Unti unti kong binitawan si Miguel. Bakit ang sakit humiwalay sa mga bisig niya? I can still remember breaking up with Franco pero hindi ganito yung sakit na naramdaman ko. I've been with Miguel for just a month but it feels like forever kaya ang hirap iwanan. But do I have a choice? Namili na si Miguel. Gusto ko man pilitin na ako ang piliin niya pero wala na, nagdesisyon na ang tadhana, hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Maybe they are right, may mga tao talagang nakatadhanang mahalin natin pero hindi makasama habang buhay. Miguel is my soulmate and I'm sure about that, maybe we are each others soulmate but never the destiny.
"You should look and find Klarisse. Okay lang ako. Find her. Don't let her go. She's a fine woman. You deserve each others love." pilit kong sabi sabay abot ng bag ni Klarisse na naiwan niya kanina.
"Salamat, Azalea. Sana maging ayos na ang lahat pagkatapos nito."
"Oo naman, magiging maayos na ang lahat."
Binuksan na ni Miguel at pinto. Handa na siyang umalis sa buhay ko.
"Mag iingat ka lagi, Aza." inabot niya sa akin ang litrato naming dalawa.
"You too. Bye, Miguel."
Agad ding umalis si Miguel para hanapin ang babaeng mahal niya. Pagkasara ko ng pinto, hindi ko na napigilang umiyak. Para akong dinudurog pero wala akong magawa. Gusto ko siyang habulin pero hindi pwede..hindi tama. Sa huling sandali namin ni Miguel, naging mabuti pa din siya sa akin, tulad noong unang pagkikita naming dalawa.
I think it's time that burn these pictures, I need to. I have to if I want to move on. Maya maya lang dumating na si Georgie, nag panic siya nung nakita niya akong nakaupo sa sahig at umiiyak. Hindi ugali ni Georgie na yakapin ako everytime I'm having breakdown, feeling niya wala naman daw magagawa, but maybe this day is an exception. Niyakap lang ako ni Georgie, habang iniiyakan ko ang nakalipas na hindi na magbabalik pa.
---
Hindi pa din sumasagot sa akin si Klarisse. Tinawagan ko si Michelle at hindi rin daw siya kinakausap. Wala siyang dala na kahit ano kaya imposibleng makalayo siya dito sa Vito Cruz. Binaybay ko ang kahabaan ng Roxas Boulevard, baka sakaling makita ko si Klarisse. Pero wala, hanggang sa lumubog na ang araw, hindi ko pa din siya makita.
Kung may mangyayari man na masama kay Klarisse, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung hindi sana ako naglihim, hindi sana mangyayari ang lahat. Ayoko lang kasi na baka masira ang relasyon naming dalawa pero mukhang dahil sa paglilihim ko, mas lalong lumala ang sitwasyon. Habang bumibiyahe ako pauwi, may natanggap akong tawag galing kay Nanay. Sana po ay maganda ang balita niya.
"Hello, Nay. Nakausap na po ba ninyo si Klarisse? Kanina pa po ako naghahanap. Nag aalala na po ako."
"Umuwi ka na, nandito sa bahay si Klarisse." buti naman, makakahinga na ako ng maluwag.
"Diyos ko, salamat. Nasaan siya?"
"Nandun sa kwarto ni Michelle. Umuwi ka na."
Maraming salamat at ayos lang si Klarisse. Buti na lang at nakikisama ang kalsada sa akin at walang traffic, gusto ko na siyang yakapin at halikan. Hindi ko pala kayang mawala si Klarisse. Hindi ko kakayanin.
Pagdating sa bahay, nagmano ako kanila Nanay at dumiretso sa kwarto ni Michelle. Nagkasalubong ang mata namin dalawa, parehong humihingi ng tawad.
"Mahal." bati sa akin ni Klarisse at agad din siyang yumakap. "Sorry, sorry, sorry." mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.
"Shh, ayos lang. Hindi mo kailangan mag sorry. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo, ako ang naglihim. Kaya sana..sana mapatawad mo ako."
"Oo naman, alam mo naman hindi ko kayang magalit sayo ng matagal. Kahit nga isang araw lang hindi ko magawa." napangiti ako sa sagot ni Klarisse at tinitigan siya sa mukha. Napakaswerte ko talaga at may babaeng nagmamahal sa akin ng ganito.
"Pangako, huli na ito. Hindi na mauulit."
"Promise yan ah. Ang sakit sakit ng paa ko kasi naglakad lang ako papunta dito. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta." nakita ko ang band aid sa paa ni Klarisse, at humingi ako ng tawad.
"Alam mo naman na welcome ka dito sa bahay, gusto nga nila nanay, dito ka na tumira." nagpaalam ako saglit at nagbihis muna sa kwarto, si Klarisse naman ay nakipagkwentuhan kay Nanay at tatay habang nanunuod ng TV. Gusto ko yung ganito, yung nakikita ko lang si Klarisse na masaya at magaan ang loob. Hindi ko na iisipin kung ano man ang nararamdaman ni Aza ngayon dahil tinapos ko na ang lahat sa amin, pero sana, tulad ni Klarisse, maging masaya din siya, hindi man ngayon, pero sana dahil naging malaking parte din siya ng buhay ko.
Tinawag na ako nila Nanay at kakain na daw kami. Dumating na din si Michelle galing sa eskwelahan at agad agad na yumakap kay Klarisse dahil sa pag aalala niya.
"Grabe Ate, si Kuya sobrang sobrang nag alala sayo kanina. Hindi kumakalma." sabi ni Michelle habang kumakain kami.
"Kaya nga eh, sorry talaga sa inyong lahat, naabala ko pa kayo. Sorry, Nanay ah, sorry Tay. Hindi na po mauulit, promise."
"Ayos lang yun, Nak. Kalimutan na natin. Ang mahalaga nandito ka at ayos ang lagay mo." sagot naman ni Nanay sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ni Klarisse at ngumiti. Alam kong malaking bagay sa kanya ang mainit na pagtanggap nila Nanay. Pagkatapos kumain ay niyaya kong lumabas si Klarisse, gusto daw niyang kumain ng ice cream at magpahangin. Sa tingin ko, gusto niya ding malaman ang tungkol sa amin ni Aza, handa naman na ako magkwento.
Habang naglalakad kami na magkahawak ang kamay, tulad ng inaasahan, nagtanong siya tungkol sa relasyon namin ni Aza.
"Naging ex mo siya?" diretso niyang tanong. Sumagot naman ako ng Oo.
"Tumagal kayo?" sunod niyang tanong, sagot ko naman ay hindi.
"Bakit hindi?" tanong niya pabalik.
"Kasi mali yung relasyon naming dalawa, tama siya, na mali."
"Ha? Sandali hindi ko gets. Paanong tama pero mali?" pumasok na kami sa isang convenience store para bumili ng ice cream ni Klarisse. Pagtapos magbayad at umupo ay nagpatuloy ang kwentuhan namin.
"Tama siya kasi yung naramdaman namin noon sa isa't-isa, totoo. Mali, kasi...kasi may boyfriend siya noong naging kami. Pumayag akong maging pangalawa"
"Ano? Naging third party ka? Ang gwapo ng Miguel ko para maging isang..kabit?" natawa lang ako kay Klarisse, hindi siya makapaniwala.
"Kaya nga ako nahihiyang ikwento sayo kasi alam ko na kaya nasira yung pamilya niyo dahil sa ganun. Kaya sorry, naglihim ako." hinawakan naman ni Klarisse ang kamay ko at ngumiti.
"Ayos lang, ang mahalaga alam ko na lahat. Hindi naman nagbago ang tingin ko sayo eh. Siguro kay Miss Aza, kaunti, pero sayo? Hinding hindi. Kahit ano pa yang nakaraan mo, tanggap kita."
"Paano kaya kung pag uwi ng tatay mo galing Saudi, magpa kasal na tayo?" nanlaki naman ang mata ni Klarisse sa tanong ko. Ito kasi ang unang beses na tatanungin ko siya sa kasal.
"Baka kaya mo iyan naisip kasi sa mga nangyari kanina."
"Hindi ah, matagal ko na iyon iniisip, hindi ko lang masabi sayo kasi tulad niyan, nabigla ka, hindi mo napansin na ang dami ng ice cream sa mukha mo. Halika nga, punasan natin yan." tumawa naman si Klarisse at hinayaan akong alisin ang kumalat na ice cream.
"Gusto mo ako pakasalan. Miguel?"
"Oo naman." agad kong sagot. Sigurado na ako ngayon, gusto kong pakasalan ang babaeng ito.
"I love you, Miguel."
"I love you too."
Nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa. Alam kong hindi laging masaya ang magiging takbo ng relasyon namin ni Klarisse pero handa akong daanan ang lahat ng pagsubok ng hawak ang kamay niya.