Tropang Past: Enchanted Adventure 11
Nagbalik na si Jomarie ng kanilang kampo. Kapansin-pansin ang mga sugat na tinamo nya. May mga sira din ang kanyang kasuotan.
"Hindi ko na itatanong kung nabigo ka ba sa iyong layunin. Mukhang naisahan ka ng dama at prinsipe sa itsura mo ngayon.", ngiti ni Xerxes.
"Wag mo kong insultuhin!"
"Hindi naman. Ang sinasabi ko lang nadaig at naisahan ka ng isang babae."
Lihim na naglabas ng baraha si Jomarie at itinapon iyon sa kausap pero sinalo lamang iyon ng isang napakahabang kamay.
"Magsitigil nga kayo!", bawal ni Nobert saka binalik ang dating anyo ng kamay. Kulay bahaghari ang hapit na kasuotan at nakataas ang buhok. "Nagising na ang mga bihag. Iniwan ko dahil ang ingay ng reyna. Sigaw siya nang sigaw. Para namang maririnig siya ng mga taga-Ventreo."
"Nagtagumpay ako sa pagbihag. Pagbutihin mo sa susunod.", tapik ni Xerxes sa kamay ni Jomarie saka umalis papuntang silid na pinaglagyan ng hari at reyna.
"Pagpasensyahan mo na si Xerxes. Ganun naman talaga siya, may pagkahambog.", ani Nobert nang mamasdan ang pagngitngit ni Jomarie.
Nakatuntong naman na sa mundo ng mga tao sina Dama Arien at ang prinsipe.
"Narito na tayo. Ito na ang simula.", usal ng Dama.
"Saan na tayo nito patutungo dama? Saan natin matatagpuan ang mga hinirang?"
"Hindi ko pa alam. Pero positibo akong matatagpuan natin sila. Sa ngayon ay kailangan muna tayong makibagay sa mga tao dito. Kailangan tayong mamuhay gaya nila. At may kilala akong tutulong sa atin."
"Sino naman?" Ngumiti lang ang dama. Tapos ay hinawakan ang kamay ng binatilyo.
"Isa siyang kaibigan. Dali, sumama ka sa akin, pupuntahan natin ang kanyang tahanan."
Sa kanilang paglalakbay ay kung anu-ano na kinaharap nila. Tinatahulan sila ng mga aso, pinagbubulungan sila ng mga tao sa kanilang kasuotan, pahirapan sila sa pagtawid sa kalsada, at iniiwasan ng ilang tao dahil akala sa kanila'y mga nasisiraan ng bait o di kaya'y mga miyembro ng budol gang.
Pero sa patnubay sa kanila ng bathalang Edel ay tagumpay nilang narating ang tahanan na tinutukoy ng dama.
Madaming tao ang nakatingin sa kanila. Kaya naman pinindot na ng dama ang doorbell.
"Ano'ng ginawa mo?"