Tải xuống ứng dụng
92.63% I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 88: Chapter 25: Tears

Chương 88: Chapter 25: Tears

Umupo ako sa kama ko tapos in-on yung phone ko. Hindi ko pa yan nabubuksan simula pa nung in-off ko kanina.

Habang may kung anu-ano pang kaekekan yung nagpi-play sa phone, tumayo ako para alisin yung towel sa ulo ko then binalik sa bathroom. Pagkatapos kong isampay yung towel, lumabas na ulit ako.

Pumunta ko sa harap ng salamin tsaka pinatuyo yung buhok ko gamit ang blower habang nakaupo.

Nakasuot na ko ng pantulog.

Pinagmamasdan ko yung reflection ko sa salamin habang nag-iisip.

Nakikita ko sa salamin yung mga scene na naghahabol ako kay Zoid. Oo, naghahabol nga ako at ngayon ko lang na-realize ang bagay na yun.

Gumawa pa talaga kami ng How to attract a Playboy procedure para lang magkabalikan kami.

Nakita ko sa salamin yung araw na hinabol ko sya sa garden at niyakap sya patalikod.

Yung hinila nya ko paupo sa lap nya nung nasa bar kami tapos hindi ko napigilan na yakapin sya.

Isama mo na din yung mga araw na nakikipaglandian ako sakanya.

Para kong nabulag kasi kahit may girlfriend sya, nakikipaglandian pa ko sakanya. Epal sa relasyon kung tawagin ng iba.

But wait, he's a Playboy.

Tss. It's not a valid reason.

Ang case ko ay nakipaglandian ako sakanya. Playboy man sya o hindi... may girlfriend pa rin sya.

Feeling ko tuloy nandidiri ako sa sarili ko.

Dahil ilang beses ko ng pinagpilitan ang sarili ko sa lalaking may girlfriend.

Nakakadiri ako.

Nakakadiri.

Through mirror, kitang-kita ko ang pagbagsak ng luha galing sa mga mata ko.

Hindi lang ako nakakadiri. Napaka-selfish ko pa.

"No no! Stop breaking my heart."

Nilingon ko yung cellphone ko na nasa kama ko. Kanina pa pala nagri-ring.

Humarap ulit ako sa salamin tapos pinunasan yung luha ko bago tumayo papunta sa kama.

I composed myself nang malamang si VJ ang tumatawag.

"Hello." I said as I pressed the answer button.

[Christ! Thank God na-contact na rin kita. I've been calling you for so many times.]

"Sorry nakapatay kasi yung phone ko. Ngayon ko lang nabuksan. Bakit ka nga pala napatawag?"

[Si Zoid.]

Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan nya, bumilis agad yung tibok ng puso ko.

[He's on hospital again.] Weak na pagkakasabi nya.

Sabi ko iiwasan ko na sya pero tinraydor na naman ako ng buong katawan ko.

Nalaman ko nalang na nasa kwarto na ko ni mommy para magpaalam.

"Ako na magdadala sa'yo sa hospital, anak." Medyo nagpapanic na sabi nya.

Alam kong nag-aalala din sya kay Zoid.

Habang nasa biyahe, naka-receive ako ng text message from VJ kung anong room number ni Zoid.

Nakauwi na daw sila. Ayaw pa nga daw nila umuwi kaso pinilit daw sila nung parents ni Zoid na umuwi kasi gabi na tapos may pasok pa bukas.

After i-park ni mommy yung kotse, biglang nag-ring yung cellphone nya.

"Sige na, Louise. Mauna ka na. Susunod nalang ako." Nakangiti nyang sabi.

I nodded then told her in what room Zoid was assigned.

Malapit na ko sa room nang makasalubong ko yung parents ni Zoid.

"Good evening po," bati ko sakanila.

"Good evening din, iha." Daddy ni Zoid

"Bibili lang kami ng foods. You can get inside and visit him." Nakangiting sabi nung mommy ni Zoid.

I smiled back tapos tinap ako sa balikat nung daddy ni Zoid bago sila umalis.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto. Nakabukas ng kaunti yung pinto kaya naman sumilip muna ako.

Sana pala hindi ko na ginawa.

Kitang-kita kasi ng mga mata ko ang magkayakap na si Zoid at Chelsea.

Nakaupo si Zoid sa kama and nakaharap sa'kin yung likod nya. Si Chelsea din nakaupo sa isang silya. Napababa yung tingin ko sa braso nyang nakapulupot ng mahigpit kay Zoid.

Sobrang higpit na parang ayaw na nyang pakawalan si Zoid. I looked up to her again and then noticed na umiiyak sya.

Hindi lang basta iyak.

Kahit sinong makakita sa iyak nyang yun, mararamdaman mo talaga na nasasaktan sya.

Tumalikod nalang ako at sumandal sa pader.

Hindi na ko kailangan ni Zoid kasi andyan na si Chelsea.

At isa pa, may girlfriend sya na nasasaktan.

Ang tanga ko lang kasi alam ko ng girlfriend nya si Chelsea pero nakikipagkita pa rin ako sakanya.

Oo Playboy si Zoid.

Pero walang magiging Playboy kung walang babaeng magpapaakit.

At yun ang pagkakamali ko. Hinayaan kong isali ako ng PLAYBOY na yun sa laro nya. Nagpadala ako sa peste nyang libangan.

"I did love you." Out of nowhere bigla ko nalang narinig ang salitang yan. Ayan yung sinabi nya sa'kin nung nakipagbreak sya.

Sakanya na nga yan MISMO nanggaling pero bakit pinilit ko pa yung sarili ko na wag maniwala?

Bakit umasa pa ko na mahal nya pa rin ako?

Kasi naman eh.... yung mga kinikilos nya, yung mga sinasabi nya.... nakakapaniwala na may nararamdaman pa sya sa'kin.

Lahat pala yun hindi totoo. PLAYBOY lang sya kung bakit sya ganun saakin.

Tama nga ang sinabi ni Carrick na "They are more like an actor. Magaling MAGPANGGAP at magpaikot ng mga babae. Akala mo totoo pero naglalaro lang sila."

I wiped my tears then made a decision.

Who knows how much I love him.

But I don't wanna be selfish. Kung magpapaka-selfish ako, may masasaktan and that is Chelsea.

I've hurted enough. I know the feeling of being hurt and ayoko ng maranas pa yun ni Chelsea.

Pareho kaming babae. Okay na yung isa nalang yung masaktan kaysa naman sa dalawa pa.

From now on....

Magpo-focus lang ako sa pag-aaral, family and friends.

Isasantabi ko na muna yang Love Love na yan.

Nung hindi ko pa naman kilala yang Playboy na yan ganito lang naman yung routine ko eh. No lovelife no problem.

Ipagpapatuloy ko yung pag-iwas ko sa'yo Zoid hanggang sa maka-move on na ko.....

***

Friday

Sabi ni VJ, hindi naman na-admit si Zoid pero hindi sya pinapasok ng doctor nya para makapagpahinga.

Natapos yung araw ko nang hindi sya nakikita, nakakausap o nakakasama.

See? I can live without him.

Sigh. Kaya ko nga ba? Ngayon ko nga lang sya hindi nakita, nami-miss ko na sya eh.

Saturday

Half day lang ako kaya madali ko syang naiwasan. Whole day kasi sya sa araw na yan.

Sunday

Nagsimba kami ni mommy together with Aldrich's family. Nung nasa "peace-be-with-you" part na, inakbayan ako ni Aldrich sabay sabing, "Peace be with you, mahal kong bestfriend." Nagulat nalang ako nang halikan nya ko sa pisngi.

"Peace be with you, Zailie." Mommy ni Aldrich na nasa tabi nya.

"Peace be with you po."

Halos lahat ng taong nakapalibot sa'kin, sinabihan ko ng ganun. Pati na rin sa mga taong nasa likod ko.

Paglingon ko, nagsabi ako ng "Peace be with you." Natulala ako kasi nasa likuran ko lang pala si Zoid.

"Peace be with you." Sabi nya ng walang kaemo-emosyon pero nakatitig sya sa mukha ko.

"Iha, peace be with you." Thanks to his mom na dinistract ako sa nakakalunod nyang tingin.

Monday

Kinakabahan ako. Sure ako na makikita ko na naman sya. Sana magawa ko rin syang iwasan like these past few days.

Pagkababa na pagkababa ko sa motor ni Aldrich, may kotseng nagpark sa tabing slot kung saan nagpark ng motor si Aldrich.

Binalik ko na yung helmet kay Aldrich tapos narinig ko yung pagbukas ng pinto nung kotse kaya naman automatic na bumaling ang ulo ko dun.

Lumabas ng kotse si Chelsea. Nginitian nya ko nung nagkasalubong kami ng tingin.

I smiled back at her then my gaze shifted at her back. Lumabas kasi sa kabilang side ng kotse si Zoid.

Our gazes met and no matter what how much I tried to look away, I just couldn't. Nalunod na naman ako sa mga tingin nya. He walked onto us without breaking our eye contact.

"Pare," I heard Aldrich greeted him.

And finally! He broke the eye contact to look my bestfriend. Ako naman parang nakawala sa spell at biglang natauhan.

"Ahm, baka ma-late na ko." I said, staring at Chelsea and tried my best not to look at Zoid.

"Hatid na kita sa room mo, mahal kong bestfriend." Aldrich offered. I looked up to him and smiled.

"See 'ya around, guys!" Nakangiting sabi ni Chelsea.

Nginitian ko din sya at saglit na sumulyap kay Zoid bago umalis.

***

After class, hinigit ako ni Chloe papunta sa tambayan. She's so excited to see Ceejay na daw kasi. And oh! Na-kwento nya sa'min na nililigawan na sya ni Ceejay. I'm so happy for the both of them

Pagkarating namin doon, nakahinga ako ng maluwag kasi wala si Zoid.

Umupo ako sa madalas kong inuupuan atsaka nakikain sa kanila. Ang daming malalaking titserya ang nasa round table tapos may mga softdrink in cans din.

Inabutan ako ng sprite in can ni Sophi. Halos kompleto kami, ang wala lang si Ceejay at Zoid.

Natawa ako nang tumingin ako kay Chloe na mukhang disappointed. Excited pa naman syang pumunta dito sabay wala yung suitor nya? Haha

Ang ingay nila. Kung anu-anong pinagki-kwentuhan nila. Si VJ ang daming jokes kaya kahit tinatamad akong magsalita napapatawa talaga ko ng malakas.

Maya-maya, napatigil sa pagsasalita si VJ tapos tumingin sa isang direksyon. Lahat sila nagsitinginan kaya ginaya ko na din sila.

Bumilis yung tibok ng puso ko dahil papunta dito si Zoid.

Bakit parang kinakabahan ako?

Bigla ko tuloy nainom ng straigh yung sprite in can na hawak ko. Ang sakit sa lalamunan >o<

"Haluh, Zai." Nasabi nalang ni Sophi habang nakatingin sa'kin.

Nginitian ko lang sya atsaka inagaw yung Pick-A sa kamay ni Dwayne. Nagulat pa nga sya nung una pero hindi nalang nagsalita.

Nung nakalapit na sila sa'min, tumingin lang ako sa Pick-A habang kumakain.

"Andito lang pala yung hinahanap mo eh." Narinig kong sabi ni Ceejay tapos nararamdaman ko pa na lahat sila nakatingin sa'kin.

"Bakit naman hinahanap ni Zoid si Zai?" Tanong ni Yat.

Nung tumingin ako sakanya, nakatingin din sya sa'kin.

Argh >____< hindi ko mapaliwanag kung anong klaseng atmosphere ang namamagitan sa'min. Basta ayokong tumingin kay Zoid.

Naubos ko na pala yung Pick-A na kinakain ko. It's time for me to make an excuse.

"Nakalimutan ko, may gagawin pa pala ko." Paalam ko sakanila habang inaayos yung mga gamit ko.

"Lumang palusot na yan, Zai." Sabi ni VJ

Hindi ko nalang sya pinansin tapos nagbeso-beso sa tatlo kong kaibigan na babae atsaka umalis.

Nung medyo nakakalayo na ko, lalo kong binilisan yung lakad ko.

Lumingon ako para malaman kung sinundan nya ba ko but I saw nothing. Hay. Nakahinga ako ng maluwag.

Habang nakalingon ako, may humila sa braso ko kaya naman napaharap ako sakanya.

"Umamin ka nga. Iniiwasan mo ba ko?" Nanlaki yung mga mata ko. Si Zoid. Hawak-hawak pa nya ng madiin yung braso ko.

"P-paanong..." hindi ko matuloy yung sasabihin ko kaya lumingon ako.

Nasa tambayan lang sya kanina ah? Ang bilis naman nya.

Humarap na ulit ako sakanya.

"Gumamit ako ng shortcut, okay? And it doesn't freakin' matter! Bakit mo ko iniiwasan, ha? And one more thing, bakit ka sumama kay Carrick? Kilala mo ba sya, ha? Hindi naman, diba? Pwede ba ilayo mo yang sarili mo sa disgrasya!" Galit na sabi nya.

"Hindi ko alam yang mga pinagsasasabi mo. Disgrasya? Atsaka si Carrick? Ano namang pakelam mo kung sumama ko sakanya?" Tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko.

Tumalikod na ko pero hinila na naman nya ko paharap sakanya. At nung pumalag ako, tinulak nya ko kaya tumama yung likod ko sa puno.

Hinawakan nya ng madiin yung magkabila kong braso. "Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasabi kung bakit mo ko iniiwasan."

Tinulak ko yung dibdib nya kaya napalayo sya ng konte sa'kin. "Ito naman yung gusto mo, diba?" Basag yung boses ko.

Wag sana kong umiyak sa harapan nya.

"You told me na maghanap ako ng iba. Yung walang sakit, yung hindi ako sasaktan like what you've always do to me. Sinabi mo pa nga na you don't deserve me, right? Kaya eto na. Sorry kung LR. Akala ko kasi may nararamdaman ka pa sa'kin eh. Pinaglalaruan mo lang pala ko." Maglalakad na sana ako pero hinila nya ko at kinulong ako sa mga braso nya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ko!" Sigaw ko habang pinaghahahampas yung dibdib nya.

"Hindi kita pinaglalaruan." Sabi nya malapit sa tenga ko.

Napatigil ako sa pagpalag.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Hindi. Hindi na ko magpapadala pa sa mga pinagsasasabi nya.

"Kung hindi mo ko pinaglalaruan, anong tawag sa ginagawa mo? Ginugulo mo yung isip ko?" Pagkasabi ko nyan, dahan-dahan syang kumalas sa pagkakayakap sa'kin.

He looked at me in the eye deeply. Bakit ganun? Bakit sinasabi ng mga mata nya na nasasaktan din sya?

"Didn't you know the moment I pushed you away and told you to find someone else.... is the thing that I regret the most in every act I've done in my entire life." Lumapit sya para punasan yung luha ko kaya naman humakbang ako paatras.

"Hindi mo na ko madadaan dyan sa mga flowery words mo. Nakakasawa na kasi eh," I wiped my non-stop tears.

Ayokong umiyak lalo na sa harapan nya pero di ko mapigilang wag tumulo yung mga luha ko.

"Ipagtatabuyan mo ko tapos hahabulin kita. Mapapagod ako tapos ikaw naman ang maghahabol. At kapag nahulog na naman ako sa'yo, ipagtatabuyan mo na naman ako. Diba? Nakakaloko lang." Yumuko ako para hubarin yung couple ring namin.

"No! No, please." Lumapit sya sa'kin tapos hinawakan yung kamay ko. Syempre, mabilis ko itong binawi.

Kinuha ko yung kamay nya para ilagay yung singsing sa nakabukas nyang palad. "Wag ka ngang umarte dyan na parang engagement ring yan. Couple ring lang yan. Hindi na tayo couple kaya binabalik ko na sa'yo yan."

Tinignan ko sya habang nag-aantay ng kung ano man yung sasabihin nya. Nakayuko lang sya habang nakatingin sa singsing na nasa palad nya.

"Hindi habangbuhay may babaeng magpapakatanga sa'yo.... Zoid. Kaya kung pwede seryosohin mo na si Chelsea."

Bago ako umalis... parang nagslow motion ang lahat. May likidong dahan-dahang bumagsak sa singsing.

Hindi ako nagkakamali. Luha yun.

Tears owned by this Playboy.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C88
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập