Tải xuống ứng dụng
17.37% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 37: May Kamukha Sya!

Chương 37: May Kamukha Sya!

"Hi Ate Belen, Na miss mo ko nuh?!"

Pangungulit ni Issay kay Belen nang tumawag ito mula sa coffee shop.

"Luka luka! Tsinelasin kita dyan makita mo!"

Buong ngiti nitong sagot kay Issay.

"Pumarine ka na para mananghalian! Bilisan mo!"

Aya ni Belen sa kanya.

Hindi naman talaga umalis ng building si Issay, dahil ang coffee shop na pinuntahan nya ay parte pa rin ng building. Isa ito sa negosyong pagaari ng kompanya.

Ang Yzay café.

Pagpasok ni Issay dumiretso ulit ito sa reception desk.

"Hi Miss! Ako ulit! Pasensya na kung makulit! hehe!

Hindi ko na hahanapin si Edmund at baka may magpalayas ulit sa akin, pero andyan ba si Madam Belen?"

Tanong ni Issay na buong ngiti sa receptionist.

"Ay ikaw pala Ms. Isabel! Sandali lang po!"

Tatawagin na sana ng receptionist si Nadine pero nakita na nya itong palapit sa kanila.

Hindi pa nakikilala ni Nadine si Issay kaya hindi ito lumapit agad ng makita sya. At ng madinig sa receptionist ang pangalan nito hindi na sya nag antay na tawagin pa.

Sinundan ni Issay ang tinitingnan ng receptionist at napansin nya ang isang babaeng palapit sa kanila.

'Hmmm.... may kamukha sya!'

'Kamukha nya yung batang nagtataray at nagpalayas kanina na hindi ko alam kung bakit? Ang pagkakaiba nga lang nilang dalawa mukha syang mabait!'

"Magandang araw po Mam!"

Magalang na bati ni Nadine kay Issay.

"Magandang araw din sa'yo! Pero pwede bang 'wag mo na akong tawagin Mam, naiilang ako e.

Ako nga pala si Isabel!"

Nakangiting pagpapakilala ni Issay.

"Ako naman po si Nadine, Ms. Isabel!"

Sasabayan na sana nya ng paghingi ng dispensa ang nangyari kanina pero...

"Ms. Nadine, pasensya na kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo ha! Pasensya na talaga! Hindi ko kasi nadinig medyo na busy! Hehe!"

Makikita sa mukha nito ang sinseridad sa paghingi ng dispensa na ikinagulat naman ni Nadine.

Dapat sya ang nag so sorry pero bakit parang baligtad?

Sasagot na sana si Nadine pero nagsalita ulit si Issay.

"Pangako sa susunod sasagutin ko na ang tawag mo! Na save ko na nga ang number mo eh!"

Paliwanag ni Issay kay Nadine na ikinagulat na naman nya pati ng mga nasa reception desk.

Gusto nilang magtanong pero alam nilang wala sila sa posisyon na gawin iyon.

Hindi na nakaimik si Nadine. Hindi nya akalain na ganito kabait ang kausap.

Nag aalala pa naman sya baka nagalit ito sa ginawa ng kapatid, pero ngayon pakiramdam nya parang alam ng kausap na hihingi sya ng sorry sa nangyari kanina at sinasadya nitong pigilan sya na gawin iyon.

'Marahil natunugan na nya na kapatid ko si Nicole.'

'Marahil ay ayaw nya akong mapahiya sa mga tao dito.'

Sa isip ni Nadine.

Kaya mas mainam na ayain na nya itong umakyat.

"Eh,.... Ms. Isabel, pwede na po ba tayong umakyat? kanina pa po kayo inaantay ni Madam Belen!"

"Ah ganun ba? Sige, mabuti pa nga at baka matsinelas na ko nun! Hehe!"

At kinawit na ni Issay ang kamay ni Nadine na parang akala mo matagal na silang magkakilala.

Bago maguwian, imbes na mga nasa taas lang ang may meeting. Naisipan ni Belen na mas mabuti na ipatawag ang lahat para maipakilala nya ng pormal kung sino si Isabel sa mga empleyado ng kompanya.

****

Kinabukasan.

Masiglang pumasok si Nadine sa opisina. Nagkaroon ng bagong dahilan ang puso nya para ganahan sa pagtatrabaho at nakalimutan na ang ginawa ng kapatid.

Ngayon lang ulit sya nakaramdam ng ganitong sigla, ang una ay ng buhay pa si Luis, ang ama ni Edmund.

Sa edad na beynte inalok syang magtrabaho ni Luis sa opisina nya. Kakagradweyt lang nya nuon at nagdadalawang isip syang tanggapin ang alok pero pursigido talaga si Luis na makuha sya.

Tinanong nya si Luis,

"Tito! Pwede ko po bang malaman kung bakit? Ano po bang nakita nyo sa akin?"

Sa isipan ni Nadine hindi sya ganung katalino at kagaling.

"Si Isabel! Ang aking kababata! Nakikita ko sya sa'yo!"

Sagot ni Luis sa kanya na buong sigla.

Ngayon, maglilimang taon na sya sa kompanya at kakapromote lang nya bilang assistant ni Issay.

At ngayon nakaharap na nya ang taong sinasabi ni Luis sa kanya, nagtataka pa rin sya kung bakit sya ikinukumpara nito kay Isabel.

Dahil sa sobrang excitement, maaga syang umalis ng bahay. Tulog pa si Nicole, tanghali na ito lagi kung magising, kaya nagiwan na lang sya ng sulat at text na kailangan nyang magpunta sa HR.

Tanghali na dumating si Nicole ng opisina dahil tanghali na ito nagising. Pero pagdating ni Nicole sa kompanya, dirediretso ito sa taas kung saan naroon ang silid ni Edmund.

Nagulat si Edmund ng biglang pumasok ito sa silid nya ng hindi man lang kumatok.

"Hi Edmund .... andito na ako! Gusto mo ng kape? ipagtitimpla kita!"

Buong lambing na sabi ni Nicole sabay lapit sa tabi ni Edmund.

Hindi sya sinagot ni Edmund bagkus ay tinawagan nya ang sekretarya na pumasok sa silid.

"Ms. Tess, pakisamahan mo nga si Ms. Nicole Belmonte sa HR!"

Utos nito sa sekretarya na hindi tinitingnan si Nicole.

Nagulat si Nicole.

"Teka! Teka! Bakit? Akala ko ba...."

"Ms. Nicole, kung gusto mong mag OJT dito sa opisina kailangan mong dumaan sa HR. Duon lahat dumadaan ang mga may gustong mag apply dito. Kaya tara na Ms. Nicole!"

Paliwanag ng sekretarya.

Hindi man lang sya dinapuan ng pansin ni Edmund. Masyado itong abala na tila walang naririnig.

"Pero, pero...."

Hindi na pinagbigyan ni Tess na makausap ni Nicole si Edmund. Inilabas nya na ito ng pilit sa silid habang nagsusumigaw si Nicole para mapansinin sya ni Edmund.

Napikon na si Tess at tinawag na ang security na nasa floor na iyon.

"Ano ba Ms. Nicole! Opisina ito hindi palengke! Umasal ka ng tama!"

Paalala ni Ms. Tess

"At sino ka ba sa akala mo? Sekretarya ka lang ah!"

Nanlalaki ang matang sabi nito kay Tess.

Mataas talaga ang ere ni Nicole eversince. Mayamang spoiled brat kasi bagay na mahirap paniwalaan dahil hindi ganun ang kapatid nyang si Nadine.

Namumula na sa galit si Tess.

"Security! ibaba mo na yan sa HR! At sa susunod ayaw ko ng makita yan dito sa floor na to!Maliwanag!"

Utos ni Ms. Tess sa security.

Isinakay na ng security si Nicole sa elevator habang nagwawala at sinisigaw ang pangalan ni Edmund.

"Miss, umayos ka kung ayaw mong itapon kita sa kalsada!"

Natakot si Nicole na baka totohanin nito ang banta.

"Hmp! Sige ibaba mo na lang ako sa HR!"

Pautos nitong sabi.

Napipikon na rin ang security kaya tiningnan nya ito ng matalim, saka pinindot ang floor ng HR.

Akala ni Nicole ay iiwan na sya ng security pagdating ng HR pero nagulat sya ng sinamahan sya nito.

"Makakaalis kana!"

Aroganteng sabi ni Nicole sa security.

Pero hindi sya pinansin nito at patuloy lang sa paglakad sa tabi nya.

Pagdating sa HR.

Nagulat si Nicole sa mga ipinagagawa sa kanya ng HR.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C37
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập