Tải xuống ứng dụng
12.12% Hello, Seatmate / Chapter 2: Two

Chương 2: Two

Enjoy reading.

-----

Chapter 2

"How was your first day?" Tanong ni Tita Lucy sa harap ko habang kumakain sa hapag.

Binigyan ako ni Manang ng Juice sa aking tabi. Ngumiti ako at nagpasalamat. Pinoys are really hospitable. I agree with my Mom and Yerin. I don't know if I have that personality. Lol. Meron yata, pero 'di pa lumalabas.

Napatingin ako kay Tita na nasa tabi. Napanguso ako nang maalala ang kabaliwan kanina ng Perez na iyon. "I don't know. May nakilala ako kanina. Nakaka-inis na lalaki." Tinignan ko ang aking pagkain at itinusok ang hotdog sa pasta. Pero hindi ko kinain dahil naalala kong diet pala ako. Sumimsim nalang ako ng Juice na binigay ni Manang. And it taste delicious, napatingin ako dito. I think it's buko juice.

Hindi naman ako ignorante, dahil I already taste this Juice doon sa Korea. Pero dito, may inihalo silang gatas para mas lalong sumarap dahil ang tamis.

Narinig kong humahalakhak si Tito Leo at Ate Bianca sa tabi. "Baka, gusto ka lang maging kaibigan 'non Tiana." Umiling-iling si Ate Bianca at sumimsim sa kaniyang Juice.

"Don't be so harsh on him, darling." Ani ni Tito at tumayo. Inayos niya ang kaniyang polo. "Aalis na kami papuntang Colorado." Are they on a Business trip? Just like my Dad na minsan ay aalis. Pag umuwi naman, ang busy parin.

Tumayo rin si Tita at pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang table napkin. "Bianca, take care of your little sister." Aniya.

"Yes Mom." Sagot ni Ate. Napangiti ako, I'm happy to be with them. Really. Para ko na rin silang tunay na pamilya. And they are really sweet and thoughtful. Namimiss ko tuloy si Mom.

Tumayo si Ate Bianca at sumunod rin ako sakaniya. Nakita kong nakatayo sina Tita at Tito sa labas, at ipinasok ng kanilang driver ang mga bagahe sa loob ng kanilang sasakyan. Ang dami nilang bagahe. I wonder how many days sila mag stay doon. But I don't mind dahil nahihiya akong magtanong.

Pinuntahan namin sila at yinakap. "Goodbye po." Paalam ko sakanila. Hinalikan nila ako sa pisngi pati narin si Ate Bianca.

Ngumiti si Tita sakin. At ginulo ang buhok ko. "Take care, okay? Don't do anything stupid."

Napanguso ako. "Yes, tita." Naramdaman kong inakbayan ako ni Ate at parang yinakap na ako. Ginulo rin ang buhok ko, napatawa ako. Like Mother like Daughter.

"Don't worry Mom. I will take good care of her." Aniya. I really feel like floating in the air. My parents are not really sweet to me but still they are caring for me.

Nang nakaalis na sina Tita at Tito ay dumeritso ako sa aking Kwarto. Habang si Ate Bianca ay pumunta muna saglit sa kaniyang Boutique. Dahil sabi niya sakin may dadating na Products. And she's really excited to see it. Isasama sana niya ako pero sinabi ko nalang na may gagawin akong importante.

She's one of the famous Fashion Designer I've known. Dahil ipinakita na niya sakin ang kaniyang gawang designs. I wonder if she has a Boyfriend? Ang famous kaya niya. I've seen her on a Magazine interview. And it's really amazing. Gowns, Dress, all the garments are great and trendy. This family is really successful.

In-on ko muna ang aking laptop at naghintay na mag online ang bestfriend ko. Since 1 hour ahead sa Korea dito sa Pinas. At pakiramdam ko ay maya-maya pa ito makaka-uwi galing sa kaniyang Boyfriend.

Naalala ko pang pag uwi namin galing school ay iiwan ako ni Yerin dahil magdadate raw sila sa kaniyang Boyfriend. Kahit ako lang mag-isang umuwi ay iiwan niya ako. Ang sama niya diba? Pero hindi ko naman siya masisisi. She is inlove-- I mean they are both inlove. And I'm inlove too.

Nakipagchat muna ako sa mga ka Exchange Student ko na magkikita kami this Sunday gamit ang Line, since they are all online. At excited na ako, dahil makapag gala kami dito. I want to explore this place. I heared na Philippines is one of the greatest tourist place. I'm really excited to see it.

And I wonder, hindi ko pa sila natanong kung bakit iba't ibang section ang nasa amin. Kaya kami nagkakalayo. Dahil ako, Stem ako. Yung dalawang lalaki ay Gas. Habang si Azumi ay Abm.

Nakakapagtataka dahil ngayon ko lang nalaman na may ganito pala. But it's challenging dahil may iba't ibang categorya ang kakayahan ng mga estudyante.

Maya't maya pa ay nakita kong online na si Yerin ay inunahan ko na itong tawagin using Video Call.

"Tia! Annyeong!" Tumili siya at inilapit ang mukha niya sa screen para halikan ito. She's still on her uniform and I already know na tama ang hinala kong nag dadate sila sa kaniyang boyfriend.

I straighten my face. We are not on the same boat, really. She's really sporty and lively. While me, I'm really serious in my life. Ni hindi ko pa kayang makipag usap sa mga kaklase ko, pero if Academic matters I talk to them. Freely.

"Wae?" She asked. Tinignan ko siya nang masama. Kinunotan ko rin siya ng noo.

"It's all your fault." I pouted. Kinuha ko ang ballpen sa gilid at inaktong sasaksakin siya. I looked like a serial killer right now.

She laughed really hard. "I'm sorry okay? So how's your first day?" Nakita kong sumimsim siya sa kaniyang favorate na Honey Tea. Nakakatakam. Ang galing niya kasing gumawa nang mga herbal tea. Her parents own a small coffee shop at siya mismo ang gumagawa ng mga 'ganon. While her mother and I are the taster.

"It's not great, Yerin-ah. I just want to go home." Nagpapacute ako sa kaniya. She can't resist my charms of doing aegyo.

"Ohh, that's cute. But it's not working." Dumila pa siya at humahalakhak. Okay, I take my word back.

"Ang sama mo." Mas lalong lumiit ang mata niya sa sinabi ko. She can't understand it. I want to laugh, but I want to see more. Ang cute lang kasi tignan.

"Ang sama sama mo." Ngumuso ako lalo at umirap sakaniya. At inulit ko uli. Para akong isang bata na ngumawa dahil hindi binigyan sa kaniyang gusto.

"What the hell are you saying? Are you cursing me with your alien language?!" She shrieked. That's my cue to laugh. She really hates being cursed by someone. She thinks it's too well-duh. Hindi ko kasi siya naturuan ang pagtatagalog.

"I said, I'm cute." Pagsisinungaling ko. "And yeah, Yerin-ah I'm starting to like our language and culture here. You should come." Pag-iiba ko. I really miss her.

Umirap siya. "What happened?" Nakita kong kinuha niya ang kaniyang Star shaped pillow. I have that one too. It's our sign of friendship. And also I like stars.

"Yeah, I met someone. I think he's from a Mental Hospital." I leaned on the monitor at linaro-laro ang ballpen sa harapan ko habang inaalala ang nangyari kanina.

"Tell me, that guy. Is he cute?" She asked out of the blue and her eyes sparkle. Ang excited ng mukha niya.

Napa face palm ako. Yeah, he's handsome. But not my type. Mas type ko pa ang mga Mature type. Like Park Hae Jin, Cha Jin Wook, and Lee MinHo. Omg, they are really handsome. I've seen them during sa kanilang mga taping.

"No." I lied. "He's ugly and retard." Napailing ako. "And crazy." Kumento ko at napatango tango. All the comments are really true.

I heard her gasp. "He's a psychopath. Don't go near him." She really sound concerned. Psychopath is too much, pero I kept my face para makonsensya talaga siya. Ang sama ko diba? Haha!

I smiled slyly. "It's your fault. He's my seatmate. And I will suffer it within 9 months." Haha, ma-konsensya ka sana ng tuluyan.

Kumunot ang noo ko nang biglang sunod sunod ang nofication ko sa Facebook. And it's very unusual. Hindi naman alam ng mga kaklase ko sa Korea na I have another private account. So why this? Kaya agad kong in-open.

"What's this?!" To my horror, someone posted my picture while having lunch with all by myself. And he posted it on my wall! Nakatingin lang ako sa aking phone, but thank god. Hindi ako naka nga-nga. And it looks good dahil ang ganda nang pagkakuha.

"Handsome stalker huh?" In-ex ko ang tab at napatingin kay Yerin na ngumisi nang malaki. Sunod sunod parin ang pag pop nang mga notification ko. At alam kong nakita niya ang naka tag saking Social Media.

Pano niya nalaman ang facebook ko? Hangul yun eh. I don't think na ang dali lang i-search ang name ko since binaliktad ko iyon.

Napailing ako. Well, to confirm. "He's crazy." Nasabi ko nalang, at narinig ko ang paghalakhak ni Yerin.

----

Vote and Comment.

Lovelots.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập