Tải xuống ứng dụng
17.77% Looking Over You (Tagalog) / Chapter 5: CHAPTER 5: First Day

Chương 5: CHAPTER 5: First Day

MAAGA palang ay nakahanda na ang mga gamit ni Ehna, nandon din ang kaniyang Inay na hinihintay siyang umalis, Habang kanina pa umiiyak ang kaniyang kapatid na si Lindsey dahil hindi nito matangap na aalis na ang kaniyang Ate, sanay kasi ito na lagi siyang kasama. Habang ang pangalawa niyang kapatid na lalaki na si Luis ay na sa paaalan na, balak pa nga nito na hindi muna pumasok para ihatid ang kaniyang Ate pero tumangi siya.

"Anak, magiingat ka don hah? Lagi kang tatawag" paalala ng kaniyang Inay, kanina pa nito siya pinapaalalahan na magingat at laging tumawag.

"Oho Inay, pangako" sabi niya, lumapit naman siya kay Linsey.

"Lindsey? Wag ka ng umiyak, saglit lang si ate don, Pangako uuwi ako pag Linggo. Papasalubungan kita ng laruan" nakangiti niyang sabi dito.

Unti unti naman itong tumigil saka pinahid ang mga luha nito. "Pr--Promise mo yan Ate hah" humihikbing sabi nito

"Oo naman" sabi niya at saka niyakap ang kapatid. Saglit pa ay dumating na ang tricycle na hinihintay niya at saka sumakay na siya.

ILANG mabibigat na buntong hininga pa ang pinakawalan ni Ehna bago tuluyang pumasok sa Hacienda Mondrian. Kanina pa siya kinakabahan sa hindi mawaring dahilan, parang sasabog na ang dibdib niya.

"Ikaw na ba si Ehna?" tanong ng isang maid ngunit kapansin pansin na kakaiba ang kulay ng kaniyang uniporme sa ibang mga maid sa Hacienda. Pansin niya din ang pagiging masungit ng aura nito, pero sinawalang bahala niya na lang.

"Ahh—Opo, Ako nga"

"Sumunod ka sakin" blankong sabi nito saka umalis.

Palinga linga siya habang nagmamasid sa paligid, Hangang-hanga siya sa kagandahan ng Hacienda, modern style ang mansion. Ang daming magagandang painting sa bawat sulok nito. Pero isang painting lang talaga ang umagaw ng pansin niya.

Isa iyong painting ng babae, isang magandang babae. Hindi ko siya kilala pero sigurado akong mahalaga kay Don Antonio ang larawan ng babae.

"Ito ang magiging kwarto mo, makakasama mo dito si Mika, kayo na bahala mag usap tungko sa paghahati ng kwarto" sabi nito at saka humarap sakin.

Sa totoo lang ay maayos at maganda naman ang kwarto, masiyado itong malaki para sa isang katulong pero, hindi na siya nagtaka pa. Malaki ang Haciendang ito para sa mga katulad nila.

"May tanong ka ba?"

Nagbaling siya ng tingin at saka ngumiti "Wala na po, maraming salamat" sabi niya pero hindi manlang ito gumanti ng ngiti at saka umalis.

Hindi nalang niya ito pinansin pa at dinala ang maleta niya sa kwarto para ayusin na iyon.

Ilang saglit pa ay may nagbukas ng pinto, iniluwa nito ang babaeng kung tatansyahin niya ay kaidaran niya lang sa isip niya ay malamang ay iyon na nga si Mika.

"Hi! Ikaw ba yung bago?" tanong ito at saka umupo sa tabi niya, magaan ang loob niya sa babae kaya nginitian niya ito.

"Oo, ako si Ehna Mianna, ikaw?"

Magiliw na hinawakan siya nio sa kamay "Ako si Mika, isa din akong katulong dito. Ako ang naka assign sa kusina! Mabuti nalang at may makaksama na ako sa kwarto"

"Masaya ako at ikaw ang makaksama ko sa kwarto" nakangiti niyang tugon.

"Nga pala, pag pasensiyahan mo nalang si Gina, ganon na talaga iyon. Siya ang pinaka matagal dito, matagal na siyang nag lilingkod sa mga Mondrian, Simula noong ma balo siya" paliwanag si Mika.

"Ganoon ba, ang aga niya yatang mabalo"

"Oo, namatay sa cancer ang asawa niya kaya dahil sa sobrang lungkot ay nagpaka busy nalang siya, Hindi naman talaga siya dating ganyan, mabait talaga si Gina dahil lang siguro sa nakaraan niya kaya siya nagka ganon, Nako pasensya na ang daldal ko talaga, hehehe"

"Ah, Gano ba. Eh, ikaw? Nag aaral ka pa ba?" tanong niya naman.

Biglang nalungkot ang mukha nito, pero manandalian lang ngumiti muna siya bago sumagot. "Hindi na, Ulila na kong lubos eh, ang mga Mondrian na ang pamilya ko, nagpapasalamat talaga ako kay Don Antonio dahil kinupkop niya ako, Labing lima palang ako noon, Mag bebente na ako sa isang buwan"

"Ganon ba, huwag kang mag alala, hindi kana mag iisa. Lagi lang akong nandito kung gusto mo ng kausap Mika" sabi niya na kinaliwanag ng mukha nito.

"Maraming salamat Ehna~"

PALUBOG na ang araw na ngunit abala pa din si Ehna sa pag didilig sa Hardin ng Hacienda, Kanina ay manghang mangha siya sa gaganda ng bulaklak na nadoon, naalala niya ang mga tanim niyang bulaklak sa likod ng bakuran nila, Kanina ay tumawag na siya sa Inay niya, maayos naman siya doon kaya napalagay ang loob niya.

Dahil sa lawak ng Garden ay inabot na tuloy siya ng hapon sa pag didilig nito, pero ok lang sa kaniya dahil masaya naman siya sa pag didilig nito.

Kagabi ay umalis na ng bansa si Don Antonio, pero nagtataka siya dahil hindi niya pa nakikita ang aalagaan niya, sabi sa kaniya ni Mika ay mamayang gabi pa daw babalik dito sa Hacienda ang anak ni Don Antonio.

Dahil sa pag iisip niya ay hindi niya namalayang may tao pala sa harapan niya kaya naman nabasa niya ito gamit ang host ng tubig.

"What the hell are you doing!? Damn" sigaw ng lalaki na kinatakot niya. Nakakatakot naman talaga ang boses nito.

Agad namang nagsitakbuhan ang mga katulong ng Hacienda kaya lalo akong kinabahan. Maging sila din ay hindi makapaniwala ang mukha. Na parang natatakot ang mukha.

"Senyorito Zion, pagpasensiyahan nyo po, baguhan lang po siya dito sa Hacienda" mabilis na sabi ni Mika, habang ang iba naman ay kumuha ng tuwalya at ibinigay dito.

Lalo siyang nalamig sa takot dahil sa narinig"Ahh—Pasensiya na po, hindi ko po kayo napansin" nauutal na sabi niya.

"I don't accept your goddamn excuse!" bulyaw nito sa kaniya at nagsimula ng maglakad, ngunit napanganga siya ng malaman na nangangapa ang binata, Habang may hawak itong tungkod.

He's blind?

------------------------------------


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
iamjewelrie iamjewelrie

I wanna know your reaction ‘bout this chapter guyss~

Whaaa~ Sino bet niyo sa dalawang Mondrian?

Dyner o Zion? Comment na yan Dali!

Don’t forget to Vote and Comment! Enjoy reading!

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập