Tải xuống ứng dụng
84.21% I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 80: Chapter 17: Tragedy

Chương 80: Chapter 17: Tragedy

Pink's POV

Kasalukuyan akong naghahanap kila Vi at Red. May nakita kasi kaming handsome kanina kaya ayun! They just panic lang naman at mabilis na hinabol si guy. Tsk.

I stopped then glanced around hoping I could find them. But instead, there's a guy... err... a nerd one that caught my attraction.

Para syang ewan na naglalakad habang may sinusundan ng tingin. May ilan na nga syang na-ba-bump eh. And when I looked where he was glancing at, napataas ang isang kilay ko.

Sinusundan nya ng tingin si Zai? Heck, sumbong ko yan kay Zoid. Tignan ko lang kung masinagan pa yan ng araw bukas haha!

Just kidding! Para ko na syang pinapatay kapag sinabi ko kay Zoid na pinagnanasahan nitong nerd ang Louise nya.

Lakad pa sya ng lakad habang nakatingin kay Zai until he bumped on me.

"What the--" piningot ko yung tenga nya.

"Araaaaaay~ sorry na po, miss . . . Araaaaay poooooo!" Pagsisigaw nitong nerd na to. Yung ibang dumadaan tuloy is napapatingin sa'min.

Wait.

I make bitaw his tenga na para titigan ng maigi yung face nya. This nerd . . . was kinda look familiar.

I crossed my arms and nag-isip. Sya naman, hinihimas yung ear nya na namumula.

"You!" Sabi ko with matching panduduro pa sakanya kaya medyo napaatras sya.

"B-bakit po?" Nanginginig na sabi nya.

"Ikaw yung lalaking katabi ko nung nag-spin the bottle tayo sa L resort, diba?"

"Opo. A-ako nga po yun." Sabi nya at umiwas ng tingin and obviously na may hinahanap sya. He was looking for Zai -.-

"Ayiiie~ inlove si nerd. May gusto ka kay Zai, noh?" Tinusok-tusok ko pa yung tagiliran nya.

Lumayo naman sya.

Natatakot ba sya sa'kin?

"Hindi noh! Ayoko pang mamatay."

"Weh? Then why are you following her? Don't ya worry hindi ko naman sasabihin kay Zoid eh."

"Hindi nga! Kulit nito."

"Torpe ka naman."

Pinunasan nya yung noo nyang namamawis using his panyo then hinanap na naman si Zai.

"Ang layo na nya tuloy! Ikaw kasi eh! Dyan ka na nga!"

Sisihin daw ba ko.

Tumakbo na sya and I am beautiful yet pretty sure na kay Zai ang punta nun.

Zai's POV

Kanina pa ko nandito sa library at kanina ko pa rin napapansin na panay ang sulyap ng tingin sa'kin nung classmate kong nerd na si Joshua.

Hanubanemenyen.

Nakakadistract kaya!

Kapag titingin ako sakanya, bigla nyang ipantatakip sa mukha nya yung librong hawak nya. Naku naman po.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng libro hanggang sa napahikab ako. Umub-ob ako sa desk at pinikit ang mga mata ko.

Hindi ako matutulog, noh! Ipapahinga ko lang yung mata ko.

***

Papunta ako sa isang lugar kung saan kami magkikita ni Zoid. Tinawagan nya kasi ako kanina at sinabing magkita kami. Hindi ko alam kung anong dahilan nya pero tumuloy pa rin ako.

"Hi," masaya kong bati sa dalawang babae na naka-DH school uniform.

Ang saya-saya ko ngayon kasi makakasama ko na naman sya.

Pagkarating ko sa meeting place namin, wala pa sya doon. Hmm . . . okay lang.

May dumaang dirty icecream kaya naman inilabas ko mula sa bag yung wallet ko para bumili.

"Salamat sa pagbili." Sabi sa'kin ni manong.

Ngumiti ako at tumingin-tingin sa paligid hanggang sa huminto ang mundo ko dahil sa senaryong nakikita ko na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Si Zoid. Kasama nya si Chelsea.

Nakasandal si Chelsea sa puno habang nag-uusap sila. Hinaplos ni Zoid yung pisngi nya at dahan-dahang inilapit ang mukha nya kay Chelsea hanggang sa magdikit ang mga labi nila.

Dahil sa nakita ko, naramdaman kong lumuwag ang kapit ko sa ice cream na hawak ko hanggang sa nabitawan ko yun.

Oo, tama ang iniisip nyo. Umiiyak na naman ako.

Pero ako si Zailie Louise Alvarez. Hindi ko hahayaang manahimik nalang sa isang tabi at kaawan kaya naman nilapitan ko silang dalawa. Hinila ko ang braso ni Zoid paharap sa'kin at sinampal sya ng malakas.

"Bakit mo ko pinapunta dito? Para masaktan lang?" Nung tinignan ko si Chelsea bigla syang yumuko.

Gaya ng madalas, hindi na naman sya sumagot. He was just staring at me without showing any expression.

Pinaghahahampas ko sya sa dibdib. I don't care kung gumagawa na ko ng eksena sa lugar na to.

"Palagi mo nalang ako pinamumukhang tanga!" I wiped my tears with the back of my hand before saying, "Masaya ka ba talagang nakikita akong nasasaktan? AYOKO NA SA'YO!" Tinulak ko sya bago tumakbo palayo.

Wala akong pakelam kahit pinagtitinginan na ko ng mga tao habang tumatakbo. Ang gusto ko lang ay ang makalayo.

Tumawid ako sa kalsada at napahinto nalang dahil nakita ko ang reflection ko sa glass wall ng isang store. Mula sa aking likuran, nakikita ko sa salaming iyon na tumatakbo si Zoid palapit saakin.

Nagslow motion ang paligid hanggang sa itinulak nya ko ng malakas. Nasaksihan kong maigi sa salamin kung gaano nya ako kalakas itinulak na naging dahilan para tumama ang ulo ko sa semento.

Nagulat ako sa nangyari hanggang sa nagdilim ang aking paningin.

As I opened my eyes, all I saw was all white. It was like I am in heaven. Then someone pulled me into a tight embrace.

"Thank you, Lord." Aldrich mumbled, hugging me tighter.

Napansin ko sa gilid si mommy na natutulog. Nakasandal sya sa balikat ni daddy. Nakauwi na pala sya?

Nilibot ko pa ang panangin ko until I had recognized that I was in a hospital again. I wonder kung gaano ako katagal nandito.

I closed my eyes remembering why am I in this kind of place. Nagflashback sa'kin ang lahat. Yung nagkiss si Zoid at Chelsea .... at yung itinulak ako ng nag-iisang lalaking mahal na mahal ko.

Idinilat ko na ang mga mata ko dahil sobrang painful ng memories na yun. Why is he like that? Is he a sadist na tuwang-tuwa kapag may nasasaktan syang tao? He hurt me EMOTIONALLY pati ba naman PHYSICALLY?

Mahal nya ba talaga ako? Mukhang hindi. Dahil kung mahal nya ko, hindi nya magagawa ang lahat ng yun.

"How long I've been here?" Tanong ko kay Aldrich.

"Three weeks and two days."

Three weeks and two days at ngayon lang ako nagising? Naimagine ko tuloy na nag-aagaw buhay siguro ako nung dinala ako dito.

Grabe ka na, Zoid!!

Mahal na mahal kita pero wala kang ibang ginawa kundi ang saktan ako.

Naisara ko nalang ang mga palad ko at hinayaang pumatak ang mga luha ko.

Ganito pala sya. Ibang-iba ang pagkakakilala ko sakanya. Kaya nya palang manakit to the point na pwedeng ikamatay ng iba. Tss. Nagtaka pa ko. Nagawa ngang magsuicide ng bestfriend ko dati dahil sakanya.

But this was a different case. Sinadya nya ang ginawa nya sa'kin. And because of that, hinding-hindi ko sya mapapatawad. Alam kong mahal ko sya pero mas nangingibabaw ang poot at galit na nararamdaman ko.

Sino ba namang matinong tao ang hindi magagalit kung ilagay ka ng isang tao sa kapahamakan?

"Gusto kong makita si Zoid." Galit na sabi ko kay Aldrich.

"Sorry pero hindi pa sya pwedeng------"

"WALA AKONG PAKIALAM! IPAKITA NYO SA'KIN ANG WALANG HIYANG LALAKING YON!"

Through my peripheral vision, nakita kong nagising ang parents ko.

Tinanggal ko yung mga karayom na nakatusok sa'kin at akmang tatayo pero pinigilan ako ni Aldrich.

"Tita, tumawag po kayo ng nurse!"

Nagpapanic naman na sumunod si mommy. Si daddy, tinulungan si Aldrich sa pagpigil sa pagpupumiglas ko.

"ANO BA! BITIWAN NYO NGA AKO! KAILANGAN KONG PUNTAHAN SI ZOID! SASAKTAN KO DIN SYA GAYA NG PALAGI NYANG GINAGAWA SA'KIN!" Nagpapapadyak ako habang sumisigaw hanggang sa dumating ang doctor na may mga kasamang nurse.

May tinurok sila sa'kin na nagpahina ng katawan ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Two weeks had passed after kong ma-discharge sa hospital, hindi ko pa rin nakakaharap ang walang hiyang Zoid na yun.

Hindi ko alam kung sya mismo ang ayaw magpakita o baka naman itinatago sya dahil baka kung anong magawa ko sakanya.

Sobra ko syang kinamumurian. Dahil sa lahat ng pananakit na ginawa nya sa'kin, naging rebeldeng tao ako. Gabi-gabi ako sa bar, natutong uminom, manigarilyo at naging liberated. Sobrang nakakainis dahil masyado akong apektado.

Sya ang lalaking unang minahal ko at ang lalaking sumira ng buhay ko. At naiinis din ako sa sarili ko dahil kahit gaano ko sya kinasusuklaman, mahal na mahal ko pa rin sya.

Ang tanga ko, diba?

Nagsindi ako ng sigarilyo at papasok na sana sa bar kaso may humugot ng sigarilyo sa bibig ko.

I turned around to face who was that mother fckr son of a btch.

At hindi nga ako nagkakamali dahil isang btch talaga ang nasa harapan ko.

"Chelsea. Ikaw pala yan." Boring na sabi ko sakanya atsaka sya sinampal ng malakas. "Oops! Sorry. Matagal ka na kasing gustong sampalin ng kamay na to eh." Winave ko sa harapan nya yung kamay kong ipinangsampal ko sakanya.

"Nakuha mo pang magrebelde habang nasa critical stage si Zoid!"

"Talaga? Nasa ospital sya ngayon? Well, kagagaling ko lang din dun eh." Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad.

"After he sacrificed his life for you ganyan ka sakanya? What kind of person are you?!"

Napakagat labi nalang ako sa inis at muli syang hinarap. "Alam mo, hindi ko alam kung ano yang mga pinagsasasabi mo. He put me in danger and not in good, okay?"

"Pwes, nagkakamali ka."

"Then? Wala na kong pakelam sakanya. Magsama kayo, edi go!" Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na sya. "Wag ka ng magsalita because it doesn't matter to me at all. Besides, sasayangin ko lang ang oras ko sa pakikinig sa'yo."

Pagkapasok ko sa bar, umorder agad ako ng alak at nagpakalasing.

Naalala ko yung sinabi ko kay Chelsea na: It doesn't matter to me at all.

Dmn!

I even said na wala na akong pakialam sa lalaking yun pero bakit nung sinabi ni Chelsea na nasa critical stage sya ay nakaramdam ako ng kaba at pag-aalala. Kung hindi ko lang pinigilan ng sobra-sobra ang sarili ko kanina, baka papunta na ko sa hospital ngayon para kamustahin ang kalagayan nya.

Kainis lang! Bakit ba ganito ako sa'yo? Bakit kahit anong pananakit ang gawin mo sa'kin mahal na mahal pa rin kita?

The next night, naabutan ko si Chelsea sa tapat ng bar at alam kong ako ang sadya nya. Dumiretso nalang ako ng lakad na parang hindi sya nakita. Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko sya nilingon. Instead, binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makapasok ako sa loob.

Ayokong marinig pa yung kung ano man ang sasabihin nya dahil baka hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kay Zoid. Iniingatan kong wag mawala ang galit na nararamdaman ko sakanya, dahil kapag nagpahulog na naman ako sakanya sasaktan lang nya ko ng paulit-ulit.

Halos gabi-gabing nag-aabang si Chelsea sa tapat ng bar at gabi-gabi din akong umiiwas para makausap sya. Pero ito na ata ang gabing hindi ko sya kayang iwasan.

Dahil nung nagsalubong ang mga mata namin ay agad syang lumuhod. Hindi ko magawang umiwas ng tingin sa di malamang dahilan.

Okay, fine! Lalapitan ko sya.

"Ano ba talagang gusto mo?" Tanong ko sakanya nung nakalapit na ako.

Nakaluhod pa rin sya at nakatingala sa'kin.

Laking dagdag sa pride ko neto! Ang isang Chelsea na maganda, mayaman, matalino, sexy at babaeng kahit sino ay talagang mapapalingon kapag dumaan sya ay nandito ngayon sa harapan ko, nakaluhod.

"Gusto kong makinig ka sa'kin. After this, titigilan na talaga kita."

"Dalian mo."

Nagkita kong nagkaroon ng pag-asa ang mga mata nya.

Tumayo sya bago magsalita, "You are definitely wrong in thinking Zoid put you in danger."

"Ayan lang ba ang sasabihin mo?" Hindi sya sumagot kaya naman tumalikod na ako pero mabilis syang pumunta sa harapan ko.

"Makinig ka muna, please."

Nag-cross arms ako at hinayaan syang magsalita.

"Tinulak ka nya para iligtas ka."

"Ganyan na pala magligtas ng tao nga-----"

"MASASAGASAAN KA SANA NG BUS PERO TINULAK KA NYA AT SYA ANG NASAGASAAN!!!"

Natulala ako sa sinabi nya at kusa nalang na tumulo ang mga luha ko.

Nagflashback sa'kin ng buong-buo ang nangyari bago nya ako itinulak.

May narinig akong malakas ng busina at sakto nung itinulak nya ko, nakarinig ako ng malakas at nakakatakot na tunog.

Napatakip nalang ako ng bibig para pigilan ang paghikbi.

I was so stupid! Dmn me! So, all this time nagagalit ako sa taong naglitas sa'kin? Argh!

She held my hands, "Please go and see him." Naluluhang sabi nya.

"Ikaw yung mahal nya, diba?"

Umiling sya. "Ikaw lang ang babaeng mahal na mahal nya. Please, puntahan mo sya. Kahit alipinin mo ko pagkatapos mo syang bisitahin, gagawin ko. Just please . . ." She wiped her non stopped tears before saying, "Pangalan mo ang huling binanggit nya bago sya mawalan ng malay. Please, Zai. Please."

"Gagawin ko."

Nasa tapat na kami sa hospital room kung saan naka-assign si Zoid. Nag-aalinlangan ako kung papasok ako dahil parang di ko kayang makita syang nasa kritikal na kondisyon.

"Go on. I know he was waiting for you." Nakangiting sabi ni Chelsea pero malungkot ang mga mata nya.

Since the accident, hindi pa nagigising si Zoid.

Tumango ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagpasok ko, lalo akong naiyak. Mas masakit pa to sa inaasahan ko.

I sat beside him at hinawakan ang kamay nya. "I'm so sorry." Sabi ko habang umiiyak at idinikit yung palad nya sa pisngi ko.

Ang dami kong gusto sabihin sakanya pero ayaw bumuka ng bibig ko at ang tangi ko lang nagawa ay ang umiyak.

Nabuhayan ako ng loob nang gumalaw yung mga daliri nya sa kamay na hawak ko.

At nung tinignan ko sya, pilit nyang ibinubukas yung mga mata nya.

"Louise ko," nanghihinang sabi nya. Lalo akong naiyak.

Bakit kasi nagpaloko ako sa isang maling akala lang?

I leaned forward and dropped a soft kiss against his then hugged him.

"I love you." Kahit nanghihina ang boses nya, boses nya pa rin ang pinakamaganda sa pandinig lalo na kapag sinasabi nya ang mga katagang yan.

Lumayo ako ng konte para tignan ang mukha nya. Pale face and chapped lips. But still, sya pa rin ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo para saakin.

"I love you, too." Pagkasabi ko nyan ay may pumatak na luha ko sa pisngi nya.

He flashed a weak smile at dahan-dahang nagsara ang mga mata nya. Kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko ay ang tunog ng cardiac monitor.

B-bakit nag-straight ang guhit?

Para ng faucet ang mata ko dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ko.

"ZOID! GUMISING KA, PLEASE!" I yelled, shooking him. "Please . . . Hindi pa ko nakakapagsorry sayo. Mahal na mahal kita! Please, wag ka namang ganyan!" I sobbed.

Niyakap ko sya ng mahigpit habang humahagulgol na ko ng iyak.

Maya-maya, dumating ang mga natatarantang doctor at nurse. Hinawakan ako sa kamay ni Chelsea at inilayo kay Zoid.

Habang sinusubukan nilang i-recover si Zoid, para akong nabingi. Hindi nagpa-function yung pandinig ko at sakanya lang ako nakatingin.

"Sorry." Nakayukong sabi ng doctor at nagtanggal ng surgical mask.

"No!" Inalis ko yung pagkakakapit sakin ni Chelsea at tumakbo palapit kay Zoid at niyakap sya.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
envieve envieve

PLEASE READ THIS NOTE. IMPORTANT.

In every 20 comments and reviews, I will update a chapter. Let's help to make this story be chosen for Webnovel Spirity Awards.

Kapag napili po, pinapangako ko na ire-revise ko itong story at magdadagdag ako ng scenes gaano man ako ka-busy. Mark my word.

So please vote, comment and post a review. Thank you. ❤

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C80
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập