Sophi's POV
"Salamat sa paghatid, Dwayne."
Ang haba ng hair ko. Hinatid ako ng 'soon-to-be-boyfriend' ko. Hihi *u*
"Okay. Labas na."
Eh? Pinagtatabuyan ako? Hehe.
Lumabas na 'ko ng kotse nya at....
O____O
"Mama? Papa? Vhaira? Yaya? Bakit gising pa po kayo?" Nagtataka kong tanong sakanila.
Anong oras na kaya! Mga nakatayo pa sila horizontally na nakatago sa likod yung mga kamay nila. Mga ang lalapad pa ng ngiti. Ganito oh ... (^______^)
Imbes na sumagot, dahan-dahang inilabas ni mama yung kamay nya na kanina ay nakatago sa likuran nya. May hawak syang papel na may nakasulat na 'CAN'. Sumunod naman si Mama. May hawak din syang papel na may nakasulat na 'YOU', then si yaya naman ang sumunod. Yung papel na hawak nya ay may nakasulat na 'BE'. Lastly, yung kapatid ko na may nakasulat na 'MY'.
Binasa ko ulit yung papel na hawak-hawak nila mula kay mama hanggang kay Vhaira.
CAN-YOU-BE-MY...????
"Sophi....."
Nyaaaay... Alam ko kung kanino nagmamay-ari ang boses na yun >/////<
Dahan-dahan akong lumingon at nakita syang may hawak na isang pirasong rose at may nilabas din syang papel galing sa bulsa ng tux nya.
Nakatupi pa =____=
Nang nabuklat na nya yun, hinarap nya sa'kin yung papel na may nakasulat na 'GIRLFRIEND?'
O____O
OMO. Totoo ba ang lahat ng ito?
"Dalaga na rin sa wakas ang dalaga ko! Hihihi." Narinig ko pang sabi ni mama na kinikilig.
"Can you be my girlfriend, Sophi?" Tanong nya, sabay bigay sa'kin ng rose.
"P-pero... diba, si Zailie ang gusto mo?" Tanong ko sakanya kaya kumunot yung noo nya.
"Zailie and I are just a good friends. Nothing else. Ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba. Sorry kung hindi ko nasabi dati pa." He paused then tumingin sa malayo. "Na-to-torpe kasi ako when it comes to you." Kinikilig siguro yan! Haha. Humarap na ulit sya sa'kin. "Besides, yayayain ba kita sa mall para mag-date kung hindi kita gusto? Scratch that. Hindi naman talaga gusto eh."
"Huh?"
"Hindi kita gusto kasi mahal kita. Kaya sagutin mo na 'ko." Ngumiti sya.
"Go, anak! Dati mo pa naman pinapantasyan si Dwayne diba? Wag mo ng pakawalan!"
"Mama!"
"Ang tagal." -___-
"Abah! Sa lahat ng nanliligaw, ikaw yung reklamador! Haha."
Tumawa din sya tapos nilapitan ako at hinawakan yung dalawa kong kamay.
I nodded.
"Yes?" Tanong nya.
Tumango ulit ako.
"I wanna hear it."
Demanding ang loko? Hehe.
"Yes!" I answered.
"I love you, baby."
Naka ng! May endearment agad! Haha.
"I love you too, baby."
Zai's POV
"Haha. Ang ganda ko dito."
Nasa living room kami ni Zoid sa bahay namin. 1am na kaya kami lang ang nandito sa baba.
Tinitignan kasi namin yung mga pictures namin kanina.
"Zoidie, look! Ang pogi talaga ng daddy mo." Sabi ko sa bear na
"Hmm-mmm. Zoidie. Junior ni Zoid. Haha."
"Tss." Umiling-iling nalang sya.
"Ang daming pictures. Matutuwa si daddy nyan."
"Mas matutuwa ang daddy mo kasi okay na tayo."
"Sus. Close kayo? Di pa nga kayo nagmi-meet eh."
Nag-smirk lang sya. Weird nito >„<
"Maboy..."
"Hmmm?"
"Para akong nasa fairytale kanina. Thank you sa surprised. Walang-wala yung ginawa kong effort sa ginawa mo." Nagpout ako.
"Tss. Mas gusto ko ang ginawa mo. Ginawa mo kasi ang bagay na hindi mo talaga ginagawa para sa'kin. You have no idea how much I am surprised on what you did. Napatunayan ko sa sarili ko kung gaano mo 'ko kamahal and I am so thankful about that."
Wala akong masabi. Niyakap ko nalang sya ng mahigpit.
I am so much lucky to be love by this guy.
"Uuwi na 'ko." Bigla nyang sabi.
Napaangat ako ng tingin pero hindi kumakalas sa yakap nya. "Maya na."
"Hindi pwede. Anong oras na, oh! Besides, masyado kitang na-miss."
"Yun naman pala eh. Mamaya ka na umuwi."
"Di nga sabi pwede. Baka.....
Baka...
maging tunay si Zoidie."
"Huh? Di ko gets!"
Nag-isip ako tungkol sa sinabi nya na 'baka maging tunay si Zoidie.'
Hanggang sa....
ASDFGHJKL ...
>/////////<
"Ang.....
ANG PILYO MO, ZOID!!!" Hinampas ko sya sa braso. "N-nagbibiro ka lang, diba?" tanong ko.
"No, I'm not. I'm serious, Louise ko." Sabi nya ng pa-cool. "Sobra kitang na-miss kaya baka di ko mapigilan yung sarili ko." Dagdag pa nya.
"Zoid!"
"Maboy or Louie ko." He corrected.
"Umuwi ka na nga!" >o<
"Haha. Nakakatawa ka talaga. Okay, uuwi na 'ko." Sabi nya saka tumayo.
Sinamahan ko syang maglakad hanggang paglabas ng gate.
"Say goodnight to daddy, baby Zoidie" Ginesture ko pa yung kamay ni Zoidie sa harap ni Zoid.
"Crazy." Sabi nya.
"Crazy for you. Hihi."
He chuckled then leaned forward.
He kissed my forehead then got inside on his car.
Pinanood ko lang yung kotse nyang makaalis hanggang sa nawala na sa paningin ko.
*continuation*
Months had passed...
Naka-graduate na kami ng highschool and I am so proud to tell you na valedictorian ako. Si Zoid, third honorable mention at fifth naman si Yat.
Si Sophi at Dwayne?
Ayun, couple na din. Yiie~ I'm so happy for them. Dati ko pa alam na may gusto si Dwayne kay Sophi. Hindi ko lang sinabi sakanya kasi hindi magiging romantic kung sa'kin maggagaling yun.
Bigyan ko kayo ng flashback
*** Flashback ***
"Diba kaibigan mo si Sophi?" Dwayne asked out of the blue.
Tatlo lang kaming nandito sa classroom. Ako, si Dwayne na katabi ko at si Zoid na tahimik na nakaupo sa armchair nya which is sa unahan ko.
Himala nga eh, hindi nya kasama si Chloe.
Loner ako ngayon. Galit nga kasi sa'kin lahat, diba?
Tsk. Epal kasi yung Chloe na yun -.-
Loner tuloy ako T^T
"Oo. Kaibigan ko sya. Bakit?" Tanong ko.
Magsasalita na sana sya kaso biglang dumating si Chloe kaya napahinto sya. Pero nagsalita din naman ulit sya. "Pwede bang...." Napakamot sya sa batok nya.
"Pwede bang ano? Pa-suspense lang ang peg, Dwayne?"
"Kasi ano.... I ... I want to court her."
O______O
*** End of Flashback ***
First reaction ko talaga ay na-shock, then bigla akong kinilig sakanila. Pareho pala silang may HD sa isa't-isa. Hihi. Isn't it that's so cute? :3
Then, si Chloe?
Ayun, babe pa rin ang tawag kay Zoid. Tsk. Nasanay na rin naman ako eh. Atsaka, hindi ako nagseselos.
Oo nga! Kasi may CeeJay na sya. Hihi :">
Nakakatawa kaya silang dalawa. Kapag nakaharap kami, inaaway nya lagi si CeeJay. Pero kapag nakatalikod kami, mahuhuli nalang namin sya minsan na ang sweet kay Ceejay. Haha. Spell, adik?
C-H-L-O-E
At si VJ at Yat?
Pffffttt... Ahahaha.
Natatawa ako kapag naiisip ko.
Pa'no, nasa ligawan stage pa rin! Naka ng teteng! Haha. Pinanindigan ni Yat yung sinabi nyang papahirapan nya si VJ.
Pero ayos lang. Para naman kasing sila na eh. Madalas sumusimple si VJ ng hawak sa kamay nya, hindi naman sya umaangal. Oha? Pakipot pa ng konte eh *u*
At kami ng Maboy ko?
Eto, gabing-gabi na magka-video chat pa rin. Haha. Ganito kami lagi although maghapon sya sa bahay.
Oooppsss. I almost forgot. Bumalik na si Daddy sa Korea. Miss ko na sya :<
Summer vacation na ngayon, kaya madalas kaming magkasama ni Zoid pati na yung buong barkada. For sure kasi, magiging busy na kami sa college.
Okay, as I was saying magka-video chat kami ni Zoid.
*yaaaaaaawn*
(Inaantok ka na, Louise ko?) Tanong nya. Naka-white long sleeve pa sya tapos gulo-gulo yung neck-tie. Halatang nagmamadaling tanggalin yung coat.
Galing kasi sya sa debut ng ate ni VJ. Nandun silang lahat except me. 1st birthday kasi ng pamangkin ko (mother's side) Kaya kailangan nandun ako. Magtatampo buong angkan ko kapag wala ako dun.
"Hindi pa. *yawn*"
(Don't lie, Louise ko.)
"Hehe. Medyo. Pagod lang 'to."
(Matulog ka na.)
"Mamaya na. Ka-chat pa kita eh."
(May bukas pa.)
"....."
(Hindi pa naman ako mawawala eh.)
Hindi PA mawawala. <////3
I know may meaning yung sinabi nyang yun, and it hurts me a lot. Pero hindi ko pinakita sakanya yun.
(Wait lang, Louise ko. Magbibihis lang ako.)
Tumango nalang ako.
Maya-maya...
>/////<
(/___\)
Agad kong tinakpan yung dalawang mata ko.
MAGBIHIS BA NAMAN SA HARAP NG CAM! Lels.
(Bakit ka nagtakip ng mata, Louise ko?) Narinig kong sabi nya.
Di ko makita yung face expression nya kasi nga may takip yung mga mata ko. Pero pustahan, naka-ngiting nakakaloko yan! Ganun naman lagi eh -.-
"B-bakit ka kasi sa nagbibihis sa harap ko? Umalis ka nga dyan." Sabi ko at dahan-dahang naglagay ng gap between my fingers.
Lels~ nakikita ko ang 6 pack abs. Trolololol~
(Kunyari ka pa. May patakip-takip pang nalalaman. May gap naman.)
Ehhhh~ HALATA BA? WAAAAA~ So embarassing!
Tutal, buking na 'ko ,... tinanggal ko na yung pagkakatakip ng kamay ko sa mata ko.
Topless sya ngayon
DRooooooLS (*__*,)
Tumayo sya... tapos...
D-don't
Don't tell me!!!
DON'T TELL ME MAGPAPALIT SYA NG PANTS SA HARAPAN KO~~~~
"MABOOOOOOY!!!!" Sigaw ko sa cam. Wala na 'kong paki kung magising si mommy sa kabilang kwarto.
Tumawa lang sya ng tumawa.
Pasalamat ka, nasa loob ka ng laptop!
Magkaroon ka ba naman ng ganitong klaseng boyfriend =____=
(Bakit ka sumigaw, Louise ko? AHAHAHAHAHA)
"Leshe ka, maboy ah! Umayos ka nga!"
(Magulo ba 'ko? Magpapalit lang ako ng PJs eh. Ahahahahaha)
"Wag ka magpalit sa harap ng cam."
(Masanay ka na. Magiging ganito ako palagi kapag kasal na tayo.)
"Eh, hindi pa naman tayo kasal eh."
(Tss. Dun din naman punta natin eh.)
"Isa!"
(Magpapalit lang ako, ah! Stay still. Aahahahhaha.)
Leshie!!!! Nagtakip nalang ako ng mata ko nang WALANG GAP! Naririnig ko pa rin sa speaker yung lakas na tawa nya.
Maya-maya, nawala na yung sounds ng tawa nya, kaya dahan-dahan kong inalis yung kamay ko na nakatakip sa mga mata ko.
Ehhhh?
Asan na yun?
Nilapit ko yung mukha ko sa screen ng lappy. Baka nagtatago kung saan..
(BOOO!)
"AYY PUSHANG GALA!"
Mabilis na napalayo yung mukha ko sa lappy. Grrr. Talaga naman! Pasalamat kang Zoid ka!
Mahal kita :3
(I'm back, Louise ko. Nagulat ka?)
Naka-black na sando na sya ngayon tas PJs. Hindi naman pala tinuloy yung pagbihis sa harapan ko. Tsk. Sayang.
OY! JOKE YUN, AH!
Hahaha.
"Tinatanong pa ba yan?" Tanong ko sakanya nang nakataas ang isang kilay ~___^
(Hahahaha. Oo nga, noh? Nakakatawa nga yung face expression mo kanina eh! Ahahahaha.)
"Wag masyadong masaya, maboy."
Baka... baka... tss... NVM
(Hehe. Oo na po.)
Silence...
(Louise ko, may tanong ako sa'yo.)
"Ano yun?"
(Ano sa Korean yung date? As in date para sa couple.)
"Deitue?"
(Really? Niyayaya mo ko sa date, Louise ko?)
"H-huh? Tinatanong mo ko tap----"
(Okay lang yan, Louise ko. Wag ka na mahiya. Mahal naman kita eh. Makikipag-date ako sa'yo. Muah) At nag-gesture pa sya ng 'muah'
"T-teka,, di naman kita niyayaya for a dat----"
(Matulog ka na, Louise ko. Nagyaya ka mag-date kaya dapat prepared na prepared ka bukas. Dahil niyaya mo ako sa date, my treat. I love you, Louise ko. Sleep ka na. May date pa tayo bukas. Muah :*)
"Teka sandali------"
Wala na. Offline na sya. Tsk.
Ayos yung maboy ko, ah? Para-paraan? Haha.
Ni-refresh ko yung laptop, then pintay na.
Humiga ako sa kama. Inangat ko yung katawan ko nang maramdaman kong may bagay akong nahigaan.
Si Zoidie ^___^
Niyakap ko sya tapos binuhat pataas.
"Bakit ba ang kulit-kulit ng daddy mo, huh?"
Ginalaw-galaw ko yung kamay nya.
"Buti ka pa, ang tahi-tahimik mo! Hahaha."
Niyakap ko si Zoidie ng mahigpit.
'Hindi pa naman ako mawawala eh.'
Automatic na may luhang bumagsak galing sa mata ko.
"Ang dali mo 'kong pakiligin, ang dali mo rin akong paiyakin, maboy."
Pinikit ko yung mata ko, pero ramdam ko pa rin ang patuloy na pag-agos ng luha ko.
Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ko.
Pa'no pa kaya kapag nangyari na?
Hindi ko kakayanin.
Niyakap ko lalo ng mahigpit si Zoidie hanggang sa nakatulog na ko.
Ano FB nyo? Add ko kayo ?