Tải xuống ứng dụng
92.53% Her Gangster Attitude / Chapter 62: Chapter 61: Five Million

Chương 62: Chapter 61: Five Million

JAIRE

I woke up early just because of this transaction. I wonder who is this new client. The person is willing to pay five million. Ano kayang ipapagawa ng bagong kliyente ngayon? Tahimik akong nag-browse sa phone ko habang humihigop ng mainit na kape.

"Good morning,"

I'm wearing a mask so she don't have any idea who I am. Kasama sa patakaran namin ang pagkakaroon ng nakatagong identity. Wala silang karapatang magtanong kung sino kami or kung kanino kami nagtatrabaho. As long as nagagawa namin ng maayos ang ipinapagawa nila, makuha namin ang impormasyong hinihingi nila, wala silang karapatang magdemand ng kung anu-ano pa.

"Mornin'," sanay na akong baguhin ang tono ng boses ko. This time, I make it sound hoarse.

Naupo sa tabi ko ang estudyanteng sa de Ayala Academy rin nag-aaral. I can say based on her uniform.

"I want you to investigate my dad. Give me the details of his mistress."

Napakunot noo ako. The student infront of me is no other than Kaitlyn Mendrez. Kilala ang pamilya nila sa lipunan. Masaya ang pagsasama ng mag-asawang Mendrez, saan nanggaling ang kabit na hinahanap nitong panganay ng mga Mendrez?

"I saw my dad hugging a girl na kaseng edad ko or maybe a year older than me. I want to make sure if she's my dad's mistess. Sinong may asawang lalaki ba ang yayakap sa isang magandang babae?!" She said sarcastically.

Huminga ako ng malalim. Sometimes, an heiress like Miss Kaitlyn loved to create hype para lang mapansin. But to pay 5 million just for that kind of info, maybe she's serious about finding the truth. So I agree to do the deal.

"Here, sign this policy and agreement contract. The contract says we will give you proper info after one month of investigation. Kung mas mahirap ang ipinapagawa mo, we need another week. So I hope na makapaghintay ka at hindi mag-demand araw-araw about the information. Marami na kaming naka-encounter na masyadong atat. Mas mabuti pang isoli na lang namin ang ipinapagawa n'yo kesa araw-araw n'yong guluhin ang pagtatrabaho ng grupo." Mahaba kong paglilitanya.

I skip breakfast with the gang just for this client. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kinalabasan ng pagpunta nila sa canteen. I'm so curious about the country bumpkin's change. This Mendrez girl should give me a job na worth it sa oras na ibinigay ko sa kanya or else I won't do this job anymore.

"I agree. Walang problema as long as mahanap lang ang babaeng 'yun." Hmm. I have to give her credit for being so mature at a time and issue like this. I like that kind of girl. Pinasingkit ko ang mga mata ko habang tinititigan s'ya. She's not bad, honestly. She's pretty and just by looking at her body, alam ko na maganda ang pangangatawan n'ya.

Hindi naman siguro masama kung ligawan ko man s'ya after our transaction?

"Pwede ko bang malaman kung saan mo sila nakita? It will make things easier kung may kahit konting lead man lang kaming pagsisimulan."

"City X Magnanimous Hotel. Ground zero. Just last Sunday at 7pm."

May isa pang tawag sa Magnanimous Hotel, karamihan sa mga tao ay tinatawag ang lugar na iyon na Lovenest Hotel dahil puro mga mag-asawa, magkasintahan o mga taong naghahanap lang ng panandaliang kaligayahan ang nagpupunta doon. I check in there once. The security is tight. But with Sky, Lancelot and Gig on our side...kailan pa nauso ang salitang 'the security is tight'?

"Okay. I'll give you an update after two weeks. Nice meeting you, Miss Kaitlyn Mendrez." I gave her my hand para makipag-shakeshand. Although nakakunot-noo s'ya, siguro ay nagtataka kung saan ko nakuha ang pangalan n'ya na hindi n'ya naman ibinibigay sa amin, nakipagkamay pa rin s'ya.

Nang mawala s'ya sa paningin ko ay saka ko lang inalis ang maskarang nakalagay sa mukha ko. Dahan-dahan akong tumayo saka lumabas sa coffee shop na pag-aari ng girlfriend ni Keith--isa sa mga information gatherer namin. Sumakay ako sa 4x4 na nakaparada sa labas. Para hindi makakuha ng kahit na anong atensyon, I have to use the most inexpensive car na meron sa bahay. Ano na kayang nangyari sa breakfast ng mga 'yun?

Tsk.

Ano kaya kung hindi ko sila hatian sa 5 million?

After 30 minutes ay nakarating na ako sa Ayala de Academy University. Dumiretcho na ako sa Hidden Detective Club room. Nasa loob ang lahat---mapwera kila AJ, Iker at Duke.

Sky, Lance and Gig are per usual, nakaupo sa harapan ng naglalakihang mga computer nila habang tumitipa ang kamay sa hindi lang dadalawang keyboards. While Keith, Austin and Zeus are sitting on the round table facing their own laptops.

"Okay guys. Stop for a while."

Lumingon silang lahat sa akin ng marinig nila ang boses ko at ang sinabi ko.

"How much?" Kaagad na tanong ni Gig.

"Don't disappoint me Jaire. I'm now broke. My father confiscate my atm, darn." Napu-prustate na sambit naman ni Austin.

"Five million."

"Details." Kaagad na inayos ni Sky ang isa sa mga computer para umaksyon kaagad-agad.

I don't know whether to laugh or cry. Ganan ba talaga kalaki ang pangangailangan nila?!

"Tingnan n'yo kung nag-check in ba si Mr. Mendrez sa Magnanimous Hotel. City of X. Last Sunday, 7pm."

Halos hindi ko makita ang mga daliri ni Sky kung saan tumitipa. Basta ang nakita ko na lang sa screen monitor ay ang malaking mapa ng City X. Pagkatapos ay ang Magnanimous Hotel. At isa-isang ini-scan ng computer ang bawat guest na nag-check in sa Hotel last Sunday. And bingo! Isa nga sa mga nag-check in ng araw na iyon ay si Mr. Mendrez.

"Sadly, walang security camera sa loob ng VIP room na kinuha n'ya. " ani Sky habang pinapanuod ang dalawang nilalang na naglalakad sa hallway ng hotel na nasa computer screen.

Nakasuot ng hooded jacket ang babae. Skinny jeans and a pair of white sneakers. Kahit saang anggulo namin sila tingnan ay hindi namin makuha ang mukha ng babae.

"Look at the security cam sa ground zero."

Kaagad na nag-scan ang conputer na ginagamit ni Sky. And there, the scene na nakita ni Miss Mendrez. Nakayakap ang ama n'ya sa babaeng may mahabang buhok.

"Zoom in."

Kaagad na sumunod si Sky. And to my horror, what I saw is beyond my imagination. Am I seeing the real thing or it's just my imagination? Sa dinami-dami ng pwedeng makasama ni Mr. Mendrez, bakit ang babaeng 'yan pa?

Ngayong alam na namin kung gaano kahalaga si Maria Delaila Magtanggol kay Iker...paniguradong isang malaking gulo kapag nalaman ng babaeng 'yun at ng mga kaibigan n'ya na ang isa sa kanila ay pinaghihinalaang kabit ni Mr. Mendrez.

"It's Celeste Reymundo." wika ni Zeus na seryosong nakatingin sa computer screen. He also know the grave consequences of this new job. Everyone knows how Iker doted on Delaila. Malaking gulo kapag napasama sa iskandalo ang pangalan ng babae ni Iker.

"Investigate this matter properly and thoroughly." I said seriously. Parang masama ang pakiramdam ko sa limang milyon na nakataya ah.

Bakit pakiramdam ko, isang malaking kamalasan ang trabahong kukunin namin ngayon? Mabuti sana kung ...kung sino-sinong babae lang ang pinag-uusapan. Sa kamalas-malasan namin, bakit naman sa kaibigan pa ng babae ni Iker?

Naglaro sa isipan ko ang imahe ng babaeng 'yun. Actually, isa s'ya sa mga tipo ko. She's sexy. Mysterious and she have those seductive lips and eyes, she looked sophisticated and well behaved. Kung lalaban nga s'ya as campus queen, wala ng tanong-tanong eh. I know she'll definitely get the crown. And to tell honestly, nagbalak ako noon na ligawan s'ya. But back then, I felt that she's someone who's not into my game. S'ya iyong tipo ng babaeng pangseryosohan. That's why at the last minute, hindi ko itinuloy ang pagpapakilala at pagpapapansin sa kanya. To have this kind of information now, hindi ko alam kung bakit sobra-sobrang disappointment ang nararamdaman ko. The heck?!

Author's Thought:

(Hindi po kasya sa ibinigay nilang section para sa author's thought :)..)

Hello guys. I'm so sorry for not being able to post everyday. May mga kung anik-anik lang na pinagdadaanan ang inyong abang lingkod. Firstly, iyong chapter na 'His Origin', may mga binago ako doon like nakasulat doon na si Iya ay nanggaling din sa Eight Continent. Supposedly, dalagang pilipina talaga s'ya pero that time na sinulat ko ang chapter, medyo nagmamadali ako. Ngayon ko lang in-edit ang chapter. Kaya para po sa kaalaman ng lahat, si Ivan at Duke lamang po ang galing sa Eight Continent. Hindi ko gustong palitan ang apelido at katauhan ni Iya. Apelido n'ya kase is Pinoy na pinoy so I have to stick with it and change the chapter. Hope you re-read it guys. I'm looking at the other chapters kung may mga dapat pa ba akong palitan, itama at iayos. Medyo magkaka-conflict po kase sa maraming characters, places and iba pang pangyayari. Kaya, pasensya na po sa inconvenience guys. And hindi lang po talaga ako makapagsulat ng tuloy-tuloy. Hiniram ni brother dear ang laptop ko, ayaw ng gumising ni iPad. Nasira phone ni hubby so everytime na nasa malayo s'ya, ginagamit n'ya yung phone ko at hindi naman ako makakapagsulat sa de keypad na phone. Hihi. Salamat sa walang sawang suporta guys. Kahit na di ako makapag-update ng tuloy-tuloy andyan pa rin kayo. I love you all ;-)


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C62
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập