Tải xuống ứng dụng
70.89% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 151: Proud

Chương 151: Proud

Habang tuwang tuwa si Nelda na kausap si Edmund, nababalisa naman ang huli dahil kanina pa nya napapansin na parang may mga matang nagmamatyag sa kanila.

At ng maka tanggap sya ng text kay Issay, nasiguro na nya na totoo ang hinala nya.

Issay: [ Magiingat kayo, hindi ko sigurado kung sino ang target sa inyong dalawa! May pinadala na akong tao para sumunod sa inyo! ]

Edmund: [ Salamat Ate! ]

Nelda: "Sino yan? Hinahanap ka na ba? Baka kailangan na nating bumalik?"

Edmund: "Hindi po Tita, si Ate Isabel po may pinabibiling pasalubong!"

"Sige po kumain pa po kayo, wala pong problema kung magtagal tayo!"

Nasisiyahan si Nelda dahil sobrang galang na bata ni Edmund. Maswerte ang anak nyang si Nicole kung magkakatuluyan sila.

Hindi maalis ni Nelda ang ngiti niya.

Inabot sila ng tatlong oras mag lunch break. Hindi nila namamalayan dahil sa dami ng tanong ni Nelda. Ito na ata ang pinaka matagal na lunch break ni Edmund.

Pabalik na sila ng sasakyan ng may humarang sa kanila. Nagulat na lang sila dahil bigla nagsulputan kung saan ang apat na lalaki sa harapan nila.

Nakaramdam ng takot si Nelda.

Edmund: "Sino kayo, at anong kailangan nyo sa amin?"

Tinakpan nya si Nelda para maproteksyunan nya ito.

Nakapalibot ang apat na lalaki na handang lumusob sa kanila ano mang oras.

"Mam, kailangan nyo pong sumama sa amin. Pinapasundo kayo ng Papa nyo!"

Sabi ng isang lalaki malapit kay Nelda.

Nelda: "Hindi ko kayo kilala at walang sinasabi sa akin ang tatay ko, kaya bakit ako maniniwala sa sinasabi nyo! Pano kung gusto nyo lang akong kidnapin?"

"Mam, totoo pong pinasusundo kayo ng Papa nyo!"

Nelda: "Pwes kung totoo, sabihin nyo sa Papa ko na hindi ako makakasama!

Marami akong kailangan gawin dito at mamaya tatawagan ko sya! Kaya makakaalis na kayo!"

Natatakot itong sumiksik sa likod ni Edmund.

"Pasensya na Mam pero ang utos sa amin ay kunin ka sa ayaw at sa gusto nyo!"

Sabi ng isa pa.

At umakma itong lalapitan si Nelda pero nakita agad ni Edmund at tinadyakan sya bago makalapit.

"Bata 'wag kang makialam dito. Yang babae lang ang kailangan namin kaya buti pa umalis ka na kung ayaw mong masaktan!"

Edmund: "Hoy! hindi ako tanga! Ba't ko sya ibibigay sa inyo ng basta basta? Hindi nya kayo kilala!"

"Hindi nga kami kidnapper, ang kulit nyo naman e! Inutusan nga kami ng tatay nyan na isama sya sa ayaw nya at sa gusto!"

Nelda: "Mamang kidnapper, kidnapping ang tawag sa pinaplano nyong gawin!"

Nakukulitan na ang mga lalaki sa pagpapaliwanag.

"Pasensyahan tayo, pero ito ang inutos sa amin at kailangan namin gawin ang trabaho namin!"

Lumusob na sila ng sabay sabay pero hindi hinayaan ni Edmund na may makalapit sa kanila. Prinotektahan nya si Nelda.

Agad naman dumating ang mga tauhan na pinasunod ni Issay sa kanila at napigilan ang tangkang pag kidnap kay Nelda.

Edmund: "Dalhin nyo sila sa police station at sampahan ng kasong kidnapping!"

At inalalayan nya si Nelda na makapasok sa sasakyan habang nagsisigaw ang mga lalaki na 'hindi nga kami kidnapper!' at saka pinaharurot ang sasakyan paalis palayo sa kanila.

Labis labis ang pasasalamat ni Nelda kay Edmund at hindi ito matapos tapos hanggang sa maka balik na sila sa opisina.

Duon nadatnan nya ang asawang si Enzo at inakap agad nya ito ng mahigpit at humagulgol ng pagiyak.Sadyang natakot sya sa nangyari sa kanila kanina.

Paano na lang kung wala si Edmund sa tabi nya para protektahan sya ng mga oras na iyon? Malamang wala na syang nagawa kahit manlaban pa sya.

Nelda: "Kailangan kong tawagan ang Papang para malaman kung totoo ito!"

Issay: "Nagdududa ka sa tatay mo?"

Napayuko si Nelda.

Nelda: "Kinahihiya nya kasi ang karamdaman ko!"

Issay: "Baka kinakailangan na rin magpatingin ng tatay mo!"

Nelda: "..."

******

Pag uwi nilang magasawa ng bahay, agad nitong tinawagan ang mga magulang.

Nelda: "Pang, may mga lalaki ditong nagpunta at sapilitan akong kinukuha, Ikaw daw ang nagutos, totoo ba?"

Pang: "Bakit hindi ka sumama? Totoong pinadala ko ang mga yon para pauwiin ka dito ng tigilan mo na yang kalokohan mo!"

Nelda: "Pang, bakit naman po ako basta basta sasama sa hindi ko kilala? Malay ko ba kung totoo yun o hindi? Paano kung kindnapper pala yung mga yun?"

"Ano? Plinano mong kidnappin ang anak mo? Nasisiraan ka na ba talaga!"

Boses yun ng nanay ni Nelda na alam nyang nasa tabi lang ng ama at nakikinig sa usapan nila.

Napaisip ang ama ni Nelda, hindi nga pala kilala ng anak ang mga taong iyon. Dapat ang pinadala nya yung kakilala ng anak para maniwala itong sya ang nagutos.

Pang: "Pwes ngayon alam mo na, na pinapauwi na kita dito, ano pang ginawa mo dyan? Bumalik ka na ng Zurgau sa lalong madaling panahon!"

Nelda: "Pang hindi po ako pwedeng umuwi dyan, narito ang anak kong si Nicole at ang asawa ko. Kung nasaan sila, dapat naruon din ako! Hindi na po ako bata Pang, may pamilya na po ako! Kaya wag nyo na pong pakialam ang mga desisyon ko! Pakiusap!"

Pang: "Abat ... nagiging bastos ka ng magsalita ha! Sinong nagtuturo sa yong sumagot sa akin, yang lintek na asawa mo? Hmp!"

Nelda: "Pang, kasal kami ni Enzo kaya natural lang na sumama ako sa kanya! Asawa ko sya sa mata ng tao at sa mata ng Diyos! Sumumpa kaming magsasama habang buhay, kaya bakit ba hindi nyo ito maintindihan?

Bakit ba hanggang ngayon kung ituring nyo ako isang batang paslit na walang malay sa mundo! Matanda na po ako Pang! Si Enzo na at ang mga anak ko ang buhay ko at sa kanila na dapat umiikot ang mundo ko!"

Ibinaba na nito ang telepono na umiiyak, hindi na nya matagalan ang ama sa sobrang kitid ng utak nito, hindi nya maintindihan.

Maya maya tumunog ulit ang cellphone at ng makita ang ina ang tumatawag sinagot nya ito na humagulgol ng iyak.

Mang: "Anak pagpasensyahan mo na ang Papang mo, nagaalala lang yun sayo!"

Nelda: "Mang, hindi po sya sa akin nagaalala kung di sa reputasyon nya! Simula pa noon lagi na lang nyang iniisip na magbibigay ako ng kahihiyan sa kanya dahil babae lang ako!"

Nagulat ang ina sa sinabi ng anak. Hindi nya alam kung papaano aamuin ito.

Mahal nya ang asawa pero hindi nya rin maintindihan kung bakit iba ang trato nito sa anak nyang lalaki at sa anak nyang babae.

Nelda: "Sanay na po ako sa kanya Mang, at wala na akong pakialam sa mga prinsipyo nya! Buhay ko po ito Mang, kaya may karapatan ako sa gusto kong gawin sa buhay ko! Kung kinahihiya nya po ako, wala po akong magagawa!"

Mang: "Hindi mo ba mapagbibigyan ang kahilingan nyang umuwi dito?"

Nelda: "Mang, hindi po hiling iyon utos po iyon ni Papang! Pasensya na po Mang pero pag umuwi ako dyan ikukulong lang ako ni Papang sa silong!"

Hindi makapagsalita ang ina ni Nelda, alam nya ang pinagdaanan nitong kalupitan sa ama.

Nelda: "Ayoko na Mang. Ayoko na pong mabuhay ng katulad ng dati

gusto ko ng maging malaya!"

"Naintindihan ko na po ang halaga ng buhay ko at para po iyon sa asawa at mga anak ko!"

"Gusto kong maging proud sila sa akin Mang!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C151
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập