy ay sinipot ko siya dahil tungkol naman kay Ara ang pag-uusapan namin.
"Anikka, ano ba talagang nangyayari kay Ara?" iyan agad ang tanong ko nang makarating ako sa resto na sinabi niya.
"Marcus. . ." halatang nag-aalangan siya kaya mas lalo kung gustong malaman kung ano ba talaga ang sasabihin niya, ". . .I know you're the best boyfriend that Ara has. I don't want to hurt you nor spoil you, but I just want to tell you that she's hiding by now to gain all her courage to—"
"Break up with me?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumingit na ako at gulat na gulat naman si Anikka. "Bakit? Kasi hindi ko na siya nabibigyan ng oras?" tanong ko. Ito sana iyong dapat kung tanong 'Bakit? Dahil kay Charles?' pero, ewan, hindi ko kayang itanong! Ayokong marinig ang sagot sa tanong na iyan!
"I-It's not my responsibility to answer your question, Marcus, kapag nagpakita na sa'yo si Ara at nagka-usap kayo you will know the answer. Sinasabi ko lang sa'yo 'to kasi I know it will be very painful when that day has come, but at least you're ready."
"May mali ba akong nagawa, Anikka?"
"Mali lang 'yong timing ni'yo," sagot niya at bahagya akong natawa. Nasisi pa iyong oras, eh. "Marcus, I know you're strong. Alam kong kahit ano pang bagyo ang dumating sa buhay mo ay makakaya mo pa ring tumayo," dagdag niya at nakangiti lang akong tumango.
— End of Flashback —
After our conversation ended, I went home, forget about my damn work, and cried myself out para kapag dumating iyong araw na makikipag-hiwalay na sa akin si Ara ay hindi na ako iiyak pa. I cried for two days straight para akong kinagat ng sandamakmak na bubuyog pagkatapos, but at least I felt relieved kahit konti lang.
And now, I still ain't ready for tomorrow, but I know I can't escape it.
Oh, I'll just pray for my heart and soul.