Tải xuống ứng dụng
2.32% She Stole The Gay's Brief / Chapter 1: SSTGB : PROLOGUE
She Stole The Gay's Brief She Stole The Gay's Brief original

She Stole The Gay's Brief

Tác giả: eommamia

© WebNovel

Chương 1: SSTGB : PROLOGUE

"Ano ba 'yan! Mahigit 20 minutes na tayong andito, pero puro panty naman 'tong nakikita ko," inis kong sabi. I'm getting exhausted, honestly, but for my brighter future with him, I need to do this.

Fighting, Ara!

"Huwag ka ngang tanga, Arabells, malamang bakla 'yong Kuya ko talagang puro panty ang gamit niya," sagot naman ni Chandra at bahagya akong napatango.

"Medyo tanga nga ako sa part na 'yon," wala sa sariling usal ko at agad naman siyang sumang-ayon. Napakamot na lang ako sa ulo ko nang umabot na kami ng trenta minutos, pero wala talaga! "Wala na ba siyang natitirang brief, Chandra?" tanong ko habang unti-unti ko nang binabalik 'yong mga mamahalin niyang panty sa cabinet nito.

"Ewan? Kasi no'ng nag out siya, wala na talaga siyang gamit na panglalaki," sagot niya kaya mas lalo akong nanlumo. "Arabells, paano kung panty na lang 'yong dalhin natin?" suhestyon niya na hindi ko sinang-ayonan.

"Ang sabi ni Miss Albularyo brief hindi panty. Baka hindi e-epekto kapag panty," sagot ko. Napaupo na ako sa sahig at talagang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Pero, hindi pwede! Tumayo ako at muling naghanap. "Wala bang secret cabinet 'yong Kuya mo? Baka naman may naitabi siyang panglalaking gamit. Isipin mo nga baka maalala mo," bahagyang nag-isip si Chandra, pero agad naman siyang napailing.

"ARABELLS!" biglang sigaw niya ilang segundo lang ang lumipas.

"ANO?!" napasigaw na rin ako, pero dulot ng excitement! Mukhang may alam na siya! Yehee—

"Parating na ang Kuya!! Nag text siya sa'kin tapos na 'yong date niya! Pauwi na siya!" pareho kaming nataranta ni Chandra at hindi namin alam na napatakbo na kami sa loob ng kwarto ng Kuya niya at kung 'di lang kami nagkabungguan ay hindi pa namin 'yon malalaman.

"Ang sakit, ha!" pagrereklamo ko pa habang hawak-hawak 'yong balikat kong nabunggo sa kaniya.

She just rolled her eyes inwardly, then, it suddenly turned big! Nakakaloka ang babaeng 'to! "ARABELLS!" muling sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "ALAM KO NA!"

"ANG ALIN?" napasigaw na rin ako. Para kaming tanga rito.

"ALAM KO NA SABI!"

"ANG ANO NGA? BALIW!"

"HIS TREASURE BOX!"

"TREASURE BOX?!"

"OO NGA! NAAALALA KO NA! BAGO SIYA MAG OUT 'YONG HULING BRIEF NA ISINUOT NIYA INILAGAY NIYA SA—"

"SA TREASURE BOX?! BA'T NGAYON MO LANG SINABI?!"

Bigla siyang natahimik at mariin niya akong tinitigan. "Kumalma muna tayo sandali, nauubos 'yong boses ko may concert pa ako mamaya," saad pa niya at muling naupo sa kama.

"Concert, akala mo naman nabiyayaan ng magandang boses," pangbabara ko naman kaya muling umikot 'yong mga mata niya, 360 degrees!

"Pasensya na, ano? Kasi no'ng bumagyo ng magandang boses nasa loob ako ng bahay, kumakain! Kaya hindi ako napatakan kahit konti!"

"Ba't ka sumisigaw? Kasalan ko? Kasalanan kong matakaw ka?!"

"HINDI KO SASABIHIN KUNG ASAN 'YONG BRIEF NI KUYA!" naiiyak niya pang sigaw kaya ako naman ay todo haplos sa likuran niya.

"Sinong nagsabi na matakaw ka? Ano? Ipasalvage na natin? Ang sexy mo kaya, Chandra," usal ko pa. Sh*t! Sana gumana! Hindi ko man lang kasi naalala na OA pala 'tong babaeng 'to. Kapag nasasabihan ng mataba at matakaw naghahalupasay na. Baliw na 'to, kain nang kain, tapos ayaw marinig 'yong katotohanan. Tsk!

"Mamaya na lang. Sa ngayon ay kunin mo muna 'yong treasure box ni Kuya, nasa ilalim ng kama niya," aniya at gusto ko na lang talaga siyang sabunutan! Alam niya naman pala, pero pinahirapan pa ako. Pinakalkal pa ako ng babaeng 'to! Napakasarap niya na talagang kurutin! If she's not one of my Angels baka sinipa ko na rin 'to!

Kinuha ko na lang 'yong treasure box sa ilalim ng kama at talaga namang kulay ginto ito, pero paano namin mabubuksan 'to, eh may padlock? "Hala, paano na?" tanong ko at agad siyang tumayo at may kung anong kinuha sa drawer saka niya pinalipad papunta sa'kin ang susi at kung 'di ko lang nasalo malamang natamaan na 'ko sa noo! Great!

"Bilisan mo na baka maabutan tayo, dalawa tayong masasalvage, makikita mo."

"CHE! Kung sana sinabi mo kanina, edi nakalabas na tayo!" asar kong sabi habang binubuksan 'yong golden treasure box. Naks!

"Kailangan mo munang maghirap, 'no," dahil sa sinabi niya ay naningkit talaga 'yong mga mata ko. Ang sarap lapain ng babaeng 'to! Nakakainis!!

Pero, nawala 'yong inis ko nang makita ko na 'yong brief niya! Oh, my gosh!! Ito naaa!! "Waaah, Chandraaa! Brief niyaa! Brief ng Kuya moo!" hindi ko naiwasang mapatalon habang yakap-yakap ko 'yon! Ang saya-saya ko talaga! My happiness transcends the Universe!

"Hoy, ingatan mo 'yan. Bon Bon Body Wear 'yan, it costs $39," hindi ko na pinansin pa 'yong pagpromote niya sa brand ng brief na 'to ang importante ay mapapasa'kin na siya!!

My Baby Loves, wala ka ng kawala!


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập