"`MA! ANO'NG ginagawa niyo rito? Bakit bigla-bigla naman kayong bumisita? H-hindi man lang kayo nagpasabi, edi sana nakapaghanda ako ng pagkain." Kanda bulol-bulol na'ng dila ko sa tatlong tao sa aking harapan. Asual, nangunguna ang Mama ko na palaging nakangiti. Kapag siya ang kausap mo parang hindi ka allowed na hindi mag-smile.
"Eh, kasi anak gusto ka talaga namin surpresahin. Kaya ito, nandito na kami. Surprise!" Binuka niya pa ang dalawang kamay at wi-n-igle-wiggle ang fingers niya. Pinilit kong ngumiti kahit ngiwi ang lumabas sa akin. Ang hirap magkaroon ng nanay na weird.
"Rina, wala ka bang balak na papasukin kami?"
Napagawi agad ang tingin ko kay Papa na nakatingin sa `kin nang taimtim. Napalunok ako nang madiin. "Ah... pasok kayo." Mas nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan at tuluyan silang pinapasok. Panay ang kabog ng dibdib ko. Panay ang tingin ko sa pintuan ng kwarto na naiwan ko palang nakauwang. Patay! Hindi sila pwedeng pumasok doon.
Naglibot ng tingin si Papa sa buong apartment samantalang agad binaba ni Mama ang mga dala nilang paper bag na mukhang puro mga ani sa bukid galing Nueva Ecija. Tumalon-talon naman ang seven-year old kong bunsong kapatid na Ethan sa ibabaw ng sofa.
"Ethan`wag mo talunan `yang sofa at masisira," agad kong suway sa kanya.
Ngumuso si Ethan at padabog na umupo sabay halukipkip. "Naglalaro lang naman ako ate."
Umikot ang mata ko sa hangin at kumuha ng Chuckie sa ref. Buti na lang at may stock ako. Agad ko itong binigay kay Ethan. "Ayan, uminom ka na lang nito para `di ka mabored." Masayang kinuha naman niya `yon at agad ininom.
Paglingon ko kela Mama abala na siya sa pagkakalkal sa kusina. "Mukhang masarap `tong niluto mo anak, ah." Napalunok ako nang sumubo siya ng pancake at bacon na niluto ni Vlad. Nakagat ko ang ibabang labi. Para sa `kin `yan eh. `Di ko pa nga natitikman. "Hmmm sarap anak, ah. Masarap ka nang magluto ngayon."
Napangiwi na lang ako kay Mama lalo na nang umupo na siya sa lamesa at sinimulang lantakan ang hinandang almusal ni Vlad. Hindi ko naman masisisi si Mama. Malayo pa ang biniyahe nila kaya siguradong gutom na gutom na sila. Bigla akong may naisip. "Kumain na ba kayo `Ma? `Pa? Wala kasi akong masyadong stock ng pagkain dito mabuti pa sa labas na lang tayo kumain," agad kong suggestion.
"Sige ate! Gusto ko sa Jollibee!" sigaw ni Ethan.
"O sige, may malapit na Jollibee diyan sa kanto."
"Huwag na at gagastos ka pa. May mga dala kaming prutas at gulay riyan mga bagong ani. `Yan na lang ang iluto mo."
Napawi agad ang ngiti ko nang magsalita si Papa. Lumipat ang mata ko sa mga paper bag na dala nila. "Eh, `Pa matagal pa kung magluluto ako. Doon sa Jollibee mas mabilis para makakain na kayo."
Tumingin sa `kin si Papa. Seryoso ang mukha niya. Napalunok ako. Alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Kahit si Mama ay never nanalo kay Papa. Medyo mahigpit at istrikto ang ama ko. Batas ang mga salita niya sa pamilya. "S-sige magluluto na lang ako." Sinimulan ko ng kalkalin ang mga dala nila.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng pinakbet nang dumalo sa `kin si Mama para tumulong. "Pagpasensyahan mo na ang Papa mo. Kilala mo naman `yan, masungit lang palagi pero ang totoo, siya itong nagpumilit na bisitahin ka dahil namimiss ka na raw niya."
Napangiti ako kay Mama. Hindi talaga vocal si Papa sa mga iniisip at nararamdaman nito hindi tulad ni Mama na napaka-transparent. "Ok lang `Ma, sanay naman na `ko."
"Oh, nasaan nga pala si Jonathan? Linggo ngayon diba? Wala kayong pasok?"
Muntik ko ng mabitawan ang sandok. "Ah... baka busy `yon `Ma."
Ngumuso siya sa `kin. "Namimiss ko na ang batang `yon. Mabuti pa at tawagan mo siya at papuntahin mo rito nang makamusta ko naman."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Ayokong pumunta dito si Jonathan lalo na't nasa loob lang ng cabinet ko si Vlad at kanina pa nagtatago. Kumusta na kaya ang bampira? Isa pa, baka mamaya ibuking ako ni Jonathan. Malilintikan talaga ako nito.
"`Ma... busy nga kasi `yon. May practice sila ng basketball," pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman kamustahin si Jonathan."
Laking pasasalamat ko na hindi na siya nagpumilit pa. Nasa hapag na kami at nagsalo-salong kumain. Si Mama lang ang madaldal at panay ang pag-kwento tungkol sa mga nangyari sa probinsya habang wala ako. Kinuwento niya rin na malapit na raw manganak si Ate Tyra. Iyong napangasawa ni Kuya Emman. "Excited na nga kami ng Papa mo. Gustong-gusto na namin magka-apo!" kinikilig na kwento ni Mama.
Pinilit kong magpakita na excited ako kahit sa loob-loob ko ay bother ako. Panay sulyap ko sa gawi ng kwarto. Nag-aalala ako kung ano na'ng ginagawa ni Vlad doon. Siguro pawis na pawis na iyon sa loob. Nag-flash sa isipan ko ang imahe ng katawan ni Vlad na basang-basa ng pawis. Iyong toned abs and chest niya na tinutuluan ng droplets pababa sa kanyang puson. Habang suot niya ang pink strawberry shorts ko.
Juice colored! Ano ba `yan! Ang hot! Pinagpawisan ako bigla. Makita ko lang `yong mga wet pandesal ni Vlad nabubusog na ako.
Naputol ang pag-iimagine ko nang magsalita si Papa. Dahil natulala ako pansamantala hindi na process nang maayos ng utak ko ang mga sinabi niya. "Ano ho `yon `Pa?"
"Ang sabi ko... pinagbubutihan mo ba ang pag-aaral mo? Baka mamaya may boyfriend ka na pala at hindi mo man lang sinasabi sa amin."
Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Napaubo ako nang malakas. Agad akong inabutan ni Mama ng baso ng tubig. "`Pa... w-wala ho," agad kong depensa. Iyong tingin sa `kin ni Papa may halong pagdududa. Napalunok ako nang madiin.
"Siguraduhin mo lang Rina, bata ka pa. Wala pa dapat `yang mga lalaki sa isip mo," mahigpit na habilin nito.
Naku `Pa, kung alam mo lang!
"Aww!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang isang malakas na sigaw. Napahinto agad sa pagkain sila Papa at Mama at sabay napagawi ang tingin sa nakauwang na pintuan ng kwarto ko.
"Anu `yon? May sumigaw ba? May tao ba sa loob ng kwarto mo?" agad tanong ni Mama.
Napalunok ako. Namutla ako lalo nang makita kong wala sa puwesto niya si Ethan! Shit na malagkit! Hindi ko man lang namalayan pumasok siya sa kwarto ko. Nang tumayo si Papa at humakbang patungong kwarto ay agad akong tumayo at humarang sa pinto. "A-ah w-wala `yon `Pa... b-baka sa kapitbahay."
Kunot na kunot ang noo niya. "Rina," matigas na banggit niya sa pangalan ko.
Oh Dear Lord! Please kunin mo na ako. Ito na ang katapusan ko.
"Aww! Stop it you naughty kid! Aww!"
Tuluyang nagkulay suka ang mukha ko nang marinig muli ang mga sigaw ni Vlad. Unuusok na'ng ilong ni Papa at nagliliyab ang mga mata sa galit. Agad niya akong tinulak palayo sa pintuan at mabilis na pinasok ang kwarto. "`Pa!"
Agad akong sumunod. Narinig ko rin ang mga yabag ni Mama sa likuran ko. Pagpasok ko ng kwarto naabutan namin si Ethan na nakalambitin sa leeg ni Vlad habang pinipilit na ibuka ang mga bibig nito. "Patingin ako! Nakita ko may pangil ka, eh!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Stop it, kid!"
Nahinto sa paghaharutan ang dalawa nang mapansing naroon na kaming lahat sa kwarto at nakatingin sa kanila. Agad namilog ang mga mata ni Vlad. Nagtama ang tingin namin at madiin siyang napalunok. Nahinto siya sa pag-iwas sa mga kamay ni Ethan na hindi pa rin bumibitiw sa panlalambitin sa leeg niya na tila unggoy na nakalingkis sa puno.
"Rina! What's the meaning of this?" Halos mapatalon ako palabas ng bintana sa lakas ng dagundong ng boses ni Papa.
Oh no! I am sooooo dead!
JOIN OUR FAMILY!
FB GROUP: Cupcake Family PH