Tải xuống ứng dụng
67.74% TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG) / Chapter 21: Chapter 21: Siya ang may kasalanan

Chương 21: Chapter 21: Siya ang may kasalanan

"Yan lang po Haring Edgar ang hinde ko alam. Pero malalaman po natin kapag nakausap napo natin ang may ari ng Gintong Mansion na yan. Sigurado naman po ako na walang kahit sino na hinde ka Haring Edgar bibigyan ng respeto at hinde manlang ipapakita ang sarili nya." Sabi ni Ronnie. "Hmm, sana nga. Kailangan nating mag ingat." Sigaw ni Haring Edgar sa mga sundalo. Pagkatapos ng ilang saglit, nakarating na ang mga Sundalo at si Haring Edgar sa harap nila Farrah. "Magandang araw sainyo, kami ay ang mga sundalo ng Juperia, at kasama namin ang Hari para makausap ang may ari ng Mansion na ito. Bakit kayo nandito? Mga tauhan ba kayo ni Dennis Ren?" Lumapit si Ronnie kina Farrah habang nakasakay sa kabayo nya at tinanong.

"Kung gusto mong magtanong, bumaba ka muna jan sa kabayo mo." Sabi ni Shadow 2 kay Ronnie. Ayaw kasi ni Shadow 2 na kapag may kausap sila, nakasikay sa isang kabayo o nasa mataas na lugar ang kausap nila. Kasi kapag ganun parang minamaliit nila ang mga Shadows at si Farrah. Yung parang sila ang nasa itaas ng lahat at parang napaka makapangyarihan nila at pinapa mukha pa nila na hinde sila magka lebel nila Farrah. Kaya sinabihan ni Shadow 2 na bumaba si Ronnie sa kabayo nya. Nakakabastos kasi para sakanya ang ginagawa ni Ronnie.

"Pasyensa na. Wala akong manners." Sabi ni Ronnie, bababa na sana sya nang bigla syang pigilan ng kasama nyang sundalo. "Wag kanang bumaba sa kabayo mo General Ronnie, sila ay mga mababang uri ng tao lamang. Hoy! Kayo, anong ginagawa nyo dito!? Kung tauhan kayo nung Dennis Ren na yun? Tawagin nyo sya dali! Nandito ang Hari para kausapin sya. Oh ano pang ginagawa nyo jan!? Tawagin nyo na sya!" Sigaw nung sundalo na pumigil kay Ronnie sa pagbaba mula sa kabayo nya.

"At kung ayaw namin? Anong gagawin mo?" Sabi ni Farrah habang kinokontrol ang mga Shadows para hindi makagalaw. Dahil sa Kapangyarihan ni Farrah na Shadow Master, kaya nyang kontrolin ang kahit anon at kahit kaninong anino. At dahil nga gawa ang mga Shadows sa anino madali lang para kay Farrah na kontrolin sila. Kung hinde kinontrol ni Farrah ang mga Shadows para hinde makagalaw, kanina pa sinugod ng mga Shadows ang Sundalo at pinag pira piraso ang katawan.

"Anong sabi mo!? At sino ka naman para kausapin ang isang tulad ko na Royal Knight!? Hoy polobi, kung gusto mong manlimos wag ka dito. Baka gusto mong potolin ko yang bibig mo." Sabi ng Sundalo at nilabas nya ang espada nya saka nya ito itinuro kay Farrah. "Uyyy Hari, hinde mo manlang ba pipigilan ang madaldal na bibig ng tauhan mo? At tignan mo, sinisigawan nya pa ang may ari ng Mansion na ito. Pano kapag nagalit sya, anong gagawin nyo? Ay mali, hinde pala kung anong gagawin nyo kundi kung ano ang magagawa nyo?" Tanong ni Farrah habang nakangiti.

"Aba't! Wala kang galang sa Hari! Dapat sayo patayin!" Bumaba ang Sundalo mula sa kabayo nya at susugodin nya sana si Farrah nang bigla syang tawagin ni Haring Edgar. "Padz! Dito kalang at wag kanang mag salita. Ako na ang kakausap sakanila." Sabi ni Haring Edgar. "Pero Hari, mga mababang uri lamang sila. Bakit pa kailangan natin silang pag aksayahan ng oras?" Tanong ng Sundalo na ang pangalan ay Padz. "Sabing wag kanang mag salita! Ako na ang bahala dito." Pagkatapos sabihin yun ng Hari, bumaba na sya sa kabayo nya at lumapit kina Farrah.

Ang Sundalo naman na ang pangalan ay Padz ay galit na galit na. Hinde kasi dapat binibigyan ng oras ang mga mababang uri na tulad nila. Yun ang iniisip nya, kaso hinde nya ito masabi kasi mapapagalitan nanaman sya kapag nagsalita sya. "Magandang araw sa inyo. Ako ng pala ang Hari ng Juperia, ako ay si Haring Edgar. Nasabi mo kanina na sinisigawan ng Sundalo ko ang may ari ng lupa? Tama ba ang narinig ko?" Tanong ni Haring Edgar pagkalapit nya. "Oo tama ka." Sagot ni Farrah.

"Kung ganun, edi ikaw ang may ari ng Mansion na ito?" Tumingin si Haring Edgar kay Farrah mula taas hanggang sa baba. Pero hinde nya malaman kung totoo ang sinasabi ni Farrah. Napaka layo kasi kung ang isang tulad ni Farrah na punit punit ang damit at napaka dumi pa ang maging may ari ng napaka laki at napaka gandang Mansion na nasa harapan nila at gawa pa ito sa ginto. "Haring Edgar pinag loloko lang tayo ng polubi na yan. Sino maniniwala sakanya, Haring Edgar ibigay mo nalang sya sakin para maparusahan ko. Ako na bahala sakanya, midyo maganda pa naman pati sya hehe." Sabi ni Padz habang nakatingin sa katawan ni Farrah.

"Padz! Sinabi konang wag kang magsalita! Tika ano yun?" Habang nagsasalita si Haring Edgar, may nakita syang maliit na puting ilaw na lumilipad papalapit sakanila mula. Ang ilaw na papunta sakanila ay biglang lumaki paglapit nito sakanila at nakita na din nila kung ano ito. Tumingin si Farrah sa puting ilaw at bigla syang nainis. 'Ngayun kapa talaga lumabas, kung kailan busy ako dito. Ang hirap hirap na ngang pigilan ang mga Shadows sa pag galaw tapos sumali kapa.' Hinde na alam ni Farrah kung ano ang gagawin nya, gusto nya sana ng takimik na pamumuhay kaso palagi syang binibigyan ng sakit ng ulo nitong mga taong ito.

Gusto na sana ni Farrah na batohin sila ng Aura Ball para maubos agad sila at matapos na ang lahat ng itod, kaso problema nanaman ang dadalhin nyan. Tumingin si Farrah sa puting ilaw. "Bakit ka lumabas? Diba sabi ko magtago lang kayo." Sabi ni Farrah doon sa ilaw. Ang kaninang poro puting liwanag lang ang makikita mo ay ngayun biglang nagkaroon ng dalawang mata. Tumingin sya sa sundalo na ang pangalan ay Padz. "Sya ang may kasalanan!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C21
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập