Tải xuống ứng dụng
85.71% Something In Between / Chapter 6: Chapter 6

Chương 6: Chapter 6

Jake's POV

Sobrang namimiss niya na siya. Three weeks na silang di nag-uusap ni Ari and god, it feels like hell. Ito na ata ang pinakamatagal at pinakamabigat na away nilang magkaibigan. Magkaibigan, my ass.

"Waaaah!" sigaw niya out of frustration. Hindi niya na talaga kaya! He needs to see her!

Bumangon na siya upang maligo. He is so excited to see her and sana magkaayos na sila. Hmmm, malakas naman ako doon kaya think positive, Jake! Win her again!

Andito siya ngayon sa isang flower shop. He wants to make an extra effort to get his girl. His? Take a hold of yourself, man!

"Sir, ano pong message ang ilalagay?" tanong sa kanya ng tindera.

"Ahm, pwedeng ako na lang magsulat?"

"Opo sige po. Ito po Sir oh." sabi nito sabay abot ng ballpen at card sa kanya.

I am sorry, Ari. Can you please forgive me?

Love,

Jake

"Good luck and God bless po Sir! Sana maging maayos po ang lakad nio!" sabi sa kanya ng tindera bago siya umalis.

"Salamat po! Sana nga po!"

Kabadong kabado siya habang nagdadrive papunta sa office nina Ari. Magsisix na kasi, e dapat mga five andun na siya. Bihira naman kasi ito mag- overtime. Sana maabutan ko siya.

Andito na siya ngayon sa labas ng office nina Ari pero hindi pa man siya nakakapasok ay parang ayaw na niya agad pumasok. Andun kasi sa labas sina Ari at Sam, at kitang-kita niya ng hinawakan ni Sam ang mga kamay ni Ari.

Sila na ba? Ang bilis naman. Ang sakit.

Kitang kita niya ang saya sa mukha ni Ari habang hawak nito ang bouquet ng bulaklak na binigay ni Sam. Napatingin siya sa hawak na bouquet at wala sa sariling naicrumple dito.

Sayang ka naman. Sana pala di ka na nag-effort. Masaya na siya oh. Ang tanga mo kasi Jake e. Nasa sa'yo na, pinakawalan mo pa.

Hindi niya na kaya ang napapanood niya kaya tumalikod na siya at dumiretso sa kanyang sasakyan.

"Pre, libre ka ba? Samahan mo naman ako oh. Inom tayo. Doon sa dati." aya niya sa kausap niya sa cellphone.

---

"Anong problema Pre?" tanong sa kanya ni Jake, kumpare niya.

"Di niya na ata ako kailangan, Pre." sagot niya dito sabay lagok sa baso ng tequila na hawak hawak niya.

Tinignan siya nito ng mabuti. Makikita ang pagtataka sa mukha nito pero sinusubukan din na bigyan siya ng assurance na kailangan niya as a friend.

"Sino ba yan? Si BESTFRIEND ba?"

Napatingin siyang bigla sa sinabi nito. Is he that transparent?

"Alam mo Brad, ikaw lang naman ang in denial sa feelings mo e. Ako, actually lahat kaming mga kaibigan mo, alam na hindi lang kaibigan ang turing mo kay Ari. Bakit ba hindi mo masabi sa kanya?"

Uminom muna ulit siya bago nagsalita, "Nangako kasi kami sa isa't isa. We will remain friends and we will never fall in love with each other."

"Brad, that was 10 or 12 years ago! Hindi ba napakatanda ninyo na para sa ganyan?"

"Pero..."

"Duwag ka kasi. Sa takot mong mawala siya sa'yo, okay lang na maging magkaibigan na lang kayo habangbuhay. Paano ka naman? Paano naman siya?"

"Hindi mo kasi naiintindihan ang kalagayan ko..."

"Siguro nga Brad, pero hindi ba unfair naman din sa kanya? Sabihin natin na kunwari di ka niya mahal, atleast nalaman niya. Nasa sa kanya na lang yan kung tatanggapin niya yung pag-ibig mo. Basta maging ready ka lang sa magiging consequence. Paano naman kung mahal ka niya? Hindi ba mas unfair na kung ano-ano ang naiisip niya tapos mahal din naman pala siya ng taong mahal niya?" mahabang litanya nito sa kanya.

Napaisip siya sa sinabi nito. Will it really make a difference kung aamin siya? Is he willing to risk everything they had for

his damn feelings? Paano kung hindi naman siya gusto nito? Kaya niya ba na maiba ang takbo ng relasyon nila? Kaya niya ba?

"Umamin ka na Brad. For your peace of mind, and for her too. If you love her, tell her and win her. Papayag ka bang  natalo ka sa digmaan na hindi man lang lumalaban?"

"Alam mo, Brad. Tama ka e. If I don't want to lose her, I should fight for her. Thank you, Brad."

"Sus, welcome. Nagkapalit lang tayo ng sitwasyon. Ganito ka din sa akin nung namomroblema ako kay Joyce e. Hahaha!"

Iniangat niya ang baso niya na may lamang huling patak ng alak na inorder nila.

"Para sa pag-ibig ni Ari! Cheers?"

"Cheers!"

---

Sorry short chap lang today kasi may Career Guidance seminar ngayon sa school. Emcee pa ang lola nio kaya paunti-unti lang ang pagtitipa sa keyboard. Hopefully, nagugustuhan ninyo yung story ko. Sa mga silent readers (if meron), paramdam kayo mga tehhh para malaman ko kung me nagbabasa din nito kahit paano. Hahhahaa ... Basta seseryosohin ko na'to. Tatapusin ko 'tong story na ito at tatapusin din ang mga dating story ko. Hopefully, mabasa nio sila.

Pakibasa na din yung isang story ko na "Ang Stariray na NBSB"

Kamsamnida!

박 윤 히 😘😘


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập