Makatulog na nga, maaga pa ako bukas.
Pero ilang oras na ang lumipas ay hindi parin makatulog si Roan, iniisip niya parin ang card na sana ay napalitan niya ng cash o pagkain man lang.
Teka...
Kinuha niya ang card sa loob ng kanyang matabang pitaka, hindi puro pera ang laman nito kundi mga billing receipt ng kuryente at tubig at ano pa.
Tinignan niya kung ano ang nakasulat sa card.
"World combat continent Online... I think ito rin ata yung larong nilalaro ni Zen?"
Kinalikot niya ang kanyang memorya hanggang sa maalala niya ang mga detalye.
Oo nga, eto nga yun!
Dahil sa lagi itong trending sa mga social medias ay lagi niya itong nakikita sa newsfeed.
Balita ko buong mundo ang naglalaro nito at may 1 billion players araw-araw ang active sa game na'to. Dahil sa hawak niyang card, 'di maiwasan tumaas ng curiosity ni Roan.
No no no no, Stahp!!
Nag bow na ako sa lahat ng Gods na hinding hindi na ako mag lalaro ng games dahil nakakasira lamang ito sa future ko! Well sira na future ko, so it means kailangan kong itama ang pagkakamali ko sa pamamagitan ng wag na maglaro ng any kinds of games. Pangako ni Roan sa kanyang sarili.
Few moments later.
*Click click*
*Keyboard Tapping*
Tunog ng mouse at keyboard habang nilalagay niya ang website address sa url bar ng browser.
*Tap Enter*
[Welcome to the Official Homepage of WORLD COMBAT CONTINENT ONLINE]
Wow, ganda ng pagkagawa ng webpage!
Sinalubong agad si Roan ng Introduction ng World Combat Continent Online nang biglang nag autoplay ang video sa homepage ng site.
Oh shit...
*Click*
-Skip video
Dali dali niyang inekis ang autoplay videos dahil magnanakaw lang ito ng data. Mahal pa naman internet sa pilipinas tapos may data cap pang kasama!
Binusisi niya ang buong site at pinuntahan ang (FAQ) Frequently Ask Questions page.
Oh god..
Nanlaki ang mga mata ni Roan nang makita ang mga nilalaman ng pahina at di siya makapaniwala. Kung ganon... may pag-asa pa ang debt ridden na katulad ko!
Halos maiyak si Roan sa saya ng kanyang naramdaman. Eto na yun! Makakabangon muli ako!
******
[ Real Money Trading ]
Dito sa page na'to na nagpeak talaga ang interest ni Roan dahil sa money involvement.
Ito ang hinahanap ko sa isang laro! Hindi katulad sa dating nilalaro ko ay di hamak na mas mataas ang kikitain sa paglalaro ng Virtual Game!
One is to one ang palitan ng Money Coins at real Money! Tapos may Premium Beginner's pack na ibibigay sa mga bagong player dahil nalalapit na ang 1st Anniversary ng Game.
Holy cow, benta ko nalang kaya ang makukuha kong Premium beginner's package para may instant cash agad ako?
I feel surreal sa handog ng larong ito, kaya pala ang daming naglalaro ng Virtual Games ngayon kahit matanda o bata ay nakikisali na sa trend!
After ilang minuto na pag su-surf sa page nalaman niyang hindi pala pwedeng maibenta yung premium beginners pack dahil non tradable pala ito.
Haha. Sayang akala ko pera na agad! Pero ganon paman hindi nawalan ng loob si Roan dahil x10 ang rates rito kaysa sa dati niyang nilalarong game.
Ok, decided na! Maglalaro ako nito at baka ito na yung swerteng hinihintay ko.
Sa gabing iyon ay nakatulog na si Roan ng mahimbing for the first time simula nung na hack ang kanyang account.
******
"Oh, Roan? Nakapag isip kana ba?"
Tanong ni Zen na punong-puno ng expectations sa sagot ni Roan.
Syempre hindi sumagot agad ang ating bida, kahit excited siya sa larong ito kailangan muna magpa choosy.
After a while...
"Pano ba yan, wala akong malakas na pang internet para masuportahan ang Capsule"
"Internet lang ba? Ako nabahala sa monthly internet mo... So... I take it as a yes?"
Holy cow, ang taong ito.. Hayz.. Wag mong sabihing mayaman tong kumag nato?
Eh kung pati kuryente at tubig namin ipapa-sponsor ko rin kaya?
Pero tinanggal ko agad ang thoughts na iyon, sapat na sakin ang free internet tsaka hindi naman ako mahilig mang barat ng taong nag mamagandang loob saakin.
"Sige, deal!"
"Wow, salamat Roan! Gagawin kitang Vice master sa clan!"
"No thanks, member lang ako sapat na! By the way... Ehem. Kailan ko magagamit ang Game Capsule?"
"Ahh. Tungkol sa Game Capsule.... Matatagalan pa ang dating rito sa pilipinas dahil ipapadala ko pa ito galing Korea."
For real? Nasa overseas pa yung capsule? Ibig sabihin korean ang pinsan ni Zen?
Well, wala namang problema kahit matatagalan ng konti. Ayon sa pagbabasa niya sa Tips and Tricks sections ng Forum ay makakatulong ang pagiging may alam sa martial arts at ibang sports para mas magamit ng maayos ang Player Avatar sa loob ng game. May mga skills at ability kasi na may involvement sa martial arts.
Kaya simula sa araw na iyon ay nag aral si Roan ng wushu, boxing, karate, taekwando, muay thai at kungfu tuwing gabi habang sa umaga naman ay nagtratrabaho sa construction site.
Araw araw rin siyang nag Jo-jogging tuwing madaling araw para nasa tamang kondisyon ang kanyang pangangatawan.
******
| Park |
Napahinto si Roan sa kanyang pag jo-jogging at medyo nag a-alangan na tumuloy. Nakita niya sa di kalayuan ang limang familiar na tao na nakatambay sa isang park.
Dahil lingo ang araw na ito, ay maraming namamasyal at nag pi-picknik rito kaya't di maiwasan ang maka salubong niya ang mga dating kakilala.
I think babalik nalang ako para iwas gulo...
Pero bago siya tuluyang makaalis ay biglang-
"Oi, Roan musta?" Tawag ng isang gwapong lalake na may babaeng short hair naka kapit sa bisig nito. Siya si Gerome, and dati kong kaklase at kaibigan nung nag aaral pa ako.
Sa likuran ni Gerome ay may naka buntot na dalawang sigang lalake at isang magandang babaeng naka puti ng tshirt at naka jeans, kung hindi mo akalain ay parang siyang anghel na bumababa sa lupa.
Emrie? Ba't kasama niya ang mga budots na ito? Di inakala ni Roan na ang kababata niya na si Emrie ay makikipag hangout kay Gerome at sa Grupo niya.
Shit! Gerome na Playboy!
Kahit may puot si Roan kay Gerome, minaigi niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya sumagot sa kamusta ni Gerome at tinitigan lamang si Emrie na nasa likuran.
Bilang respect, tumango si Roan kay Emrie bilang gesture ng pagsabi ng 'Hi' at ganon rin si Emrie kay Roan.
Well, magkababata nga sila ni Emrie pero di sila gaano ka-close kaya hinding-hindi makikialam si Roan kung sinong lalaki ang kasama niya.
Ang tanong niya lang sa kanyang sarili, 'eh bakit si Gerome pa?' Pero ganon paman, ayaw ni Roan ng gulo kaya pagkatapos nila sa silent greetings ay tumalikod at babalik sa pag jogging.
"Oh, how dare you na i-ignore ako?" Nangigilait si Gerome.
Pero bago pa si Roan maka alis ay hinarangan agad ang kanyang daan ng dalawang lalake na kasamahan ni Gerome, "Bro, wag ka naman ganyan? Diba magkaibigan tayo? Tara hangout tayo pre! hehe."
Kaibigan my ass! More like 'Master and servant' siguro!
Naglakas loob si Roan at winalis niya ang mga kamay ng dalawang lalake sa kanyang balikat.
"Relax, lets be civilized. Magtatanong lang ako Roan kung naglalaro kaba ng WCCO?" Sumingit agad si Gerome. Siya namang pagsimangot ng kilay ni Roan.
Nang makita ni Gerome na galit na galit ang expression sa mukha ni Roan ay napa smirk ito at nagpatuloy sa kanyang pag lu-look down, "Level 40 na ako sa Virtual game, naghahanap kasi ako ng lowly slave para may taga buhat ako ng mga gamit."
"Baka pwede ka Roan?" Inextend ni Gerome ang kanyang kamay ngunit binawi naman agad ito, "Ay oops, sa sobrang hirap nyo pala pati pambili ng pagkain ay wala, pambili pa kaya ng Game Capsule? Tsk, Tsk. Paano ka magiging slave ko?" Medyo nanghihinayang na tono ni Gerome.
Tsk. Tsk.
Alam ni Roan na nang-iinis lamang si Gerome kaya kinalma niya hangga't maari ang kanyang sarili at nag decide na hayaan na lamang sila.
"May sasabihin kapa ba? kung wala na, aalis na ako. Wala akong oras para sa mga katulad nyo!"
Kahit anong sabihin mo ay walang akong pakels, ituturing ko nalang na may kausap akong hangin. Pasok dito, labas sa kabila!
"Roan, nag aalala lang naman ako sayo. Baka wala kanang makain sa inyo, kaya't tanggapin mona alok ko at ako na bahala sa Game Capsule mo"
"Hindi ko kailangan ang Game Capsule mo, sige mauna na ako baka sinasayang ko lang precious time niyo!"
Nang mapansin ni Gerome na walang effect ang kanyang pang iinis ay nakahanap siya ng ibang idea,"Roan, anong masasabi mo rito?" Biglang hinatak ni Gerome si Emrie at sabay inakbayan.
"Ano ba Gerome? Nahihibang kana ba? bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas si Emrie.
Alam ni Gerome ang tungkol sa childhood friend ni Roan na si Emrie at may suspetsya siya na may gusto si Roan rito kaya't gagamitin niya ang pagkakataong ito para galitin at ipamukha kay Roan na kahit sinong babae ay kaya niyang mapasakamay.
Tumango lang si Roan ulit kay Emrie bilang respeto at umalis na for sure this time.
Biglang namula ang mukha ni Emrie sa sitwasyon at tumango rin ito bilang sagot sakanya.
"R-Roan.." Bumuka ang bibig ni Emrie. May gusto pa sanang siya sabihin ngunit itinago nalamang niya ito sa kanyang sarili dahil malayo layo narin ang takbo ni Roan.
Nagpatuloy nalamang si Roan sa pag jo-jogging, "Darating rin ang araw na babayaran nyo lahat ng doble ang pang bubully nyo saakin."
******
| Sa bahay ni Roan |
Ring..
"Oh, Zen, napatawag ka?"
"Roan, hintayin mo nalang yung delivery guy, sa ilang sandali darating na yung Game Capsule!"
Nice, sa wakas makakapag simula na rin ako..
"Sige, mag aabang ako. Pasensya sa abala ah.."
"No probs, basta wag mong kalimutan na i Add ako sa Friendlist mo pag naka login kana"
After, 3hours ay may kumatok sa pintuan.
Yown! Andito na yung delivery man!
*Tok tok tok*
Katok sa labas ng pinto na dali-dali namang tinungo ni Roan pababa sa sala.
"Sir, Lazappee Delivery Services po.. pakisulat nalang po rito ang iyong pangalan at signature." Inabot ang receipt form ni manong delivery man para pirmahan ko.
Pagkatapos ay masinsinan niyang binasaha ang manual sa installation ng Game Capsule, halos dalawang oras din ang itinagal ng setup bago matapos.
Pinag halong excitement at kaba ang nararamdaman ni Roan, di niya alam kung maiihi ba siya o natatae.
This is it!
Iginapos niya ang matuwid at mataas niyang buhok at huminga ng malalim, dahan-dahang pumasok at humiga sa loob ng game capsule at pinindot ang "Start" button.
Pagkatapos ay isinuot ni Roan ang neuro link gear sa kanyang ulo at ipinikit ang excited niyang mga mata, "Ito na ang simula, ma at kapatid ko. Pangako i aahon ko kayo sa hirap!"
*Ding*
*Swoosh*
Isang puting ilaw ang nagflash at sumalubong sa kanyang harapan at dinala siya sa isang scene na kung saan makikita ang System Loading Screen.
[ Face Recognition... ]
[ Checking Vital Signs... Ok. ]
[ Checking Heart Rate... Ok. ]
[ Login now? ]
"Yes!" Excited na sigaw ni Roan na sabik na sabik na sa laro.
[Welcome to World Combat Continent]
Nag play ang ang isang video clip tungkol sa story ng laro pero ini-skip niya nalang dahil nag sasayang lang siya ng kuryente.
Di kasama sa sponsor ni Zen ang kuryente kaya babayaran niya ito buwan buwan!
Nakapasok narin si Rian sa loob ng game at dinala siya sa isang character creation user interface.
[ The system detected that there's an account existed on this device, will you create a new account? ]
System voice ng isang babae na tutulong kay Roan sa paggawa nang una niyang account.
Wow, ang ganda ng boses ahh...
Walang pagdadalawang isip ay sumigaw siya ng, "YES!"
[Every device is limited to three account, you must delete the existing account before creating a new.]
Dagadag nang babaeng system voice.
[ Please enter your character name. ]
"Anvart"
[ Character name Anvart confirmed. ]
[ Please select your Race. ]
"Human"
[ Please select your starting weapon. ]
"Hammer!"
Bago pa mag simula mag laro si Roan ay pinag isipan niya nang mabuti ang kukunin niyang Job, ito ay ang blacksmithing.
Balita ko kulang ang mga blacksmith sa larong ito.
Hammer ang napili niya dahil sa dalawang rason:
Una, ang weapon na ito ay pangunahing gamit ng mga Blacksmith, dati sa nilalaro niyang online game, easy money ang pagiging Blacksmith.
Pangalawa, bawat forge ng mga items na gawa ng isang blacksmith ay naibebenta ng mahal kaysa sa regular items na nakukuha sa mga monster.
Kahit alam niyang walang bilang sa labanan ang pagiging blacksmith ay hindi niya ito ipagpapalit, dahil ang tanging purpose niya lamang sa loob ng game ay gumawa ng pera, pera at pera.
[ Please select your starting point location ]
Lumabas isa-isa ang listahan ng mga village, town at city sa bawat region ng Humankin Continent.
Ahhm. ito yun..
Pumili siya ng City kung saan may posibleng maraming low level monster na naka talaga rito.
"Ahmm. Blade City!"
[ Blade City Confirmed ]
Pagkatapos ay biglang lumipat na naman nang scene at may lumabas na pigura na kamukhang kamukha niya, na parang nananalamin siya sa kanyang sarili, player profile naman sa bandang kanan.
•••××××××××××××××ו••
Player name: Anvart
Level: 0
Race: Humankin
Title: None
Clan: None
Job: Beginner
•••××××××××××××××ו••
[ This is the character created based on your physical characteristics, you cannot modify and change the facial and body. ]
Nang matapos niyang baguhin ng bahagya ang buhok ng kanyang avatar at suot ay sumigaw agad siya ng "Confirmed!"
Hindi niya nagawang palitan ang kanyang mukha dahil hindi ito pinahintulutan ng system na i-edit.
"Character creation complete, please wait patiently for the connection to establish! While waiting, you may check your character's ability guide to ensure a more thorough understanding of your role for a better gaming experience! Good gaming!"
Habang naghihintay ay sinuri niya ang control settings at ilang guides para sa nasabing laro.
Hindi kalaunan ay natapos din ang game loading screen na naghuhudyat na papasok na sa birtwal na mundo.
Sa pagkakataong ito ay tanaw niya ang buong lugar nang Blade City.
Nakalutang siya sa kalangitan at pinagmamasdan ang magandang tanawin sa baba. Agaw pansin ang isang malaking tower sa gitna nang blade city na may nakatusok na napaka-laking espada.
Ang Blade city ay isa sa mga malaking city sa loob ng Sword Kingdom ng Humankin Continent, isa rin ito sa mga respawn point ng mga beginners o bagong gawang Avatars. Lahat ng kalakalan at mga beginner's quest ng mga bagong gawa at low levels Avatars ay dito isinasagawa.
Ang Sword Kingdom ay matatagpuan sa Humankin Continent - kaharian ng mga Human Race na may pupulation na 800 millions Human NPC (Non Playable Characters). Hindi lahat ng nakatira rito ay Humans, marami ring race na may kingdom sa loob ng Humankin Continent tulad ng mga Gnomes, Dwarves at etc. Ganoon din sa ibang kaharian tulad ng Beastkin Continent, Elvenkin Continent at Waterkin Ocean Empire.
Habang na mesmerize si Roan sa ganda at nakakaakit na tanawin sa Blade city ay bigla nalamang hinila pababa ang buo niyang katawan papunta sa isang magic circle o kilala bilang Respawn point para sa mga bagong gawang Avatars.
~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.
Author's note:
Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.
Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.
Thank you!