CHARMAGNE'S POV
Habang nagsasalita ang Kuya ni Ara na si Aaren ay hindi ko mapigilang mapatulala sa kaniya. Mama, yummilicious! Mula dulo ng buhok hanggang dulo ng kuko niya sa paa, perfect! Ito namang si Arnold ay bet din, kaya lang may nililigawan na, so rito na lang tayo kay Aaren, keri pa itong bingwitin! Hihihi!
"Have you ever had a girlfriend, Charmagne?" hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o kikiligin dahil sa tanong na iyan ni Aaren. Maiinsulto ako kasi kitang baklang-bakla ang Ate niyo tapos ganiyan iyong tanong niya o kikiligin dahil baka ini-expect niyang sasabihin kung wala dahil siya ang hinihintay ko tapos sasabihin niya sa akin na bet niya rin ako. Hmm, harot!
"I had girlfriends way back then," yes, with 's', totoong na-in love ang bakla sa mga pechay! Bakla na ako at that time, pero ewan, Mama, pumatol pa rin ako sa babae. Kaya lang ay nang dahil kay Jake Chu, transferee noong third-year high school pa ako, ay roon na! Tuluyan na akong nagpakabakla, pero ang lolo niyong gwapo, ayon lumipat ng ibang school nang malamang gusto ko siya. At ako, never na akong nagkagusto ulit sa isang pechay, sunod-sunod na na otoko na ang bet ko. Hihihi!
"So, probably, you can still fall in love with a woman?" tanong naman ni Arnold at syempre, umiling ako agad. Ayokong magkagusto sa babae, gusto kong maging babae. Tapos! "Sayang naman 'yong lahi mo," natawa pa siya nang bahagya. Tss, lahian kaya kita! HAHAHAHA!
"Anong itsura mo no'ng lalaki ka pa?" bakit kaya curious si Aaren? Bakla ba ito? Cheka lang! Huwag naman, Mama!
"Nakakadiri man, pero say ng iba . . .gwapo raw ako," hininaan ko na iyong boses ko nang sabihin ang huling linyang iyon dahil nakakadiri talaga!
"May picture ka ba no'ng lalaki ka pa?" tanong naman ni Arnold. Hala, bakit ba ganito sila ka-curious sa akin? Medyo kinakabahan na ako. Hooh!
"Wala akong dala, eh. Tsaka sa social media accounts ko, deleted na," ayoko nang maging lalaki ulit, ano, kaya dapat tanggalin na iyon lahat! Walang ititira. Noon lang ako naging lalaki. Past is past. "Pero, kung curious talaga kayo, pwede ko namang ipakita," hindi ko maintindihan ang mga ito dahil talagang ngiting-ngiti sila nang sabihin ko iyon. "Sige, first tanggalin muna natin ang mahaba kong buhok," itinago ko iyon sa suot-suot kong sombrero. Ngayon ko lang napansin na nagmukha pala akong walang tiwala sa bubong ng bahay nila dahil nakasombrero talaga ang Ate niyo! "Next, the piloka," my God, Mama, para akong nagtuturo sa mga ito kung paano magtanggal ng makeup! At, natapos ko ngang tanggalin ang mga ka-ek-ekan sa mukha ko at mas lalong ngumiti ang dalawa. Bet na bet ang itsura ko! My gosh! Ito na talaga iyon. Pakiramdam ko may love life na akong bukas! #CharmagneIsMagandaTalagaSobra
"You look better with that," Diyos ko, masinseridad talagang sabi ni Arnold.
"Pero, beki talaga ako, eh," ngumiti lang sila nang sabihin ko iyan, pero parang ang weird lang talaga nila. Mukhang hindi kasi sila naniniwala sa akin. Saang banda ba ng itsura ko ang hindi mo masasabing binabae? Boobs? Kasi wala? O baka something down there? Ay! Enebe, let's not talk about that. Basta, bakla ako, tapos.
"Oh, we have a visitor?" lahat kami ay napatingin sa babaeng kakababa lang ng hagdanan. Halatang nanay nila ito dahil kamukhang-kamukha ni Kilatra. Para nga silang kambal, eh, kaya lang ay mas maganda iyong nanay niya.
"Yes, Mom, she's Charmagne Fuentes," pagpapakilala naman sa akin ni Aaren.
Tumayo ako at sinalubong ang maganda nilang Mudra. "Good evening po," bati ko sa kaniya at nakangiti naman siyang binati ako pabalik. Ang swerte ng Kilatra sa pamilyang ibinigay sa kaniya. Mukhang mababait ang mga ito. Sana lahat, hindi ba?
"You're Chandra's older. . ." nahirapan yata siyang sabihin ang brother. HAHAHA! Wala na naman akong makeup at nakatago na ang mahaba kong buhok, kaya lang ay naka off-shoulder pala ang Ate niyo. Hehe.
"Brother po, yes po," ako na iyong dumugtong para hindi na mahirapan si Tita. Charot, Tita!
"Oh, so, mind if I ask you what are you doing here? Don't get me wrong, I'm just curious. Inaway ba ni Ara 'yong kapatid mo?" palaaway yata si Kilatra dahil sa dami-rami ng dapat niyang itanong ay iyan pa. Pwede namang 'nanliligaw ka ba sa mga lalaki kong anak?' ganern! Hihihi.
"Hindi naman po. It's just I have something to say to Ara in person po," sagot ko naman.
"Okay, but Ara's still not home. Baka mamaya pa 'yon umuwi dahil may ginagawa pa raw siya sa school, kaya mo ba siyang hintayin?"
"Opo, Ma'am-"
"Tita, call me Tita Herra," sus, hindi pa niya ginawang Mommy, eh, ako rin naman ang mapapangasawa ng isa sa mga anak niyang yummy!
"T-Tita Herra, opo, I can wait for her," napalingon ako agad sa mga lalaking ito nang kakaiba ang tawang ibinigay nila. Shuta! Don't tell me. . .siniship nila kami ni Ara? Oy, mga baliw! Walang trip sa mundo ang mga ito.
At dahil ang tagal nga ng Kilatra ay nag-chikahan lang kami rito. Ang daldal ng Mudra nila, Diyos ko! Knows niyo ba na tinanong niya ako if I had done something with a guy ba raw and how does it feel? Shuta! Natahimik ang Ate niyo! Nakakalerkey, Mama! Tsaka mas green-minded pa siya sa amin. Konting kibot, binibigyan niya ng ibang meaning!
"Ang tagal ni Ara. Tawagan mo nga Arnold," utos niya pa at syempre, sinunod siya agad ni Arnold. Grabe, ang babait ng mga ito. Jowable! Jojowain ko talaga ang mga ito. "Charmagne, dito ka na rin maghapunan. Tutulungan ko na muna sila sa paghahanda ng kakainin natin," dagdag pa niya at saka siya dumiretso na nga sa kusina. Ang bait naman ni Mommy-charot, Tita Herra pala.
Ilang sandali lang din ay tumunog ang cellphone ko. Nakita ko naman ang pangalan ng soon-to-be Pari kong pinsan na si Greggy. Nagpaalam na muna akong sagutin iyong tawag at saka ako lumabas. Mahirap na at baka marinig nila ang convo namin.
"What now, Charles, nasa bahay ka na nina Ara?" iyan agad ang tanong sa akin ng soon-to-be Pari.
"Oo. At hoy, Greggy! Ang gwapo pala ng mga kuya ni Ara. Ba't 'di mo sinabi sa'kin, 'yan, ha?" ay, ano ba! Naaalala ko na naman iyong pretty smiles nilang dalawa tsaka kung gaano sila kabait at ka-gentle. Hindi sila judgmental kaya nagtataka ako kung saan nagmana ang Kilatra.
"Charles," nasurprise naman ako sa seriousness ng boses ni Greggy. Inaano ko ba itey? "I didn't tell you to go there to compliment her brothers, I want you to be there to help Ara and keep an eye on her, right?" napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
"Noselift ko naman 'yan. Gusto ko lang i-share it sa'yo na gwapo 'yong mga Kuya niya, ang seryoso nito," sagot ko naman. Tsk! Kung hindi ko lang mahal itong si Greggy ay hindi ko gagawin iyong gusto niyang pabantayan sa akin ang Kilatra para hindi sila magkatuluyan ni Marcus. Oh, hindi ba, ang ganda ng role ko sa istorya? Ha-ha-ha, my God, Mama!
"Basta, do all your best to let that Marcus tells Ara the truth, okay?"
"Oo na. Ikaw, ha, kung mahal mo pa si Ara, ba't 'di ka umuwi rito at itigil na 'yang pagpapari mo? Alam mo bang mali 'yong ginagawa mo? Let's say na Marcus really doesn't love her, pero malay natin, hindi ba, Marcus will learn to love her. Oh, edi hinadlangan natin 'yong pagmamahalan nila," oy, hindi naman kasi iyan imposible. People say love can never be learn, pero in reality, maaari mong matutunang mahalin ang isang tao. Hindi man agad-agad, pero nangyayari talaga siya.
"Ayoko siyang mapunta kay Marcus. He doesn't deserve her. Charles, learn to love Ara," halos lumuwa ang eyes ko, Mama! Nahihibang na ba ang Paring ito? Learn to love Ara raw? My God, no! Tsaka kung gusto ko mang turuan iyong puso kong magmahal ng isang babae ay ayoko kay Ara, ayoko ng tanga. Sakit ng ulo lang. Kaya it's a no talaga.
"Shonga? Bakla ako, Greggy, tapos learn to love her? Ayoko nga! Enough na 'tong tutulungan ko siyang gisingin, okay? Pero, ang pag-aralang mahalin siya ay ayoko! Baka masampal ko ng 8 inches kong takong ang noo ko, Greggy. Tigilan mo 'ko," hindi ko alam kung saang parte sa sinabi ko ang funny dahil natawa ang Pari.
"Thank you, Marcus," napataas agad ang kilay nang marinig ag boses ni Ara saka ko siya hinanap.
"Greggy, talk to you later," hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad akong nanuod ng drama. Ang galing kayang artista ni Marcus. Tss!
"Mukhang gusto mo na yatang sagutin kita, ha," sige nga, Kilatra, sagutin mo nga iyan. Tingnan lang natin kung hindi babaha ang luha mo.
"Ha? Hahaha, t-that's nice then," napairap na lang talaga ako kay Marcus. Paano ba niya naaatim na sabihin iyan kay Ara? Tss.
"Sige, you can go now para matapos mo na rin 'yong gagawin mo," akmang aalis na si Ara nang hilahin siya ni Marcus. At talagang lumevel up ang drama dahil may pahalik sa noo ang loko! Ito namang si Kilatra ay talagang ang tanga dahil kilig na kilig. Diyos ko!
"Goodnight in advance," umalis na rin si Marcus matapos sabihin iyan. Dapat lang para hindi naman ganoon kalaki ang ikukumpisal niya.
"Ahhhh!!! Nakakakilig!!! Ang saya-saya-"
"Ang ingay at may pagtalon pa, Mama," usal ko nang magpakita ako kay Ara.
"C-Charmagne?" takang tanong niya. Tsaka mukhang gulat na gulat din siya. Multo ako? Mama, mas maganda pa nga ako sa kaniya, eh.
"Oh, Charmagne, hija, halika na, ready na 'yong dinner," hindi man lang pinansin ni Tita ang anak niya. Kawawa!
"Mommy! Paano ako?" tanong ni Ara nang iginaya na ako ni Tita papasok ng bahay nila.
"Ara, sweetie? Andiyan ka na pala. Sumunod ka na at kakain na tayo," aniya at saka kami tuluyang pumasok. Hindi man lang kinamusta ang anak. Bully rin si Tita, eh.
***
Nang matapos kaming kumain ay agad ko nang kinausap si Ara na kanina pa talaga naguguluhan kung bakit nandito ako. Kanina kasi habang kumakain ay hindi naman siya nagtanong at titig na titig lang siya sa akin kaya ilang beses ko siyang kinindatan, para maasar, kaya ang bruha animo ay nandidiri talaga. Ang kapal! Ang dami kayang nababaliw sa kindat ko.
"So, ano nga? Ba't ka andito? Trip mo mga Kuya ko?" tanong niya.
Pinasidahan ko naman ng tingin ang mga Kuya niya na nandoon pa rin sa kusina at busy kakachika sa Mommy nila. "Trip kita," sagot ko at talagang nanlaki ang mga mata niya. Para biro lang, OA rin ito, eh. "Huwag feeler, ibig sabihin no'n ay ikaw ang gusto kong makausap at hindi sila," mukha naman siyang nakahinga nang maluwag matapos ko iyong sabihin. Tss. OA talaga nito!
"At bakit?" mataray niyang tanong. Actually, kanina ko pa siya napapansing tinatarayan niya ako. Weird.
"Matalino ka, 'di ba?" at tumango naman siya agad. Humble! "So, maiintindihan mo na. . ." shuta, hindi ko yata kayang sabibin na pinaglalaruan lang siya ni Marcus, ". . .gaano mo ba kagustong maging isang exchange student? Rate it from 1 to 2," shutaaa!! No choice, wala na akong iba pang masabi.
"Baliw! But, I can't rate it, Charmagne, basta gustong-gusto talaga!" mahahalata mo talaga sa mga mata niya na bet niya talagang maging isang exchange student. "Pangarap ko talaga 'yon, eh. Gusto kong ma-experience," dagdag pa niya.
"Edi, mag-aral ka sa ibang bansa kung gusto mong ma-experience 'yon. So easy, Kilatra," sagot ko naman. Akala ko ang bigat ng rason niya.
"Magka-iba naman kasi 'yon, Juding," aniya. Sabagay, pero parang pareho lang din naman iyon. Tss. "Teka nga, 'yon lang ba 'yong pinunta mo rito? Hinintay mo ko para lang do'n?"
"Gusto kong malaman mo na. . ." shuta, sasabihin ko na talaga, ito na, ". . .I like Marcus," shuta, bwesit! Ano iyon, Charmagne? Lokang ito! Baliw!!!
"I knew it," literal na bumilog ang mga mata ko sa sinabi niyang iyan, pero napaparty ako bigla nang mapagtanto kong hindi failed ang plano kong ipakita kay Kilatra na may kakaiba sa amin ni Marcus para magduda siya! Ay, reyna ka, Charmagne! "So what? Then, you like Marcus. We're rivals. Let's see who will win Marcus's heart," nakakadiri naman ang sinabi niya, pwe! Pero, bahala na nga, pangatawanan ko na ito. Shuta!
"Go on. May the best woman wins," sabi ko at mukhang sinasabi naman ng mga mata niya na 'ang kapal ng mukha ng Juding na ito, woman daw.' Tss! Pake niya?!
Ay, hala! Biglang nag walkout? Sa sariling bahay niya? Dapat ako iyon, eh, naunahan ako. Kaloka!
Pero, mas nakakaloka talaga ang pinasok ko! First-time kong makipagkompetensya para lang sa isang lalaki. . . ay lalaki nga ba? Ewan, basta, lalaking hindi ko pa gusto!
This is all Greggy's fault! Pero, kasi umu-o ako, eh! So basically, I am already involved in their story the moment I accepted Greg's favor. And yes, I really am regretting it now. I can't focus on my own story and find love life. Kainis!