♡ Syden's POV ♡
As usual, morning routine. Gumising ng maaga kahit puyat na puyat at pagod na. Magluto ng pagkain, maghapag at hintayin silang magising. Pagkatapos nilang mag-almusal, wala namang problema dahil tinutulungan naman nila ako. Pero wala talaga ako sa mood ngayong araw na 'to dahil pagod na pagod ako just because of that training but it's not like na ayaw ko yung training, may natutunan naman ako kapalit ng pagod ko. Lahat naman ng bagay sa mundo kailangang pagpaguran.
Nang matapos na ang umagahan, nagtungo na kami sa classroom. Natahimik lahat sila habang nakatingin sa direksyon namin. Pinuntahan ko agad yung attendance which is nakalagay sa table at agad kong pinirmahan iyon para makaupo na sa pwesto ko. Kaagad kong ipinatong ang ulo ko sa may lamesa para matulog. Pero kung kailan pwede na akong matulog, saka naman ako hindi makatulog. Bakit ganon? Kahit gaano katagal ako pumikit, hindi ko na makuhang makatulog.
Inayos ko na lang ang upo ko at tinignan si Oliver. Pero napansin kong may mali sa kanya. Mukhang hindi siya maingay ngayon, ni hindi niya nga ata ako napansin eh. Hindi niya rin ako kinukulit...pero noong isang araw lang, mukhang masaya siya nung magkita at magkausap kami. Tinignan ko siya ng maayos para kumpirmahin kung okay lang ba talaga siya. Tulala siya, namumutla, wala sa sarili at higit sa lahat, mukhang may dinadalang mabigat na problema. Maya-maya bigla siyang tumayo at lumabas ng classroom kaya nagdududa na ako kung anong nangyayari sa kanya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa ikinikilos niya.
"Anong nangyari kay Oliver?" tanong ko sa mga kaibigan niya na mukhang problemado rin. Napatingin silang tatlo sa akin tapos nagkatinginan silang tatlo, "Hindi naman siya ganon dba? So what happened?" dagdag ko pa.
Napayuko na lang silang lahat pero yung isa, mukhang may balak siyang sagutin ang tanong ko, "Oliver and his girlfriend broke up" malungkot na sabi nito. Oliver's girlfriend? Sa pagkakatanda ko, yun yung babaeng nakaaway ko sa cafeteria dahil ang buong akala niya...nilalandi ko ang bf niya. TSK!
Sa panahon nga naman ngayon, porke may kasama kang lalaki, issue na agad. Konting galaw lang, issue na agad.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Oliver's girlfriend is a good fighter. Redblades planned to take her away from him by making her fall inlove with a Phantom, Clyde's group. Nainlove naman yung babae sa member ni Clyde kaya iniwan niya si Oliver. Ayaw hiwalayan ni Oliver yung girlfriend niya kaya ayon, the girl broke up with him instead para sumama sa new boyfriend niyang member ng Phantom Sinners" pahayag nito sa akin.
Pinakinggan ko siya ng maayos at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Napakasama talaga ng dalawang 'yon! Gagawin talaga nila lahat para makakuha ng magagaling na members. As if namang matatalo nila ang BV. Kaya pala mukhang problemado si Oliver dahil sa ginawa sa kanya ng mga taong 'yon. But his ex girlfriend was so stupid para iwanan ang isang katulad ni Oliver na mapagmahal at masayahing tao, para lang ipagpalit sa isang demonyong member ni Clyde. That's what you call katangahan.
"Kaya pala iba ang ikinikilos niya" wika ko habang inaalala ang itsura ni Oliver kanina.
"Sana makahanap siya ng kakampi niya. Soon, baka pati kami mawala na sa tabi niya" sambit nito kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka, "What do you mean?"
"Sige mauna na kami" hindi na niya sinagot ang tanong ko bagkus ay tumayo silang tatlo at lumabas na sa classroom na 'yon.
At ngayon naiwan ako habang iniintindi kung anong ibig nilang sabihin na baka mawala na rin sila sa tabi ni Oliver. Ang weird na talaga ng mga tao ngayon, hindi ko na sila maintindihan.
"Tara na" napatingin ako kay Raven at sa mga vipers na 'to na nakatayo at parang hinihintay ako. Ano pa bang bago? Sinamaan ko na lang ng tingin si Raven dahil wala nga ako sa mood, "Saan?" tanong ko.
"It's not weekend so we have no classes at all. Tambay muna tayo sa cafeteria" sambit ni Dave. Kinuha ko yung bag ko at tumayo na para sumunod sa kanila. Sunud-sunuran na ako ngayon ng hindi ko rin alam kung bakit. Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa cafeteria. As usual, pinagtitinginan kami lalo na ako, masama ang tingin nila sa akin. Who cares? Lumuwa sana mga mata niyo kakatingin ng masama sa akin! Makatingin mula ulo hanggang paa? Tsk!
Nang makarating na kami sa loob ng cafeteria, tumatabi lahat ng estudyante sa dinaraanan namin hanggang sa makahanap sila ng magandang pwesto kaya umupo ako sa left side ni Raven, si Nash naman katabi ko rin. Mukhang balak lang nilang tumambay dito dahil hindi naman sila kumukuha ng pagkain. Pero syempre dahil mahal ko ang pagkain, tumingin ako sa paligid para maghanap ng pwedeng kainin. Pero imbis na pagkain ang makita ko, isang hindi maganda sa paningin ang natanaw ko. Nakita kong lumapit si Oliver sa ex girlfriend niyang halatang member na ng Redblades dahil pula na ang suot nito, kasama ang new boyfriend niyang Phantom Sinner. Halatang iritang-irita yung babae kay Oliver kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil sa tingin ko may mangyayaring hindi maganda. Pero habang tinitignan ko si Oliver napaisip ako, bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal, sila pa yung iniiwanan at nasasaktan?
"Pwede ba tayong mag-usap?" kahit hindi ako ganoon kalapit, dinig ko ang sinabi ni Oliver sa ex gf niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan! Hindi ka ba nakakaintindi o sadyang bingi ka lang talaga!? Break na tayo!" sigaw niya kay Oliver. Kahit hindi dapat ako makielam, umalis ako sa pwesto ko para lapitan si Oliver. Masyado namang sumosobra ang babaeng 'yon para pagsabihan niya si Oliver ng ganoong mga salita!? Wala ba siyang pinag-aralan?
Hinawakan ko si Oliver sa braso kaya napatingin sila sa akin, "Stop it. Wala kang mapapala sa pakikipag-usap sa kanya" wika ko.
Hindi siya kumibo pero sa tingin pa lang niya, alam kong gusto niyang sabihin sa akin na huwag akong makielam. But I don't care kaya hinarapan ko yung ex niya at tinarayan ko, "Makulit na kung makulit. Pero hindi tamang pagsabihan mo siya ng kung anu-anong salita. Gusto ka lang naman kausapin ng tao dba? Mukhang ikaw yata ang hindi nakakaintindi?" sambit ko sa kanya habang pinagtataasan siya ng kilay. Hindi kami ganon ka-close ni Oliver but he's already a friend to me. And if you're a true friend, you should be able to defend what is right. Alam ko naman na wala sa katwiran ang babaeng 'to!
Tinaasan niya rin ako ng kilay bago nagsalita, "At sino ka ba?" tinignan niya si Oliver pagkatapos tumingin ulit sa akin, "Girlfriend niya?" sarcastic na tanong nito.
Natawa na lang ako at mas tinapatan ko siya bago ako nagsalita, "FYI, huwag mo akong itulad sa'yo na kapag nagsawa na sa isa, lilipat sa kabila" sabay tingin ko sa boyfriend niyang Phantom. *Shoot!* Wala akong intensyon na inisin siya pero ganon na nga ang naging resulta.
Lulusubin sana ako ng boyfriend niya pero gamit ang mga natutunan ko sa BV, naharangan ko ito kaya hindi niya ako nagantihan, "Huwag kang makielam dito. Usapang babae 'to kaya huwag kang makisali" pahayag ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama. Umatras naman siya pero masama pa din ang tingin niya sa akin. Buti naman nakakaintindi siya? Kaya hinarapan ko na ulit ang babaeng 'to.
"So STUPID! Ipagpapalit mo na nga lang si Oliver doon pa sa hindi matino" sarcastic kong sabi na ikinainis naman niya ng sobra. Sasampalin niya sana ako dahil sa pagkainis pero buti naman at nahawakan ko ang kamay niya kaya hindi niya ako tuluyang nasampal.
Nagkatinginan lang kami ng masama habang nakangiti ako ng masama sa kanya. At nangyari ang inaasahan ko, mabilis siyang nakapaglabas ng redblade mula sa katawan niya para sugatan ako. But because of that training with the Vipers, I managed to avoid her attack kaya nginitian ko siya ng masama ,"Not bad" tugon ko.
Pero muntik na niya akong masugatan, naunahan ko lang siya ng ilang segundo kaya ako nakaiwas.
Sa sobrang pagkainis niya sa akin, tumalikod na lang siya. Tinignan niya ako ng masama bago sila umalis. Pero ang tigas nga naman ng ulo ng lalaking 'to. Hinabol niya ang ex niya kaya nainis nanaman ang babaeng 'yon, "Dba ang sabi ko tigilan mo na ako?! Ano pa bang kailangan kong ipamukha sa'yo!?" irita nitong sabi.
Halata namang nasasaktan si Oliver dahil mahal niya pa rin ang ex niya, "S-sige. Titigilan na kita...pero sa isang kondisyon" tinignan niya ng diretso ang babae, "Tignan mo ako ng diretso sa mata at sabihin mong hindi mo na ako mahal" wika niya. Halata namang umaasa si Oliver na mahal pa rin siya ng babaeng 'yon.
Pinagtaasan niya ng kilay si Oliver at tinignan ito sa mata bago nagsalita, "Fine. HINDI. NA. KITA. MAHAL" pagkatapos niyang sabihin 'yon, hindi na kumibo pa si Oliver. Napayuko na lang siya at alam kong nasasaktan siya sa ginawa ng ex gf niya. Sandali niyang tinignan ang babaeng 'yon bago siya tuluyang umalis.
Aalis na rin sana ako para bumalik sa kinauupuan ko ngunit natanaw ko na ang dalawang grupong hindi ko inaasahan na makita. Redblades and Phantoms. Mukha namang natutuwa ang ex ni Oliver sa pagdating nila habang tinitignan niya ako at nakangisi. Habang papalapit sila sa direksyon namin, tinignan ko lang sila mula ulo hanggang paa habang nakangiti ng masama. Pero tumigil ang mga Phantoms sa paglalakad habang papalapit ng papalapit ang Redblades sa akin with their queen. Nagkita nanaman kami ng mansanas na 'to😏
Nang makapunta na si Roxanne sa tapat ko, tinignan niya ang new member niyang babae at tinignan niya ako ng masama, "What did you do to my member?" mataray na tanong nito. Isn't it obvious?
"Well, pinagsabihan ko lang naman ang member mong malandi" tinignan ko ang member niya habang nakangiti bago ko ulit tinignan si Roxanne, "Nagmana kasi sa'yo. Traydor na...malandi pa" sambit ko. I'm just saying the truth after all.
Nabigla na lang ako ng bigla niya akong tapunan ng tubig, dahilan para mabasa ako. Pero inayos ko rin agad ang itsura ko at hindi nagpaapekto. It's just water. Hindi ko ikamamatay ang tubig. Nag-umpisa nanaman ang bulungan sa paligid but I don't care.
"Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan! Baka nakakalimutan mo kung sino ako?!" wika niya. Lahat ng tao sa cafeteria, nakatingin sa amin.
"Don't you dare hurt any of my members! Or else-" hindi pa man siya natatapos, hinarangan ko na siya, "Why would I listen to you?" tanong ko na lubusan naman niyang ikinabigla.
Tinapatan niya ako at halatang tinatakot niya ako dahil sa mga tingin niya, "Because I.Am.the.queen.here" so what?
Nakakita ako ng baso na puno ng tubig kaya kinuha ko 'yon at ibinuhos sa pagmumukha niya. Halatang nabigla silang lahat, deserve niya naman 'yon, "So what, if you are the queen? Wala akong sinasambang reyna bukod sa pangalan ko. Baka nakakalimutan mo. Marami ka pang atraso sa akin?"
Dahil sa pagkainis niya, naglabas siya ng redblade para sugatan ako. Pero agad ko namang naiwasan ulit 'yon kaya hindi niya nagawa ang gusto niya. Pagkaiwas na pagkaiwas ko sa atake niya, inilabas ko ang kutsilyo na iniabot sa akin ni Dean nung nagtretraining ako kaya nasugatan ko siya.
Nabigla silang lahat dahil hindi naman nila expect na gagawin ko 'yon, "Remember, ganyan din ang ginawa mo sa akin noong 1st day. Now we're even" wika ko.
Kaya naman niyang iwasan ang pagsugat ko sa kanya dahil hindi pa naman talaga ako ganon kabilis, hindi lang nila alam na medyo natuto na akong dumepensa. Dahil ang alam nila, takutin ako at mahina. Well good luck! Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang mahina ay mananatiling mahina.
Hinawakan ni Roxanne ang kamay niyang ngayon ay nagdurugo na habang ako naman ay nagsasaya ng sobra dahil sa itsura niya. Napansin ko naman na galit sa akin si Clyde dahil sa ginawa ko sa girlfriend niya, akmang lalapitan ako nito kasama ang mga members niya ngunit nakita kong sinipa ni Dave ang isang upuan sa daraanan ni Clyde habang nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa niya. Tinignan siya ni Clyde ng masama at napatigil ito, "Sige, subukan mo" isang nakakatakot na boses nanaman ang tumambad sa buong cafeteria dahil kay Carson. Nilapitan niya si Clyde at tinapatan ito.
"Sa susunod na planuhin niyong saktan ang isa sa mga kasama ko. Kahit babae kayo..." tinignan niya ng masama si Roxanne at ang Redblades, "Papatulan ko" sambit nito ng malakas gamit ang nakakatakot niyang boses, sapat lang para marinig sa buong cafeteria. The devil is making another scene again.
Lumapit siya sa amin ni Roxanne at hinintay namin ang susunod niyang gagawin, "Sino ba siya sa grupo mo Dean?" tanong ni Roxanne habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Well.." ngumiti si Dean ng masama habang nakatingin sa akin pagkatapos tinignan niya si Roxanne, "Siya lang naman ang papalit sa pwesto mo, right?" sabay tingin niya sa akin kaya nabigla din ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to?!
Tinignan ko lang siya gamit ang nagtatanong kong ekspresyon dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, "No. You can't do this" sambit ni Roxanne. Halatang takot na takot naman siya sa sinabi ni Dean.
"Why? Ako ang nagluklok sa'yo, kaya ako rin ang magtatanggal sa'yo sa kinauupuan mo" sagot nito sa kanya habang nakangiti ng masama.
"I won't let you. Bago pa man siya makaupo sa pwesto ko, sisiguraduhin kong patay na siya" sambit ni Roxanne sabay tingin ng masama sa akin, ganun din naman ang ginawa ko sa kanya.
Dahil doon, nakita ko nanaman ang isang demonyo sa mga mata ni Dean. Tinapatan niya si Roxanne at halatang natakot din naman ito dahil sa inasal ni Carson, "Subukan mo. Lahat ng members mo maghihingalo sa mismong harapan mo. At sisiguraduhin kong magmamakaawa ka sa harapan ko. Kilala mo ako Roxanne. Huwag mo 'kong subukan" sambit nito.
The devil brought us in hell again.
To be continued...