Tải xuống ứng dụng
93.89% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 200: Dahan Dahanin Nyo

Chương 200: Dahan Dahanin Nyo

Habang ginagamot si Issay, hindi naman mapakali si Miguel.

May namuo daw na dugo sa may bandang ulo nito gawa ng paulit ulit na pag pukpok sa kanya ng isang mabigat na bakal. Pati sa bandang tadyang at likuran ay may malaking pasa na sobrang itim kaya naapektuhan din ang kidney nito sabi ng doktor.

Miguel: "Sinong hayup na may gawa nito kay Issay?"

Dave: "Sir, si Winnie po ang kasama nya sa sasakyan kaya malamang sya ang may gawa!"

Miguel: "Nasaan si Winnie ngayon?"

Dave: "Nasa lumang factory, sa basement!"

Miguel: "Si Congressman Sanchez, nasaan?"

Dave: "Naka landing na po ang private plane na sinakyan nya at naka abang na si General Gene sa kanya!"

Miguel: "Na videohan nyo ba lahat ng nangyari?"

Dave: "Yes Sir!"

Miguel: "Ipakita nyo sa pamilya ni Sanchez ang mga nakalap nating ebidensya! Gusto kong malaman nila kung anong klaseng tao ang Congressman nila!"

"Pero dahan dahanin nyo!"

Galit na sabi nito.

Nang ipadukot nya ang pamilya ni Congressman, dinala nya ito sa isang bahay at doon nya ikinukong.

Pero hindi nya sila itinali at hindi nya rin sila sinaktan.

Malaya silang nakakagalaw sa isang kuwarto na may sariling CR.

Hindi nila alam kung sino ang may kagagawan nito sa kanila. Lahat sila may suot na mask at kahit anong tanong nila, hindi sila sinasagot. Walang nagsasalita.

Tatlo ang anak ni Congressman. Dalawang lalaki at isang babae.

Nasa trenta ang panganay at bente sinko ang bunsong babae nya.

Para sa kanila, ulirang ama at asawa ang haligi ng tahanan nila na si Congressman Sanchez. Wala silang kamalay malay sa ginagawang ilegal ng kanilang ama.

"Jusko, ano ba talagang kailangan nila sa Papa mo at dinukot nila tayo?"

Boses yun ng asawa ni Congressman na si Leona.

"Ma, maupo na muna kayo at baka tumaas ang presyon nyo sa pag aalala!"

"Malamang may kailangan silang pabor sa Papa, kaya nila ginagawa ito!"

Boses yun ng junior ni Congressman na JR.

Siya din ang laging kasa kasama nito sa politika at hinuhulma nya upang pumalit sa ama.

Ito na ang huling termino ng ama kaya plano nitong tumakbo sa mas mataas na posisyon at sya naman ang tatakbo sa pagka Congressman.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nakaitim na lalaki.

Sabay sabay silang napatingin sa direksyon ng pinto.

"Mama! Mama! Mama!"

Takot na takot ang bunso ni Congressman na Verna at nagtatakbo ito papunta sa ina.

JR: "Tungkol ba saan ito? Baka pwede ako na lang huwag nyo ng isama ang Mama ko at mga kapatid ko!"

Hindi nagsalita ang dumating. Itinapon ang dalang mga papel na naglalaman ng mga illegal activities ni Congressman at muling isinara ang pinto saka umalis.

Nagliparan ang mga papel, mga larawan at ebidensya. Lahat sila naging curious at kumuha ng isa upang malaman kung ano ito.

Nang mabasa ni JR na tungkol sa ama niya ang nasa papel, agad nitong tiningnan ang pamilya upang pigilan.

JR: "Huwag! Huwag nyong basahin yan!"

Mabilis nitong inagaw sa ina at dalawang kapatid ang mga papel at nagmamadaling kinuha isa isa ang mga iyon pati ang nalaglag sa paligid.

Pero huli na. Nabasa na ng Mama nya at dalawang kapatid ang mga nakasulat.

Leona: "Hindi! Hindi ang Papa mo yan diba? Hindi magagawa ng Papa ang ganyan!"

Nagsisigaw ito. Naghihisterikal.

Ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat.

Biglang bumukas ang TV at doon naman lumabas ang video ng pagkidnap ni Congressman kila Issay Yasmin at anak nito. Pati ang pagtanggap nya ng money transfer.

Lalong naghisterikal si Leona at sumabay pa si Verna. Nagkakagulo sila at hindi alam ni JR ang gagawin.

JR: "Patayin mo! Patayin mo ang TV!!!"

Utos nya kay Carlos ang pangalawang sa magkakapatid.

Carlos: "Pero hindi sya mamatay at hindi ko makita ang switch!"

JR: Gumawa ka ng paraan!"

Sa inis ni Carlos kinuha nito ang upuan at inihampas sa TV para mabasag.

Biglang tumahimik tapos ay namatay ang ilaw.

Maya maya, may maliit na sinag ng ilaw na nagmula sa taas at umiilaw ito sa pader.

Biglang may gumalaw na imahe, parang isang sine.

At ang bida ay ang uliran nilang ama at asawa na si Congressman Sanchez.

"Congressman Sanchez, you are under arrest for kidnapping illegal child selling and frustrated murder ..."

Si General Gene ang nagsasalita at kasalukuyang syang inaaresto ngayon.

Leona: "Ano 'to?! Ipaliwanag mo JR! Totoo ba ito?"

"Ang Papa mo, totoo bang hinuhuli nila?!"

"Magpaliwanag ka! Ikaw ang lagi nyang kasama, kaya dapat alam mo kung totoo ito o hindi!"

Pero hindi nya masagot ang ina. Wala talaga syang alam sa nangyayari.

*****

Sa ospital kung saan naroon si Miguel..

Dave: "Sir, nagawa na po namin ang pinagagawa nyo!"

Miguel: "Magaling!"

'Pasensyahan tayo Congressman, winalanghiya mo ako kaya wawalanghiyain din kita sa asawa at mga anak mo! Sisiguraduhin kong kasusuklaman ka nila!'


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C200
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập