Tải xuống ứng dụng
51.16% She Stole The Gay's Brief / Chapter 22: SSTGB 21 : BE HAPPY

Chương 22: SSTGB 21 : BE HAPPY

Napangiti ako nang makita na nag-email sa akin si Marcus. Siguro dahil ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita at kahit na naka-move on na ako sa kaniya ay kaibigan ko pa rin naman siya.

Kung anu-ano lang iyong mga pinag-usapan namin ni Marcus at nasabi niya na rin na nagiging close na sila ni Alex. Gusto ko nga sana silang i-ship, pero parang ayaw ko—charot! Ship ko sila. Hehe.

"Sweetie, buksan mo muna 'yong gate!" sigaw ni Mommy mula sa kusina nang may nag doorbell. Sino naman kaya ito? Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon.

"Si Kuya Aaren na, Ma, busy ako," sagot ko naman at saka ako humiga sa sofa. Ewan ko ba kasi kina Mommy bakit ayaw nilang kumuha kami ng Guard. Nakakapagod kayang lumabas lalo na at medyo may kalayuan iyong gate namin sa mismong bahay namin. Tsk.

"Busy talking with that sh*t Marcus?" sinamaan ko agad ng tingin si Kuya Aaren. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa ni Marcus. "End it, Ara, hanggang kailan ka ba magpapakatanga sa kaniya?" kunot-noo niya talagang tanong.

"Chill, Bro," natatawa kong sabi. "We're just talking about some random stuff, wala namang malisya 'to. Tsaka, Ara 6.0 na 'to, hindi na 'to tanga, okay?" tumayo na ako matapos sabihin iyon at nag walkout. Charot! Bubuksan ko lang iyong gate dahil mukhang ika-bente na nag doorbell iyong bisita namin.

Napahinto ako nang tuluyan kong nabuksan ang gate. "S-Sino ka?" wala sa sariling tanong ko. May gwapong nilalang sa harapan ko ngayon! Ang ganda ng pilik-mata niya, matangos ang ilong, cute ang natural pink lips niya at sobrang kinis ng mukha! Naka plain black na t-shirt at jeans, tapos. . .tapos naka-heels? Ha?

"Shonga, si Charmagne 'to," aniya at papasok na sana siya, pero piginilan ko siya agad.

"Sadali, sandali," nakataas na ang kilay niya ngayon habang ako ay nakakunot ang noo. Ay, oo nga, ngayon ko lang napansin na mahaba ang buhok niya. Eh, kasi naman naka bun iyong buhok niya, tapos nakatago pa sa cap niya kaya para talaga siyang lalaki! Tapos wala pa siyang makeup!

OMG! Ang gwapo nga ni Charmagne! Wait, hindi ako makahinga—sh*t, OA. Pero, seryoso, ang gwapo niya!!

"Na-o-offend na ako," natinag ako nang magsalita siya. "Bakit ba over ka kung makatitig, ha?" medyo kyuryos niyang tanong.

"W-Wala ka kasing makeup," iyan na lang iyong sinabi ko dahil baka ma-misunderstood niya kapag sinabi kong ang gwapo niya ngayon. Baka sabihin pa niya bet ko siya.

"Kasalanan ni Clara," maglalakad na sana siya, pero humarang ako agad. "Trip mo, Kilatra? Papasukin mo na ako at kanina pa ako hinahanap ng Mudra mo," muling usal niya.

"Anong kasalanan ni Clara?" takang tanong ko. Kasi ang weird, bakit si Clara, hindi ba?

"Nakipag-date ang best friend mo at hindi niya bet. Tinawagan niya si Jake, but out of coverage area ang Baby ko kaya ako ang natripan ng Bruha," pagpapaliwanag pa niya. Ibig sabihin nagpanggap silang mag-jowa? Ganoon? "At bakit kunot na kunot ang noo mo, Kilatra? Hindi na naman bago 'yong ginawa ng best friend mo. Ganiyan naman siya lagi kapag 'di niya bet ang otoko, ha," napatango naman ako, pero ang weird pa rin at hindi ko iyon maintindihan.

"Kapag ba ginawa ulit ni Clara, go ka pa rin?" tanong ko. Baka naman may kasunod pa, mas mabuting prepared ako at baka matulala ako ulit, pero mas gugustuhin ko yatang lagi silang magpanggap para ganito ka gwapo si Charmagne lagi. Kaya lang, huwag naman na sana siyang mag-heels. Diyos ko!

"Hindi na," sagot niya at tuluyan na talaga siyang pumasok sa bahay namin.  

"Bakit?" malungkot kong sambit. Tsk, sayang naman!

"Baka magselos ka," diretsong sagot niya dahilan ng literal na paglaki ng mga mata ko!

A-ako? Si Ara Cee Concepion ay magseselos kapag nagpanggap silang mag-jowa ng bestfriend ko?

My God?! Anong klaseng engkanto ba ang sumanib sa kaniya at ganoon na lamang ang sinabi niya?

HAHAHAHA! Nakakatawa! Ako talaga? Magseselos? Hoy! Kahit na maghalikan pa sila kapag nagpapanggap sila ay hindi ako magseselos dahil alam kong hindi naman totoo—joke!

Seryoso, hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ako magseselos. Tsk!

"Ara," nagulat ako nang lumapit sa akin sina Kuya Aaren at Kuya Arnold na titig na titig kay Charmagne na ngayon ay kausap na si Mommy sa kusina.

"Sino 'yon? Si Charmagne. . .o si Charles?" tanong pa ni Kuya Arnold. Hala, parang baliw, eh iisa lang naman ang may-ari ng pangalang sinabi niya.

"Both," sagot ko at muli kong binagsak ang sarili ko sa sofa. Napatingin ako kay Charmagne at saka ako bahagyang napangiti. Si Charles yata ang nasa bahay namin ngayon. Iyong mukha niya sa litrato na nasa wallet ni Chandra ay siyang nakikita ko ngayon. Super gwapo, mga Mare!!

Ibinalik ko na lang sa pakikipag-usap kay Marcus ang atensyon ko. Ang mga Kuya ko naman ay nasa kusina na rin para makigulo kina Mommy at Char. . .magne na kasalukuyan nang nag-uumpisang mag-bake. Bonding nila iyan. Tsk! Sa susunod ay mag-aaral na ako sa pagbebake para hindi na ako maagawan ni Charmagne!

Nakagat ko iyong labi ko nang mabasa ang bagong mensahe ni Marcus. . .

'Can we do video call?'

Hala! Hindi pa ako ready na makita ang itsura ni Marcus after 4 months na hindi kami nagkita. Baka kasi mas lalo siyang gumwapo! Diyos ko, baka ay maging maharot na naman ako. Ayoko na!

'Sige, Marcus.'

Ilang segundo lang matapos ko iyang sabihin ay agad na nga siyang tumawag. Huminga ako nang malalim saka ko iyon sinagot.

"Hi, Ara," nakangiti niyang sabi. Sh*t! Ang panget ni Marcus! Joke, bitter. Seriously, Marcus looks so damn handsome than the last time I saw him! Makapunta nga rin ng SouKor dahil mukhang nakakaganda sa bansang iyan.

"Ikaw lang mag-isa riyan?" may napansin kasi akong anino kaya medyo nagtaka ako.

"Nope. I'm with Alex," aniya at alam kong pilit ang ngiting ipinakita ko!! Sh*t! Bakit ganito, Ara? Naka-move on ka na, hindi ba?! Kainis naman, eh. Ang sarap hugutin ng puso ko kahit ngayon lang! "How are you, by the way?" nagbalik ako sa katotohanan sa tanong niyang iyan.

"O-Okay lang," sagot ko naman. Sumilip na rin pala si Alex sa amin at ang laki ng ngiti niya nang makita ako. "Hi," binati ko na rin siya at ganoon din ang kaniyang ginawa.

"Mas lalo kang gumanda, Ara, ha, in love ka na ba riyan?" pagbibiro pa niya at nakitawa naman ako kahit hindi totoo.

NAKAKAEWAN KA, ARA!!

"Bata pa po ako," at nagawa ko ring magbiro. Sige, go with the flow lang tayo.

"May hinihintay ka lang siguro," aniya sabay tingin kay Marcus. Parang baliw!!

"W-Wala oy, pa-issue ka, ha," sagot ko naman na agad niyang tinawanan. Ang galing ko talagang magbaliw-baliwan!

"Alis muna ako, Ara, grocery lang. Hi ulit," pagpapaalam niya at tumango naman ako. Alex looks great, mukhang pareho silang masaya roon sa SouKor.

"Ara," napaseryoso ako nang seryoso ring tinawag ni Marcus ang pangalan ko. "I miss you," at saka ako natahimik. Isang malutong na freaking sh*t!!!

"Super serious naman—Marcus?" gulat talagang tanong ni Charmagne nang bigla siyang tumabi sa akin at nakita niyang ka-videocall ko si Marcus.

"Charles?" kunot-noo ring sambit ni Marcus.

Napatingin ako kay Charmagne na nakatitig pa rin kay Marcus. Nang nilingon niya ako kay pasekreto ko na siyang pinisil at iyong mga mata ko para bang sinasabi kong 'help me! Gusto ko nang i-end ang call.'

"Kamusta, Marcus?" inagaw niya sa akin ang cellphone ko at saka lang ako nakahinga nang maayos. Hinayaan ko na rin silang mag-usap.

Pilit kong kinakalimutan ang sinabi ni Marcus, pero sh*t, bakit hindi ko magawa?

'Ara, I miss you!'

'Ara, I miss you!'

Tumayo ako at saka ako dire-diretsong pumasok sa kwarto ko. . .nang umiiyak!

Bwesit!!! Ara naman, eh!!! Bakit ganito? Bakit ang hirap mag move on?!

Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang pumasok si Charmagne na may bitbit na ngayong cookies. "Inaway ka ba?" mahinahon niyang tanong at umupo na rin siya sa gilid ng kama ko.

"Hindi," sagot ko. Inabot ko iyong cookies na dala niya at saka ako kumain. Nagutom ako bigla, nakaka-stress si Marcus, eh. Tsk!

"Eh, bakit ka best in cryola riyan?" tanong na naman niya.

"Si Marcus kasi," kalokang mga luha! Bumubuhos nang hindi nagpapaalam! "Akala ko okay na ako, Charmagne, akala ko hindi ko na siya mahal, pero simpleng I miss you niya lang. . .para ng sira 'yong puso ko," umiiyak kong sabi. Hindi ko talaga nagugustuhan ang nararamdaman ko ngayon. Inis na inis ako sa sarili ko!!

"Kasi mahirap naman talaga mag move on," aniya at saka niya ako niyakap. I always find comfort kapag si Charmagne ang yumayakap sa akin. Pakiramdam ko talaga ay lagi niya akong naiintindihan kahit na ayaw niya. "Moving on takes time, Kilatra. Four months pa lang naman nang magkalayo kayo ni Marcus at hindi ibig sabihin no'n that you've finally moved on. Minsan kasi, niloloko lang natin 'yong sarili natin. Kahit alam naman natin na mahal pa rin natin 'yong isang tao ay sinasabi pa rin natin na wala na, na naka-move on na tayo. 'Yan ang hirap sa ating mga babae, eh," bahagya akong natawa sa sinabi niya. Okay na sana, eh, biglang ganoon. "Ano ba talaga? Gusto mong mag move on o gusto mong mahalin pa rin siya?" tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayap niya at saka ako napabuntong-hininga. "Mahal ko pa rin siya, ayokong magsinungaling, pero ayoko na talaga. Tama na 'yon, tama na ang hindi mabilang na sakit na ibinigay niya sa akin," maluha-luha kong sabi. Gusto kong maging totoo sa sarili ko, ayoko nang mahalin si Marcus. Dati masaya ako na mahal ko siya, pero ngayon hindi na ako natutuwa, naaawa na ako sa sarili ko.

"Ikaw lang naman ang makakagawa niyan, Ara. Sarili mong puso 'yan, sarili mong nararamdaman, sarili mong desisyon. Ako, kaming mga taong nagmamahal sa'yo, suporta at tulong lang 'yong maibibigay namin, pero ikaw, ikaw pa rin ang masusunod."

"Tulungan mo 'ko, Charmagne," pakiramdam ko ay nagmamakaawa na ako sa kaniya ngayon. Alam ko kasing matutulungan niya ako, eh.

"Pilitin mo muna ako," nakangising aniya kaya naningkit naman iyong mga mata ko. "Ano bang tulong ang gusto mo? Tulungan kitang kalimutan siya o tulungan kitang magmahal ng iba?"

"Both," walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Harot nga nito. Magmamahal na agad ng iba," napailing pa siya matapos sabihin iyan. Tss! Kita niyo iyan, sinagot ko lang naman iyong tanong niya, eh, nasabihan pa akong maharot! "Sige, dahil malungkot ka ngayon dapat bukas ay masaya ka. Hindi ko alam kung paano kita pasisiyahin, Kilatra, pero dahil malapit ka sa'kin ay I'll do my best with a heart," hindi ko naiwasang mapatitig sa kaniya. Boses man ni Charmagne ang naririnig ko, mukha naman ni Charles ang nakikita ko kaya ang weird lang talaga. "First step, enjoy and be happy. Uumpisahan natin bukas, kita tayo," bahagya niyang ginulo iyong buhok ko saka siya umalis sa kama ko at kinuha ang tray na wala ng laman.

"Juding," huminto naman siya at lumingon sa akin, "date ba tayo bukas?" tanong ko, pero binibiro ko lang talaga siya.

"Okay. Let's call it our first date, Kilatra," matapos sabihin iyon ay tuluyan na siyang lumabas habang ako ay naiwang nakangiti.

'Thank you, Charmagne, for making me happy at the end of the day. Thank you for letting me feel the rainbow after the rain. I really am so grateful for having you as my friend.'


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C22
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập