Tải xuống ứng dụng
50% Aza&Miguel / Chapter 10: Chapter 10

Chương 10: Chapter 10

Naging maayos ang biyahe namin ni Miguel pabalik ng Maynila, I just wish na sana maayos din ang magiging buhay namin pagdating. While we're on my our way home, napansin ko na ang daming missed calls at messages ni Franco, bumalik na ba siya galing Singapore? As far as I know next week pa ang uwi niya. Ano kayang nangyari? I decided to ignore it, I will just enjoy my time with Miguel. Franco can wait.

"Migs, pwede ba sa condo na lang tayo dumiretso? Gusto na kasi magpahinga agad."

"Oo naman, ihahatid na kita. I love you."

"I..I love you too, Miguel."

I smiled at him and he smiled back. God, please bless this man, he's the sweetest. Pagdating sa Condo, a familiar car welcomes me back. Kay Franco ang sasakyan na yun kung hindi ako nagkakamali.

"Miguel, nasa loob yata si Franco." kinakabahan kong sabi. "Kotse niya yun." humawak ng mahigpit si Miguel sa kamay ko.

"Akala ko ba next week pa uwi niya?"

"Akala ko din. Looks like he's up to something. Miguel, kung saka sakali man na may mangyari ngayon, please let me know that I love you." hindi ko na napipigilan ang luha ko. I'm so scared.

"Tahan na. Walang mangyayaring masama. Relax ka lang okay? Hindi ka masasaktan ni Franco. Sasabihin natin sa kanya ang totoo, kung ano ang meron tayo at kailangan niya yun tanggapin."

I nodded and let him wrap me on his strong arms. He wiped my tears and kissed me on my forehead.

"Halika na, ako ang bahala sayo."

I trust him, It is me that I don't trust. Kaya ko ba talaga iwan si Franco for Miguel? Franco's been with me for so long, alam niya kung sino ako, alam niya kung ano ang gusto at hindi ko gusto, pero si Miguel, hindi man niya ako tunay na kilala, pinagkatiwala niya sa akin ang puso niya and that is something. Aza, you can do this, just trust that everything will be fine.

Pagpasok namin sa lobby, laking gulat ko dahil hindi lang si Franco ang nandoon, he's with his family. Anong meron? Sinama niya din yung ibang friends namin at yung pinsan ko sa cavite.

"There you are, babe!" Lumapit si Franco sa akin at yumakap. Nabitawan ko yung bag na dala ko, si Miguel naman nakatayo lang sa tabi. "I've been trying to call you kagabi pa."

"Sorry, kanina ko lang chineck yung cellphone ko." pagsisinungaling ko kay Franco.

"Anyway, what's important is you're here. Let's go?" tumingin ako kay Miguel, tahimik lang siyang nakatingin kay Franco. Napansin naman siya ni Franco at binati.

"Oh, Hi! Gamit ba ni Aza yan? Let me. Ako na magdadala sa unit niya." agad naman itong inabot ni Miguel.

Bago pa ako makasagot, lumapit ang parents ni Franco sa akin and then our friends followed. Si Miguel nakatayo lang sa tabi ko, hindi umiimik. I'm feeling so guilty right now.

"Halika na, umakyat na tayo." Sabi ni Franco sabay akbay sa akin. Hindi ako makatingin kay Miguel dahil alam kong nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon. "Is this man your friend, Aza?" tanong niya sa akin. No, he's not just a friend, pero hindi ko masabi kaya tumango na lang ako.

"If that's the case then join us. What's your name?"

"Mi..miguel." mahina niyang sabi.

"Okay, Miguel. Nice to meet you, I'm Franco, long time boyfriend ni Aza."

Nakipagkamay si Franco at dahil hindi naman pinalaking bastos si Miguel, sinagot niya ito at ngumiti ng kaunti. Pagdating namin sa unit, tahimik silang lahat at hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa lumuhod si Franco sa harapan ko. No way. Nagulat ako, at nakita kong nagulat din si Miguel.

"Honey, we've been together for so long. You're the closest thing to heaven for me. I know we got our ups and downs at medyo naging bad boy ako sayo pero Azalea, my Aza, my flower, my photographer...my love...I want to spend the rest of my life by your side...will you marry me and make me the happiest man alive?"

Totoo pala yung nakikita ko sa TV, yung mga babaeng umiiyak tuwing may lalaking inaaya silang magpakasal. I can't help but cry. I'm not sure if I'm crying because of happiness or I'm crying because in the same room is Miguel.

"Marry me?"

Tumingin ako sa paligid, yung parents niya umiiyak na din, same with our friends and my cousin. Lastly tumingin ako kay Miguel. Nagkasalubong ang mga mata namin, he gave me a small smile and he mouthed that he is okay.

"Aza?" tanong ni Franco.

"Yes." nakapikit kong sabi at pagdilat ko, wala na si Miguel sa kwarto and I cried, I cried so hard na akala ni Franco ay dahil sa kanya pero dahil talaga kay Miguel. I hurt him so much at alam kong hindi niya ako mapapatawad. This is the reason why I don't trust myself dahil pagdating kay Franco, bumibigay talaga ako.

---

"Kuya ang dami mong pasalubong ah. Salamat." kanina pa nakayakap sa akin si Michelle pero parang wala ako sa huwisyo. Nagrereplay sa utak ko yung pagluhod ni Franco, yung magandang singsing, yung pagluha ni Aza..at lalo na yung pagsabi niya ng Oo. Akala ko nagkasundo na kami, akala ko okay na kami, na ako na ang pinipili niya, na ako na ang mahal niya. Yung nangyari sa amin, yung saya, yung pagsabi niya ng mahal niya ako lahat yun naglaho sa isang saglit lang kasi sa bandang huli si Franco pa din ang pinipili niya. Tama nga sila Nanay, kahit na bali-baliktarin, ako pa din ang masasaktan dahil ang mga pangalawang katulad ko, hindi magiging masaya, hindi magiging una.

"Oy pogi kong kuya, ano na? Naiwan mo ba ang kaluluwa mo sa Baguio? O baka naman naiwan mo ang puso mo kay Ate Aza?" pang aasar ni Michelle. Aza, marinig lang ang pangalan niya kumikirot na ang puso ko.

"Kuya, ayos ka lang?" tanong ulit niya. "May nangyari ba?"

Tumingin lang ako sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula kasi ako naman ang may gusto nito, ako naman ang may kasalanan, ako ang tanga na akala ko kaya kong palitan si Franco sa buhay niya, hindi pala.

"Ikakasal na si Aza. Nag propose yung boyfriend niya sa kanya at sumagot siya ng oo. Ikakasal na siya." mahina kong sabi pero malinaw na narinig ni Michelle. "Sa harap ko nangyari lahat. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sumagot si Aza ng Oo at kung gaano kasaya si Franco sa sagot niya. Ikakasal na siya Michelle."

Hindi na sumagot si Michelle, yumakap na lang siya sa akin at hindi ko na napigilang umiyak. Ang sakit, sobrang sakit.

Hindi na nagtanong sila Nanay kung bakit ako umiiyak, alam naman nila ang dahilan. Nagpaalam ako at pumasok sa kwarto. Kaya siguro ganun kadali niyang sinabi na mahal niya ako dahil ganun kadali din niya ako iiwan.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C10
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập