Kinabukasan matapos silang pagalitan ni Aling Nethz dahil sa naiwang bukas na tv ay minabuti na lang muna nila na hindi ito gamitin, at dahil sa nalalapit nilang quiz ay tinuon na lang nila ang mga sarili nila sa pagrereview. Lumipas ang mga oras at kailangan na nila magluto ng tanghalian kaya huminto muna si Lyn sa pagrereview at nagvolunteer na magluto sa labas bahay. Katanghaliang tapat ngunit makumlimlim ang kalangitan kaya hindi nageng mahirap ang pagluluto ni Lyn. Si Lyn ay isang lesbian, sa kanilang magkakaibigan ay sya ang pinakamatalino at may pinakamalakas na personality at hindi rin sya gaanong naniniwala sa mga multo, alamat, pamahiin at mga lamang-lupa.
"lalala lala! lalala lala" pakanta-kanta pa si Lyn habang nagluluto ng paborito nilang ulam na pancit canton at itlog na nilaga.
"krikkk! krikkk! krikkk" narinig ito ni Lyn at bigla syang tumingin sa paligid, napailing sya at tinuloy ang pagluluto.
"evrybody say lalala....."
"krikkkkk!" muling tunog ng isang metal
"anu ba naman yang mga tao na yan, pwede namang buhatin yung kadena para hindi maingay" wika nga habang dire-diretso ang pagluluto.
"Krikkkk!" bigla syang napatingin sa likod sapagkat lumakas ang tunog ng kadena na para bang nasa loob lang ng bakuran at nasa likuran nya lang. Huminto sya sandali at hinintay kung maririnig nya ulit ang tunog na iyon subalit bumalot ang katahimikan sa paligid, maya-maya pa ay ituloy nya na muli ang pagluluto, nabalot ng kaba ang kanyang puso ng marinig sya muli ang tunog ng metal na wari ay papalapit ng papalapit sa kanyang likuran.
"krikkkk...."
"krikkkkkk...."
"krikkkkkkk..." habang papalapit ng papalapit ito sa kanya ay lalo itong lumalakas at lalong bumibilis ang tibok ng puso nya.
"krikkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk....!"
"lyn!" halos mapasigaw sya at nabitawan nya ang tinidor na hawak nya ng hawakan sya sa balikat ni jena.
"anu na tapos ka na magluto? gutom na ako ay" tanung nito habang nakatingin sa niluluto ni lyn.
"o..oo uhmp.. malapit na yung anu na lang.. yung itlog na lang" medyo nauutas nyang sagot.
"sege, punasan mo nga yang pawis mo at baka humalo pa yan sa niluluto mo, wala namang araw pawis na pawis" wika ni jena.
"oo na, sege umakyat ka na at ihahain ko na to maya-maya lang" sagot naman nya.
"kiss muna" wika ni jena sabay patulis ng nguso.
"luko, baliw kadiri ka" natatawang sagot ni lyn at tuluyan na ngang nawala ang kaba nya dahil sa biro ni jena. At ng maluto na ang itlog ay pinasuk nya na ang kanyang mga niluto sa kusina at inihain ang mga ito.
"krikkk!" napatigil sya sa paghahain ng marinig nyang muli ang tunog ng kadena at tumingin sya sa lumang salamin sa kanan nya, nanlaki ang kanyang mata ng makita nyang nakapalipit sa leeg nya ang kadena, ang dalawang dulo nito ay parehong nasa salamin. Dahan-dahan hinawakan ng nangingig nyang mga kamay ang nakapalupot na kadena sa leeg nya ng biglang may humila dito papalapit sa salamin hanggang sya ay masakal.
"Ahhh!" ungol ni lyn habang pinipigilang masakal ng sobra ng kadena ngunit lalo itong humihigpit.
"tu...tulong.." mahinang sambit ni lyn habang pinapalag nya ang kanyang mga paa upang lumikha ito ng ingay at marinig ng mga kasama nya. Nawawalan na sya ng pag-asa at unti-unti na rin syang nawawalan ng hininga at malay..
"bang!" narinig nya ang tunog na ito na nanggaling sa pinto ng cr at sabay labas ni jena. Biglang nawala ang kadena sa leeg nya at bigla syang natumba. Nakita sya ni jena at bigla itong napasigaw at lumapit sa kanya.
"hala lyn! anung nangyari sayo hoy!?" pag-aalalang tanong ni jena sabay yugyog sa balikat ng kaibigan.
"uhoo! uhoo!" ubo ni lyn at sabay hawak sa kanyang leeg at bigla na lang syang umiyak.
"hala bakit Lyn" nag-aalala pa rin kay lyn.
"tulungan nyo ako!!" wika ni Lyn habang umiiyak. Narinig ito ng mga kasama nya pati na rin ni Aling Nethz kaya pumunta sila sa kinaroroonan ni lyn at jena.
"bakit anung nangyari?" tanung ni Aling Nethz at nang makita nyang umiiyak at nakahawak sa leeg si Lyn ay nagpakuha sya ng tubig.
"Ma... may kadena sa salamin aling Nethz.... sinakal nya ako..." umiiyak na wika ni Lyn. Pinuntahan ni Aling Nethz ang salamin at tinitigan ito.
"paano magkakaroon ng kadena sa bahay na ito e wala namang tayong sasakyan dito" wika ni aling nethz na halatang nagtataka at may halong galit.
"maniwala po kayo sakin, ka...kanina habang nagluluto ako narinig ko na yung kadena yun..." umiiyak pa rin na paliwanag ni Lyn.
"bhe baka nanaginip ka lang ta..tama na bhe kasi natatakot na din ako" pakiusap naman ni rachel.
"kung anu-ano kasi ang binabasa at pinapanuod ninyo kaya kung anu-ano na lang ang mga naiisip at naiimagine ninyo! magsiaral na lang kayo ng mabuti para makatulong kayo sa mga magulang ninyo! Walang multo!" pagalit na wika ni Aling Nethz sabay alis neto ng bahay.
"bhe...." wika ng umiiyak na si Lyn, at dinamayan naman sya ng kanyang mga kaibigan..
— Chương tiếp theo sắp ra mắt — Viết đánh giá