Tải xuống ứng dụng
11.26% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 24: Ambagal Mo Naman!

Chương 24: Ambagal Mo Naman!

"Anthon nasaan si Issay? Ba't diko napagkikita yung batang 'yon?"

Tanong ni Mama Fe sa anak habang naghahain ito ng almusal.

"Ma, malaki na po si Issay. Bayaan nyo po muna syang gawin ang gusto nya. Saka isa pa, matagal tagal din pong nawala si Issay dito sa atin kaya malamang maraming me gustong makita sya!"

Mahabang sagot ni Anthon sa ina.

"Ikaw, ang dami mong sinabi! Gusto ko lang naman malaman kung nag almusal na sya!"

Sagot ni Mama Fe sa anak sabay upo na sa hapag kainan para sabayan ang anak nyang kumain.

Pag gising kasi nya wala na si Issay sa higaan kaya hindi nito alam kung saan nagtungo.

Maaga kasing gumising si Issay para mamalengke kaya hindi na ito nakapag paalam sa kanila dahil tulog pa ang lahat.

"E, kayo? Kamusta naman kayo?Kayo na ba?"

Deretsahang tanong ni Mama Fe sa anak.

Nabulunan tuloy si Anthon habang umiinom ng kape dahil sa pagka bigla sa sunod sunod na tanong ng ina sa kanya.

"MA?!"

Luminga linga si Anthon, nag aalala at baka me nakarinig sa sinabi ng ina.

Napansin ito ng ina.

"Bakit ba? Ano ba problema kung kayo na?"

Tanong ni Mama Fe.

Pero hindi magawang sabihin ni Anthon sa salita ang totoo kaya umiling na lang ito.

"Hindi ..pa ...kayo?

Aba anak, ambagal mo naman!"

Sabi ni Mama Fe.

"Ma naman!"

"Anak, 'wag mo ng patagalin yang feelings mo kay Issay at hindi na kayo bata! Masyado ng matagal ang pinaghintay mo, panahon na para malaman nya!"

Sabi ni Mama Fe.

Nagulat si Anthon.

Hindi nya akalain na alam ni Mama Fe ang lihim nyang pagtingin kay Issay.

Pinagkatago tago pa naman nya ito at iningatang mabuti para walang makaalam.

"Ma, pa'no nyo po nalaman?"

"Ang alin? Na may gusto ka kay Issay? Kasi Nanay mo ko, natural na malaman ko na nuon pa man ay may gusto ka na sa kanya.

At isa pa, masyado ka nang obvious. Kahit yung dalawang kapatid mo alam nilang in love ka at kung kanino ka in love!"

Paliwanag ni Mama Fe.

Natahimik si Anthon. Hindi nya akalain na hindi na pala nya kayang itago ang damdamin nya kay Issay.

"Ma, humahanap lang po ako ng magandang tiyempo!"

"Aba anak, bilis bilisan mo namang maghanap ng magandang tyempo at baka maunahan ka pa ni Joel mag asawa!"

Anthon: "....."

*****

Kinahapunan.

"Hoy mga Ineng 'san ang punta nyo?"

Tanong ni Mama Fe mula sa terrace ng makita ang grupo nila Elen na nadaan sa bahay nya.

"Ay! Magandang araw po Tita Fe! Di ne po ang tungo namin, kila Issay!

Nabalitaan po namin na dumating kaya nilulusob po namin! Hehe!"

Masayang sagot ni Mache ang pinaka leader ng grupo.

"Ah, ganun ba! Kayo pala ang bisita ni Issay! Sige tuloy na kayo at mukhang kanina pa nya kayo inaantay!"

"Sige po Tita Fe, tuloy napo kami!"

Sigaw ng grupo kay Mama Fe.

Pagkakita sa mga kaibigan, tuwang tuwa si Issay. Agad nila syang inakap. Makikita ang pananabik ng bawat isa sa kanila.

Pakiramdam ng lahat, para silang bumalik sa pagkabata. Lalo na ng magsimulang magkwentuhan tungkol sa mga pinaggagawa nila noong mga teenager pa sila.

Walang humpay na tawanan ang madidinig sa buong kabahayan.

At nung mapagusapan naman ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nilang grumadweyt medyo sumeryoso naman ng konti.

Nalaman nilang si Issay na lang pala ang hindi pa nag aasawa sa kanila. At kaya sya hindi nakarating nung reunion dahil hindi nya nalaman ang tungkol dito.

Naputol kasi ang communication nilang lahat kay Issay kaya walang nakaka alam kung saan syan hahagilapin ng mga organizer.

Masayang masaya sila na nagkakainan at nagkukwentuhan ng biglang maalala ni Chedeng ang tungkol sa anunsiyo.

"Teka sandali! May naalala ako!"

Gulat na napatigil ang lahat at napatingin kay Chedeng.

"Pasensya na mga klasmeyt pero pwede ko bang makausap muna ng seryoso si Issay?"

Naguguluhan ang lahat kung bakit biglang sumeryoso si Chedeng.

Hindi nila alam kung nagbibiro lang ba sya o talagang seryoso ito.

"Tungkol ba saan, Chedeng? Sabihin mo na at pinakakaba mo na ako!"

Tanong ni Issay sa kaeskwela.

"Issay me gusto kasi akong itanong sa'yo."

Pagsisimula ni Chedeng.

Naramdaman ng lahat na seryoso nga ito kay sumeryoso din sila.

"Ano ba yun, Chedeng? Pinakakaba mo na kaming lahat e!"

Pangungulit ni Elen

"Issay, ibinenta mo ba ang lupa ninyong ito, pati ang buong bukirin?"

Tanong ni Chedeng

"Hindi!

Ni sa hinagap hindi ko naisip na ibenta ito! Iniwan itong alaala sa aking ng mga magulang ko at buong bukirin ay sa mga kapatid ng Nanang ko!"

Sagot ni Issay.

"E yung bukirin, kanino ba nakapangalan?"

"Sa lolo ko sa tuhod!"

Sagot ni Issay

"Bali yung lolo ko sa tuhod ang tunay na may ari ng buong lupain. Pinamana nya ang lupa sa tatlo nyang anak, Si Lolo Juan, Si Lolo Igme at Si Lolo Pablo.

Si Lolo Pablo ang tatay ng Nanang ko. Sya ang panganay sa kanilang tatlo. Dahil nagiisang anak ng lolo ko si Nanang napunta sa kanya ang parte nya nung namatay ito.

Tapos nung mamatay naman yung pangalawa sa magkakapatid na si Lolo Igme, wala itong tagapagmana dahil maaga syang namatay, hindi na sya nakapagasawa, kaya napunta sa bunso na si Lolo Juan ang parte nya.

Pero dahil sa hindi kaya ni Nanang na magararo sa bukid, at sadyang napakalaki nito, ibinenta ni Nanang kay Lolo Juan ang malaking bahagi ng lupain na parte nya at yung pinagbentahan ay pinagpatayo ng bahay namin."

Mahabang paliwanag ni Issay.

"Nakanino ang titulo?"

Tanong ni Chedeng

"Nasa akin."

Sagot ni Issay.

Napangiti si Chedeng.

At tahimik namang nakikinig ang iba.

"Nababayaran mo ba ang buwis nito?"

Tanong ulit ni Chedeng.

"Hindi! Dahil simula pa noong una ay si Lolo Juan na ang nagbubuwis dito."

"Pero Issay, namatay na ang Lolo Juan mo at wala rin magmamana sa parte nya dahil mas nauna nang namatay ang asawa't anak nito sa kanya."

Sabi ni Chedeng

Tiningnan ni si Issay ang kaeskwela.

Nagtataka.

Bakit nya tinatanong ang mga ito?

"Pwede ko bang malaman kung bakit mo itinatanong ang lahat ng ito? Interesado ka bang bilhin ito?"

Deretsahang tanong ni Issay kay Chedeng

"Hahahaha! Sira! Hindi ko kayang bilhin yan!"

Nagkatinginan ang lahat sa sinabi ni Chedeng.

Kung hindi sya interesado bakit sya nagtatanong ng ganun?

Nahulaan ni Chedeng ang iniisip nila kaya...

"Dahil dito!"

Sabay abot sa anunsiyo na kinuha nya sa bulletin board ng munisipyo.

Papasok ng bahay ni Issay si Mama Fe ng makita nya ang anunsiyo na iniaabot kay Issay at kinuha ito.

"Bukas na bukas din isama mo si Anthon, magpunta kayo sa munisipyo!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C24
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập