Tải xuống ứng dụng
94.11% Here's Your Perfect COMPLETED / Chapter 15: Chapter 15

Chương 15: Chapter 15

Chris

Walang madali sa proseso ng pag momove on. Wala ring shortcut. Walang madaling paraan para mabilis na makalimot at mapabilis ang paghilom ng isang sugat. Lalo na kapag sobrang lalim ang sugat na iniwan sa iyong puso.

Ngunit minsan, pilit tayong paglalaruan ng tadhana. Iyong akala mong madali, ay pahihirapin niya. At ang akala mong mahirap, ay madali lamang pala.

Minsan, dadalhin ka sa lugar kung saan may makikilala ka na bago. Magbibigay ito ng isang tao na tutulong sa'yo upang mas mapabilis ang iyong paghilom. Isang tao na maghahatid sa iyo ng bagong saya at mga ngiti. Isang tao na, magbibigay ng bagong pag-asa sa iyong buhay. Magbibigay ng liwanag sa dilim na akala mo ay wala ng katapusan. At magbibigay ng mga bagong dahilan, upang ikaw ay magpatuloy.

Isang tao na makakasama mong bumuo ng mga bagong alaala. At maghahatid sa iyo sa panibagong simula.

At doon, masasabi mo sa iyong sarili na, tama nga sila, na ayos lang na natapos na ang unang kabata ng kwento na isa na lamang ngayon na alaala. At walang masama sa muling pag uumpisa. Lalo na kung may isang tao ang handang samahan ka at patunayan sa iyo na ang lahat ng pagwawakas, ay may katiyakan na magandang simula.

And I am so thankful dahil si Jazmine ang taong ibinigay sa akin para samahan ako sa panibagong simula na meron ako.

Ang tao na siyang paulit-ulit na nagpapakita sa akin na ang naging madilim kong mundo, ay kaya pa palang lumiwanag muli at magkaroon ito ng panibagong kulay.

Hindi ko man alam kung gaano katagal ko pang makakasama si Jazmine sa islang ito, pero lihim na umaasa ako na sana, magtagal pa ito kahit papaano.

Hangad kong sa bagong simula na sinamahan niya ako ay mag-iwan ng isang malaking marka at maging dahilan iyon para magpatuloy ako. Kasama man ito o hindi hanggang sa dulo.

Inaamin kong napapalapit na ako sa kanya. Nagiging kampante na akong kasama siya. Natututo na akong tumawa muli at ngumiti nang dahil sa kanya. Dahil kay Jazmine, nalaman ko na sa bawat sugat ay mayroong nakalaan na pang hilom.

At marahil siya nga iyon. Ang pang hilom sa sugat ko na hindi ko alam kung binigay ba sa akin o sadyang ipinahiram lamang ng panahon.

Pero hindi na bale, dahil ang importante ngayon ay ang kasama ko siya. Hindi naman siguro masama na i-enjoy ko nalang ang bawat sandali na kasama ko siya, hindi ba?

Katulad nalang ngayon. Hindi ko mapigilan ang hindi lihim na mapangiti sa aking sarili habang pinagmamasdan si Jazmine na masayang nakikipag kwentuhan sa bangkero at sa asawa nito.

Kahit na ang lutong nitong tumawa at para bang walang ka arte-arte sa katawan, ay napaka ganda parin nitong pagmasdan.

Tss! Oo na. Maganda naman kasi talaga si Jazmine. Hindi ba nasabi ko na iyon noon pa, noong unang beses itong sumulpot sa aking harapan?

Isa iyon sa bagay na hindi maitatanggi at maitatago dahil kitang kita naman sa kanya.

"Chris! Come on, let's go!" Sigaw nito sa akin bago ako kinampayan.

Agad naman na tumayo na ako at kinuha ang aming mga gamit bago tuluyang lumapit na sa kanila para ilagay ang mga ito sa bangka.

Can goods, drinks, flashlights, tents at marami pang iba na gamit na kakailanganin namin sa isla ang laman ng aming mga bag. Pupunta kasi kami ngayon sa Black Island or sa mas kilalang tawag ng mga taga rito na Malajon Island.

Ito ay isang malaki at misteryosong isla na matatagpuan malapit sa Busuanga. From a distance, it has an eerie feeling despite its beautiful white beaches and coconut trees. Once you step foot onto the shore there are many hidden caves and secluded beaches to explore.

Iyon ang sabi sa mga nababasa kong website tungkol sa Black Island. Na ngayon nga ay aming destinasyon.

Ilang araw din kasi akong kinukulit ni Jazmine na pumunta roon. Isa pa, matagal ko na rin naman talaga na gustong marating ang islang iyon. Kaya naman naisipan ko na why not, magstay na lamang kami ng ilang araw doon? Mayroon naman kaming tents. Lalo na ngayon na mukhang maganda ang panahon at kahit ilang araw kaming nandoon ay hindi kami babagyuhin.

Sana. Lihim na panalangin ko sa aking sarili.

Habang dahan-dahang kaming papalapit sa Black Island, ang tubig ay nananatili at ang mga ulap ay sumasalamin sa napakalinaw na tubig nito na animo'y parang cristal dahil sa reflection ng sinag ng araw.

Ang Black Island ay medyo hugis ng ominously na may maraming matulis na hiwa sa bato, na bumubuo ng mga pribadong beach.

Sobrang napaka ganda ng isla at wala kaming ibang magawa ni Jazmine kung hindi ang mamangha at mapanganga ng literal sa aming nakikita. Napaka perfect nito lalo sa mag kasintahan, magkakaibigan at pamilya na gustong mag camping at hilig ang ganitong mga lugar.

Pagdating namin sa isla ay agad na iniwanan na rin kami ng mag-asawa. Sinabi ng mga ito na bibisitahin na lamang kami bukas ng umaga. At kami na rin daw ang bahalang mag explore ng buong lugar.

Agad na nagpasalamat kami sa mga ito at binigay ang nararapat na bayad para sa kanila. Napakabuti ng mga ito at talagang masasabi mong hindi magagawang manloko ng ibang tao. Ayaw pa nga sana nilang tanggapin ang pasobra naming bayad eh. Mabuti nalang talaga at makulit si Jazmine.

Agad na nag set kami ng aming tent noong makaalis na ang mga ito. At pagkatapos na pagkatapos mismo ay basta na lamang naghubad si Jazmine sa harap ko.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya at napatalikod na rin noong tumama ang aking paningin sa magandang hubog ng kanyang katawan. Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok ng maraming beses.

"Pwede bang next time kapag maghuhubad ka siguraduhin mo naman na walang ibang tao ang nasa harapan mo?" Saway ko sa kanya habang nakakunot ang noo at muling ibinalik sa kanyang mukha ang aking mga mata.

Ngunit sa halip na pakinggan ako ay natawa lamang ito sa sinabi ko habang naiiling.

"Jazmine, I'm serious." Dagdag ko pa.

"What? Naka suot naman ako ng swimsuit ko ha." Pagdadahilan pa niya, bago dahan-dahan na umikot pa sa harap ko na para bang nasa isang fashion show siya or swimsuit competion.

Yeah, she is now wearing her yellow bikini kung saan expose na expose na lalo ang kanyang perfect curve. Mula sa kanyang flat na tyan, mahahaba at mapuputing legs, sa kanyang sumisilip na cleavage at...hindi ko mapigilan ang muling mapalunok sa pangalawang pagkakataon noong mag-angat ang aking paningin sa kanyang magandang mukha at biglang magtama ang aming mga mata, bago ito mabilis na napataas baba ng kanyang kilay.

"Done checking me out?" Tuyo nito sa akin bago napangisi ng nakakaloko.

Mabilis na muling napaiwas ako ng tingin sa mula sa kanya bago ito nagpakawala ng isang malutong na pagtawa. Halatang nang aasar na naman.

Tsk!

"Akala ko ba kahit maghubad pa ako sa harap mo ay walang tatayo sa---"

"Oh, shut up. Will you?" Putol na saway ko sa kanya at tatalikod na sana noong may isang ideya akong naisip upang makaganti sa pang aasar nito sa akin.

Napangiti ako ng nakakaloko noong muling napaharap sa kanya. Agad naman na nakuha nito ang ibig sabihin ng mga ngiti ko.

"Christian, I'm warning you." May pagbabanta na sabi nito sa akin at bigla na lamang itong napaatras bago mabilis na tumakbo papalayo mula sa akin.

Mabilis naman na hinabol ko ito. At noong maabutan ko siya ay parang sako na agad ko itong binuhat at pinasan habang tumatakbo patungo sa dagat.

"Put me down!" Napapatili na utos nito sa akin habang pinaghahampas ang likod ko gamit ang kanyang kamay ngunit hindi ako nakinig.

Pabagsak ko itong inihagis sa tubig habang tumatawa ng malutong. Habang si Jazmine naman ay napapaubong tumayo mula sa pagbagsak dahil nakainom ng tubig dagat. Mabilis na lumapit ito sa akin at agad akong pinaghahampas sa aking dibdib.

"Ang sama-sama mo!" Singhal nito habang namumula ang pisngi dahil sa inis. "Nawala bigla 'yung poise at pagkababae ko dahil sa ginawa mo!" Sabay tatalikod na sana ito nang mabilis ko siyang pigilan sa kanyang balakang at hinigit ito ng mas malapit sa akin.

Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa iyon. Dahil parang may sariling utak ang mga kamay ko na basta na lamang siyang hinawakan. Halatang nabigla ko ito sa aking ginawa, maging ako rin sa aking sarili.

Sandaling nagkatitigan kami sa isa't isa bago bumaba ang aking mga mata sa medyo nakaawang na kanyang labi.

Agad na napalunok ako dahil parang hinihikayat ako ng mga ito na tikman sila. Ngunit mabilis na napaiwas ako ng tingin mula rito atsaka siya itinulak palayo mula sa aking katawan at basta na lamang na walang lingon likod ko itong tinalikuran.

Bigla kasi yata akong nang init. Ang init init na nga ng panahon at sikat ng araw dumagdag pa ang ganitong pakiramdam. Tss!


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C15
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập