Chapter 19: I'm Serious.
"Drive Safely, Alec." Paalala ko nang paandarin na niya ang sasakyan namin.
"Nasa Terminal 2 daw sila susunduin sabi ni Papa.
"Okay, Close ka ba sa mga pinsan mo?"
"Sobra. We grew up together here in Siargao but we parted ways when I was sixteen dahil nag-punta na sila abroad para doon mag College. Pero dito na muli sila mag-aaral kasi kailangan asikasuhin ng mga kapatid ni Papa ang negosyo namin dito."
"Oh, I see. I can't wait to meet them." He smiled.
"Magkakasundo kayo ng mga lalaki kong pinsan."
"And why?"
"Pare-parehas kayong babaero."
"Easy, Sweetheart. I'm a changed man." He kissed the back of my hand.
"Okay." I smirked.
Pagkarating namin sa airport ay naroon na ang aking mga pinsan. Naabutan ko sila na palabas pa lang ng airport at naglalakad papunta sa waiting area.
"CARMEN!" Malakas nilang sinigaw nang naaninag nila ako.
Nag-tilian kaming mga babae kaya napatingin ang mga tao sa amin. Mga naka-boots at pullovers pa sila at halatang galing sa ibang bansa.
"Kamusta ka na?!" Pangangamusta ni Lianne.
"Grabe! Eto, Buhay na buhay pa."
"Namiss ka namin!" Niyakap ako ni Oliver.
"Kayo ang namiss ko! Buti at nagkasabay kayong lahat sa iisang flight?"
"Ah, Oo. Lahat kami ay nagtungo sa Hong Kong at doon na kami nag-sabay ng flight." Sagot ni Sarrie.
"So, Game kayo mamaya? We have a lot of catching up to do." Pag-aaya ni Harry.
"Of course! Walang jet lag sa ating magpipinsan!" Buhay na buhay na sagot ni Kayla.
"Ano, Ken? G ka ba?" Tanong ko.
"Sure! G! Basta inuman." Walang pag-aanlinlangang sumagot si Kenneth.
"Uwi muna tayo. San ba tayo tutuloy?" Tanong ni Winston na mukhang kagigising lang.
"You'll stay in our house. We prepared the rooms for you."
"Alright so sa bahay muna tayo nila Carmen and then rest saglit tapos gala na. Okay, Let's go!"
Naglakad na kami patungo sa naghihintay na sasakyan. Naroon si Alec na naka-sandal sa pintuan at nakatitig sa kanyang phone.
"Alec, These are my cousins. Lianne, Harry, Winston, Oliver, Kayla, Sarrie, and Kenneth." Pakilala ko sa kanila.
"Bro!" Nag-apir sila at fist bump and they look cool kahit na kakakilala pa lang nila.
"Hello, Alec." Nakipag kamay ang mga babae kong pinsan.
"Hindi mo naikwento sa akin ito ah." Tumaas ang kilay nina Lianne at pangisi-ngisi pa.
"Mamaya ikukwento ko but kailangan muna nating maghiwalay. Apat ang maisasakay namin ni Alec sa everest pati ang gamit nila Then the rest ay kay Manong sa Land Cruiser."
"Kenneth, Lianne, and Me will be with Carmen." Sagot ni Harry.
"Doon na nga lang kayong dalawa ay si Kayla at Sarrie dito."
"Not a chance, Inaantok sila kaya patulugin na lang sila sa biyahe." Pang-aasar ni Harry.
"I hate you! Ugh!"
"He.is.your.kuya." Dagdag pa ni Kenneth kaya mas nainis si Lianne.
"Whatever! Let's go, Carmen!"
Nagmaneho na kami at doon sa biyahe ay kinakabahan ako sa mga itatanong nila lalo na itong sina Kenneth at Harry.
"Carms! Ano kamusta naman dito sa Siargao?" Tanong nina Ken.
"Okay lang. Mas dumami na ang mga turista pero sa atin pa rin ang beach."
"Mag night swimming tayo mamaya ah!" Pag-aaya ni Lianne.
"Sure! Then party tayo ah." Dagdag ni Harry.
"Maiba nga ako, Are you guys together?" Walang prenong tanong ni Kenneth.
I don't know what to do, don't know what to say. Kinanta ko iyon sa isip ko.
"Friend?" Bakit patanong ko sinabi iyon.
"You two are just friends?" Nagugulahan si Lianne.
"For now, Friends." Singit ni Alec.
"For now? What do you mean by that?"
"I'm courting her." Alec replied.
"What? Omg! Really?" Kinikilig na sinabi ni Lianne.
"Yup." Alec smiled.
"Didn't know na may nanliligaw kay Carmen." Pang-aasar ni Ken.
"Fuck You, Kenny! Anong akala mo sa akin? Losyang?"
"Easy, Carms. Akala ko kasi ay tatanda kang dalaga sa sobrang sungit mo sa mga nanligaw sayo noon."
"Whatever! They didn't get to my standards."
"Standards? Hmm?" Ngumisi si Harry.
"Yes! Standards. That is standards."
Mabilis lang ang biyahe namin dahil hindi na rush hour. Nagsigawan at nag picture kaming lahat pagkarating namin sa bahay.
"We're back! Woohoo!" Tili ni Kayla.
Sa aming magpipinsan, Si Kayla ang pinaka-loud. Siya kasi ang pinakabata sa amin. She's 17.
"Our Llorente's!" Salubong ni Papa.
"Tito! Tita!" Nagmano sila kila Mama at Papa.
"Come on in! We prepared your dinner. And to welcome you ay doon tayo sa beach kakain." Turo ni Mommy sa aming pool.
"Wow! Sige tita, We'll follow mag swimsuit na kaming lahat para after dinner swimming na."
Umakyat na ako ng kwarto kasama ang mga pinsan kong babae. Dito sila matutulog sa amin tulad ng dati.
"Grabe! Naaalala ko lagi tayong nagkakasama dito kina Carmen. Tapos we would watch movies." Nag-reminisce si Sarrie.
"We can still do that but not tonight because we'll be partying!" Tumili muli si Kayla.
"Mag-suot na ako ng two piece then mag shorts na muna ako."
Pare-parehas kaming ganito ang suot namin. Pero ako ay naka one-piece rashguard at denim shorts.
Hindi ko feel mag bikini sa gabi.
"Let's go?!" Lumabas na kami ng kwarto.
Bumaba na kami at naabutan na nakaupo na ang mga lalaki at kumakain na ng hinanda ni Mama.
"Mga patay gutom talaga!" Pang-aasar ni Lianne.
"We miss Filipino Food! Ngayon lang kami uli nakatikim ng tunay na pagkain." Sagot ni Winston.
"Eat well, Mga anak." Paalala ni Mommy sa aming lahat.
Maraming inihanda si Mama. May bistek, palabok, pinakbet, at lechong manok.
"Tita, The best pa rin ang mga luto ninyo. Sa States kasi ay puro fastfood ang pagkain." Kwento ni Oliver.
Namataan ko ang mga titig sa akin ni Alec. He was doing something on his phone.
Alec Pakboi:
Can I be with you alone?
Me:
Nope, My cousins are here. I don't have to pretend like you're my boyfriend.
Alec Pakboi:
Yes, you should. You're still under me and Are you coming with them later?
Me:
Hindi pwedeng hindi ako sumama.
Alec Pakboi:
Sama ako later :(
Me:
Then come with us.
Niyugyog ako ni Sarrie dahil sobrang tutok ako sa phone ko. Nilapag niya ito sa counter at hinatak ako sa pool.
"Woooh! We're fucking back, Siargao!" Sigaw ni Oliver.
"Nandito na ang mga Llorente!" Sumigaw din si Winston.
Muli na naman nabuhay ang dugong Llorente. Lumaki ako sa ganito ka-laki at sayang pamilya.
"You guys enjoy!" Sigaw ni Mommy bago siya bumalik sa bahay.
After an hour of swimming ay umahon na kami dahil kami naman ay mag-babar. Walang kapaguran ang mga ito kahit ilang oras silang nasa eroplano.
"Carmen! Don't wear jeans." Pigil ni Kayla.
"Ano ba maganda?" Tanong ko.
"This!" Kinuha ni Sarrie ang isang kulay itim na haltered top at ang aking white pencil skirt.
"Don't worry! Nandyan naman ang boys kaya di tayo mapapano. Tsaka si Alec!" Paalala ni Lianne.
Pumayag na ako sinuot ko iyon at pinares ang kulay puti kong sandals. Sila ay naka bistida at maikling palda.
"Shall we, Girls?"
Nagkasya kami sa iisang sasakyan dahil kanina ay may mga bagahe kaya nag-dalawang sasakyan kami.
Si Harry ang nag-drive at katabi niya si Winston na nasa passengers seat. Ako ay nasa gitna katabi si Alec, Kayla, at Kenneth. Nasa pinaka likod si Oliver, Sarrie, at Lianne.
Pagkarating namin sa bar ay sinalubong kami ng napaka-raming mata. Pinagtinginan kami isa-isa dahil kilala rin kami dito sa aming syudad kahit dati pa.
"The Llorente's are back!" Tili ng isang babae.
"Now, The party's just begun!" Sigaw ni Lianne.
The boys started taking shots of different liquors, sabay sabay silang nag bottoms up sa Jim Beam. Kaming girls ay nag cocktails and margaritas.
Hinatak ako nila Lianne sa dance floor at nag-sasayaw. We were jumping and dancing to the rhythm of the songs.
I saw Oliver hitting on a girl on the dance floor. He held her by her waist and stick his mouth on her neck. Iba talaga ang kamandag ng mga pinsan ko. May mga babae rin ang naka-aligid kina Harry at pinapansin naman nila ito.
"Napagod ako!" Hingal na sinabi ni Lianne.
"Iba na talaga ang Siargao. I never felt more alive than before in here." Dagdag ni Sarrie.
"Girls, Anong oras daw tayo uuwi tanong nila Mama?"
"Maybe twelve am. Para may one hour pa tayo to chat and dance."
Ang mga lalaki naman ang nasa dance floor. Lahat sila ay may mga kasayaw maliban kay Alec na mag-isang nakaupo. Nakapalibot ang mga babae sa kanya pero bakit parang hindi niya ito pinapansin?
"Hey! Bat di ka sumama sa kanila?" Lumapit ako sa kanila.
"Ayaw ko."
"Sige na! Sumama ka na doon! Hindi mo naman kailangan magkunwari na girlfriend mo ko."
"Are you giving me away?" Malamig niyang tinanong.
"I-I just want you to have fun."
"It isn't fun without you."
"You're joking, Alec!" Natawa akong bahagya.
"I'm serious."
There goes his deadly eyes.