"Hmm... Bagay kaya sa 'kin 'to?" sabi ni Mika habang abala sa pagpili ng damit.
"Pero... parang mas okay 'to..." sa sobrang dami ng nakikita niya ay nalulula siya kung ano ba ang pipiliin niya.
"How about this one?" kausap pa rin ang sarili na sambit ni Mika. May gaganapin kasing conference meeting sa office nila kaya naman abala siya sa pagpili ng susuotin niya. Hindi kasi ito usual na meeting lang. May bali-balita na gwapo raw ang bagong intern nila. At bukod pa roon ay competitive, approachable at matalino raw ang lalaking iyon. 'Hindi siya puwedeng magpatalo, kailangang presentable siya,' sabi niya pa sa sarili.
"Wow, this one looks nice!" tuwang-tuwang sabi niya nang makita ang dress na gusto niya. Dali-dali siyang pumunta sa fitting room at agad na isinukat ang damit saka tinitigan ang sarili sa salamin. Hapit na hapit ang damit na ito sa katawan niya na bumakas pa ang seksing hubog ng katawan niya. Lalo pa nitong nadagdagan ang pagkaputi ng kanyang balat sa kulay nitong dilaw. Matapos niya itong maisukat ay agad siyang pumunta sa counter para i-check out ito at bayaran.
"Miss, I'll get this one." nakangiting sabi niya sa cashier sabay abot ng pinamili. Tumango naman ang cashier at kinuha ang dress. Pag key-in nito sa POS machine nila ay agad na sinabi ang presyo sa customer.
"Ma'am, It's 10,000.99 pesos po." nakangiting sabi ng cashier at bahagyang yumuko pa bilang paggalang sa customer.
"What?" nanlalaki ang mga matang napasigaw ang customer sa narinig.
"It says there, it's only 5,000.00 pesos. Can you double check please?" naiiritang sabi niya sa cashier. Agad namang nagre-check ang cashier. Pero nakita niyang pareho pa rin ang lumabas. Nilingon niya ang kasamahan niya upang tingnan kung hindi ito abala sa ibang customer. At para na rin humingi ng tulong dahil naiirita na ang customer.
Alam niya na ano mang oras ay magwawala na ito. Pero may kausap pa ang kasamahan niya kaya muli niyang sinubukang tingnan ang presyo.
"Ma'am, It's really 10,000.99 pesos po." sagot muli ng cashier na medyo natataranta na dahil sa pagsigaw ng customer.
"What do you mean it's the same? Can't you see? It's on sale!" mas lumakas pa ang boses ng customer kaysa kanina. Nang mapansin naman siya ng kasamahan niya ay agad siya nitong nilapitan. Sa pagkakataong ito ay ang kasamahan naman niyang cashier ang nagre-check sa item.
"Ganoon pa rin po ang presyo, ma'am." sagot nito nang masigurong tama ang lumabas na presyo sa machine nila.
"I'm sorry po, ma'am. Natapos na po kasi ang sale ng item na ito. And last day na po yesterday. Pasensya na po kasi hindi po naalis agad ang sale tag price." pagpapaliwanag nito habang humihingi ng paumanhin sa customer. Kalmado lang ito kumpara sa kasamahan niyang bakas ang pagkataranta sa nangyayari. Halatang sanay na ito sa mga katulad ng ganitong klase ng customer. Sa halip naman na intindihin ng customer ang tinuran ng huli ay mas ikinagalit pa nito ang paliwanag sa kanya.
"What? That's such a stupid reason." inis na sigaw ng babaeng customer. Nagpanic namang muli ang cashier na kanina pa namumula ang mga mata sa narinig at ano mang oras ay mukhang papatak na ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Ma'am, we're really sorry for what had happen po." kalmado pa ring sabi ng isang cashier habang inaayos ang dress sa hanger para maibalik sa istante. Inis na inis na sumigaw namang muli ang customer. Hindi na yata ito nakakaintindi ng ano mang paliwanag at paumanhin.
"That is so stupid! Don't you give me that stupid reason? You are so stupid! I would like to talk to your manager!" lahat ng salitang namutawi sa labi ng babaeng customer ay pasigaw.
Tila nanginginig pa sa galit na tinitigan nito ang mga cashier. Mula naman sa isang pinto sa loob ng shop ay lumabas ang isang lalaking may katangkaran. Mukhang galing ito sa loob ng opisina o kung saan man sa loob ng shop. Bakas ang kagwapuhan nito na animo'y isang modelo. Napakalakas ng dating nito na halos napalingon ang lahat ng tao na naroon sa loob.
Bumango rin lalo ang loob ng shop na dala ng lalaking ito. Sa tantiya niya ay isa itong empleyado ng shop na may mataas na katungkulan. Nakasuot ito ng coat and tie suit. Kapansin-pansin na sabay-sabay na nagtinginan ang mga tao sa shop. Kahit ang mga customer na kausap ng iba pang cashier ay napalingon dito.
Dahil na rin sa lakas ng dating nito ay walang hindi mapapalingon dito. Parang isang adonis na nahulog mula sa langit. Lumapit ito sa dalawang cashier na ang isa ay kanina pa nagluluha ang mga mata. Ang isa naman ay tila hindi apektado sa nangyayari at kalmado lang. Kanina pa rin kasi nito naririnig ang ingay sa labas ng kinaroroonan nito. Kaya hindi na nito napigilang lumabas at maki-alam.
"What's happening in here?" tanong nito sa mga cashier. Agad namang sumabat ang customer na nagpupuyos sa galit.
"Itong mga stupido mong mga empleyado. Hindi yata na-train ng maayos." sigaw pa rin ng babaeng customer na may panduduro pa sa mga cashier. Sa kabila ng kagwapuhan at kakisigan nito ay hindi pa rin nakalimutan ng customer ang inis na nararamdaman niya.
"We are really sorry for what had happened, Miss. How can we help you?" kalmadong tanong ng lalaki habang inaayos ang kwelyo ng pink na polo niya.
"I don't need a stupid reason why, when she punched in the item. She told me a different price. Well, in fact, it's on sale!" pasigaw pa ring saad ng customer na ikina-inis ng lalaki. Makailang beses na nitong dini-degrade ang mga empleyado. At sa pagkakataong ito ay dinuro pa kaya nag-init ang kaninang kalmado nitong isip.
"Miss. First, we do not tolerate these kinds of actions for our employees. And second, I heard na nag-apologized na ang mga empleyado namin." iritable pero pinili pa ring kumalma na sabi ng lalaki habang nakatingin nang mata sa mata dito.
"They are all stupid. Hindi sila nag-update ng maayos. If only… if they're doing their job, then it won't happen." bakas ang nginig sa labi ng babae sa sobrang inis. Nanginginig rin ang kalamnan nito.
"Miss… As I said, nagsorry na ang mga empleyado namin. And hindi mo sila kailangang tawagin na stupid. They have admitted their mistakes. Kung maayos niyo lang kaming kakausapin puwede naman namin ibigay in a discounted price ang item na gusto niyo." sagot naman ng lalaki na pilit kinakalma ang sarili sa nagwawalang kaharap.
"Are you insulting me?" angil nito na bahagyang lumapit pa sa lalaking kaharap.
"Do you think I can't afford to buy this dress?" dugtong nito na galit na galit sa insultong pananalita ng kaharap.
"Ayun naman pala eh, so what's the problem then?" sarcastic na sagot ng lalaking pilit pa ring pinakakalma ang sarili pero hindi na talaga niya napigilang maging sarcastic. Pakiramdam niya ay uminit ang paligid sa namumuong tension sa pagitan nila ng babaeng kaharap. At dahil sa sagot niya ay lalong nainsulto ang customer. Bakas ang galit sa mga mata nito.
"This is unacceptable! Customer ako dito! I'm gonna tell all my friends not to buy in this shop! And I'll make sure na wala nang bibili sa shop niyo!" hindi mapigilang sigaw ng babae na dinuro-duro pa ang lalaking manager. Hindi naman pumayag ang lalaki na tratuhin siya ng ganoon ng babaeng kaharap kaya agad niyang hinawakan ang kamay nitong nakaduro sa kanya.
"Sinabi nang we do not tolerate this kind of treatment. Since hindi kayo nakikipag-cooperate at ayaw niyo ng suggestions namin and not even accepting it. It's better for you to leave. Or should I call the guard to escort you outside this shop?" mainit ang ulong sabi ng lalaki na hindi na nakapagtimpi ng inis sa customer na kung makapanduro ang akala mo'y nabili na niya ang buong shop.
"Hindi na kailangan pa! I know my way out!" pasigaw pa ring sagot nito sabay hila sa kamay niya. Pagkatapos ay tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Tinandaan ang pagmumukha ng lalaking nambastos sa pagkatao niya.
"Yon naman pala e. Then, anong hinihintay mo?" sagot ng lalaki sabay turo sa glass door exit ng shop. Gigil na gigil namang agad na lumabas ang customer at nag-walk out. She then started calling all her friends. Telling them what had happened to her in that shop. She told them not to buy in that shop because of the manager's rude attitude.
Samantala sa shop naman ay pinakakalma ng isang cashier ang kasamahan niya dahil sa kahihiyang inabot sa salbaheng customer na hindi naman pala bibili. Nang makalapit ang lalaki sa mga cashier ng shop ay agad na nagpasalamat ang kalmadong cashier dito.
"Thank you po, Sir Alfonso. Kung hindi po kayo dumating ay baka po hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang reklamo ng customer na 'yon." sabi ng cashier na ngiting-ngiti sa kaharap.
Bukod sa kagwapuhan ay napaka-matulungin pa ng anak ng may-ari ng mall na pinagtatrabahuhan niya. Napakabait talaga nito at napakagwapo pa.
"Marcus na lang. Hindi niyo naman ako boss e. Si Mr. Ferdinand ang boss niyo. Anyway salamat sa pagiging kalmado niyo kanina despite the situation." ayaw niyang ituring siya ng mga ito na boss lalo pa at hindi naman siya ang may-ari ng shop na ito. Lalong-lalo na ang mall na kinaroroonan ng shop.
Siya kasi ang pinaka-cool na anak ni Mr. Ferdinand Alfonso. Ang may-ari ng Moonway Pyramid Mall. Kung saan ay kasalukuyan siyang nagsusukat ng susuotin niya for his first day as an intern sa isang company. At ang company naman na iyon ay pagmamay-ari ng ninong niyang si Mr. Federico Lopez ng Lopez Fashion Designing Company (LFD Company).
"Thank you, pa rin po kasi tinulungan niyo po kami kahit na hindi niyo po trabaho 'yon." sabi naman ng cashier na nagpapa-cute pa rin sa lalaking kaharap.
"At isa pa po, nakaleave po kasi ang manager namin ngayon and ako po ang in-charge sa shop for the meantime." sabi pa nito habang nakatitig sa suot ng anak ng may-ari.
"Iyan na po ba ang napili niyong suit? Tulungan ko na po kayong ilagay sa shopping bag." tila kinikilig pang saad muli ng cashier.
"Yes, please. Salamat." nakangiting sagot ni Marcus at agad na pumasok sa fitting room para magpalit ng damit.
Ang taray naman ng customer na yan. Ano kayang dahilan niya at sobra sobra ang galit na naramdaman niya sa maliit na bagay na yon, samantalang siya ang isang klase ng tao na talaga namang mahaba ang pasensya. Oo strict siya pero never siyang nang insulto ng tao kailanman sa buhay niya... Ngayon lang.