Tải xuống ứng dụng
65.87% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 166: Dance 4 a Cause

Chương 166: Dance 4 a Cause

Aliyah's Point of View

" I'm jealous Ali because I like you.Gusto kita noon pa.Gustong-gusto."

Ume-echo sa utak ko yung pasabog na revelation ni Onemig the other night nung nasa plaza kami. Grabe yun! Hindi yata kinaya ng puso ko. Feeling ko lalabas na sa dibdib ko nung mga oras na yon sa sobrang lakas ng kalampag.Hindi ko na nga nakuhang magsalita man lang kahit nung makauwi na kami. Hindi na rin naman sila nagtaka kung bakit hindi ako kumikibo kahit kinakausap nila ako. Ang akala nila masama pa rin ang pakiramdam ko. Si Onemig naman, iniisip siguro nya na nagalit ako sa revelation nya kaya nanahimik ako.Hindi na lang din nya ako kinausap hanggang sa maihatid nya ako. Goodnight lang yung nasabi nya at umalis na.

Chos! Kung alam lang nya na dahil sa sobrang kilig ko sa sinabi nya kaya hindi ako makapag-salita.

Halos two days na ang nakalipas simula nung gabing yon. Nagtataka na nga sila lola Paz kung bakit hindi ako lumalabas ng bahay. Galing na rin dito sina Richelle at Anne kahapon dahil niyayaya nila akong sumama sa pagde-decorate ng covered court para sa gaganaping sayawan mamayang gabi.Tumanggi ako at sinabing masama pa rin ang pakiramdam ko.I lied.

Nakakaunawang umalis naman sila na hindi ako kasama, nag get well soon pa nga sa akin. Sobrang na-guilty tuloy ako.

Kaasar na kilig to!

Mamayang gabi na yung dance for a cause. Isa sa mga proyekto ng youth club namin. Ito yung namigay kami ng tickets sa ibang mga baranggay para sa sayawan na sa covered court ng baranggay namin gaganapin.

Naroon na ulit sa covered court ang mga kaibigan ko, nag-aayos. Nag-text si Richelle sa akin kanina na kung maayos na raw ang pakiramdam ko, sumunod na lang ako.Hindi ko nga alam kung susunod ba ako sa kanila dun. Ayoko muna kasing makita si Onemig, hindi ko alam kung paano aakto sa harap nya dahil sa nalaman ko.

Okay lang sana kung nagalit ako sa sinabi nya, mas madali ko syang tarayan pag ganun. Pero paano ba umakto kung kinikilig ka? Awkward di ba?

" Aliyah may naghahanap sayo sa labas." napabangon ako sa kama ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni lola Baby. Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan sya.

" La sino po yun?" tanong ko ng makapasok na sya sa room ko.

" Si Onemig sinusundo ka. Pinag-paalam ka na nya sa akin. Mag-aayos daw kayo sa court para sa sayawan mamaya." para akong nanigas sa sinabi ni lola. Juskong mahabagin! Yung iniiwasan ko na makita nasa labas daw. Natigagal ako. Kumalampag ng husto ang puso ko.

" Hoy Liyah! Narinig mo ba ako?" pukaw ni lola Baby sa akin. Nagtataka sa biglang pagkatigagal ko.

" Po? La sigurado ka bang si Onemig yon? Baka kamukha lang nya,you know yung parang clone o kaya nagpapanggap na si Onemig, ganon." natataranta kong turan na lalong ikinataka ng lola ko.Nakakunot noo pa nga.

" Ang batang ito! Ano ba ang nangyayari sayo dyan? Para kang nasapian. Nag-away na naman ba kayo ni Onemig kaya ka ganyan?"

" No.Hindi po la.Sina lolo Franz po ba kailan uuwi?" pag-iiba ko ng usapan para maiwaksi ko yung pagtataka nya kanina.Lumuwas sina lolo kaninang madaling araw, pumunta sa office sa Makati kasama si lola Paz at Neiel.

" Mamayang gabi nandito na sila,may kailangan lang kasing pirmahang mga papeles dun si kuya. Nakapag-paalam ka naman na para sa sayawan nyo mamaya di ba?" tanong ni lola Baby.

" Opo la nung nakaraang araw pa po."

" O sya puntahan mo na yung prince charming mo sa labas, kanina ka pa hinihintay." nakangising pang-aasar ni lola sa akin.

" Lola naman eh!"

" Bakit? Bagay naman kayo ah. Boto rin ako dun kung sakali." patuloy na pang-aasar pa ni lola Baby.

" Lola Baby talaga para kang si daddy.Sige po susunod na ako. Pakisabi na lang po kay Onemig magpapalit lang ako ng damit." tumango lang si lola Baby tapos lumabas na. Napabuntung-hininga ako ng malalim. Paano ko ba haharapin si Onemig nito?  Bakit ba kasi nagtanong pa ako tungkol sa nakaraan eh, hayun umamin tuloy sya. Hindi ko tuloy alam ngayon kung paano sya pakikitunguhan. Eh sya kaya, mag- aalangan kaya sya sa pakikitungo sa akin?

Bahala na nga!

Nagpalit na ako ng damit at kaagad na lumabas ng silid ko para puntahan na ang naghihintay kong prince charming.Charat!

Pagkakita nya sa akin ay awtomatikong naghinang ang aming paningin. Sari-saring emosyon ang nabasa ko sa kanyang mga mata.Nauna syang nagbaba ng tingin at pagkatapos ay iginiya na nya ako palabas ng bahay namin. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makalabas na kami ng gate.

Bisikleta ang dala nyang sasakyan namin. Dun lang naman kasi malapit sa kanto ang covered court, pwede ngang lakarin na lang. Pero sa sitwasyon namin ni Onemig ngayon, hindi ko siguro kakayaning maglakad na kasabay sya dahil nanlalambot ang mga tuhod ko sa presensya pa lang nya.

Inalalayan nya ako sa pag-angkas sa bike nya. Sa may unahan nya ako isinakay. Parang gustong tumalon ng puso ko habang umaandar kami. Paano ba naman sobrang lapit na ng mga katawan namin.Halos nakasandal na ako sa kanya at nararamdaman ko ang tibok ng puso nya. Walang pag-uusap na namagitan sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa covered court.

Hinatid nya ako sa kinaroroonan nila Richelle at Anne kasama ng iba pa naming mga kababatang babae na nagde-decorate ng buong paligid. Tinawag siya ni Jake nung makita sya, nagpapatulong itong buhatin yung mga malalaking speakers na gagamitin sa sayawan. Nilingon lang nya ako nung umalis sya at tinanguan ko lang sya. Kaloka talaga, no talkies. Para kaming tv na naka-mute.

Nang matapos kami sa pag-aayos ay pinauwi na kami ni pres Coco para daw makapag-beauty rest kami. Wala si Onemig dahil inutusan ni pres Coco ang mga kalalakihan na kuhanin ang mga chairs at tables na gagamitin mamaya. Medyo nagpapasalamat ako na sina Richelle ang kasabay ko sa paglalakad pauwi, ang awkward kasi namin ni Onemig ngayon, hindi kami nag-uusap. At isa pa, tuwing magkasama kaming dalawa ngayon walang tigil ang puso ko sa pagkalampag panay ang rigodon lalo na ng malaman ko na gusto rin nya ako. Hindi na mabuti sa kalusugan dahil wala na sa ayos ang pagtibok nito.

KINAGABIHAN mag-isa kong inayusan ang sarili ko para sa gaganaping sayawan for a cause. Light lang ang make up na in-apply ko sa mukha ko. Isang white off shoulder na bestida ang sinuot ko na hindi umabot sa tuhod ko ang laylayan na gawa sa lace.Tinernuhan ko ito ng white din na wedge shoes. Itinali ko lang into a bun ang lampas balikat kong buhok. Mas simple, mas maganda di ba?

" Besh halika na!" narinig kong sigaw ni Richelle sa labas ng room ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang magandang mukha ng kaibigan ko. Simple din ang bestidang kulay peach na suot nya. Sa likuran nya ay si Anne na napaka ganda rin sa suot na blue straight cut na damit.

" Lola Baby aalis na po kami. Pakisabi na lang po kila lolo pagdating nila na baka gabihin na po kami ng husto dahil magliligpit pa po kami pagkatapos." paalam ko kay lola.

" Oo ako na ang bahalang magsabi sa kanila. Mag-enjoy kayo ng husto dun ha?" tugon ni lola sa amin. Nagmano kaming tatlo sa kanya at lumakad na.

Naglakad lang kaming tatlo papunta sa covered court. Ayos lang naman sa akin dahil hindi naman ganun kataas ang suot kong wedge. Ayon sa dalawa, dapat si Onemig ang susundo sa akin kaya lang inutusan sila ni pres Coco na sunduin ang mga taga ibang baranggay na aattend sa sayawan gamit ang inarkilang mini bus. Mabuti naman kung ganon dahil hindi ko talaga kinakaya ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya. At hindi ko rin naman alam kung paano ko uumpisahang kausapin sya.

Pagdating namin sa covered court, pumwesto kaming tatlo sa isang maliit na silid na ginawa namin kanina kung saan nakatalaga ang mga officers pati lahat ng miyembro ng youth club namin. Nandoon din naka-pwesto ang nag-ooperate ng sound system pati mga pagkain.

Ilang sandali pa ang lumipas ng magkasunod na dumating ang dalawang mini bus na inarkila namin lulan ang mga kabataan buhat sa ibat-ibang baranggay. Hudyat na ito upang umpisahan na ang sayawan.

Inumpisahan namin ang kasiyahan sa isang simpleng panalangin na ako ang inatasan na manguna. Tapos nagsalita na si pres Coco upang i-welcome ang mga panauhin na sinundan naman ng aming baranggay captain. Pinakilala kaming mga officers. Isa-isa kaming pumunta sa harapan base sa pagkakasunod-sunod ng aming mga tungkulin. Una si Coco then si Lea, Sarah, ako, Richelle at Anne.Panghuling tinawag sina Onemig bilang PRO kasama si Jake,Caloy, Gilbert,Itoy at Bidong.

Habang naglalakad si Onemig papunta sa harapan ay panay naman ang paghuhurumentado ng pasaway kong puso. Napaka-gwapo nya sa suot nyang kulay red na checkered polo na pinatungan nya ng kulay black na blazer na lalong nagpatingkad sa maputi nyang balat.

Halos mapanganga naman at di mapagkit ang mga tingin ng mga bisitang kababaihan sa kanya.

Kuu! Sarap tusukin ng mga mata!

Napayuko ako ng mapadako ang tingin nya sa akin. Ayoko kasing mahalata nya na konti na lang mahuhubad na ang underwear ko sa makalaglag salawal nyang ka-gwapuhan.

Nang magsimula na ang tugtog  hudyat na pwede ng sumayaw, bumalik na kaming lahat sa pwesto namin kanina. Hinayaan muna namin ang mga bisita na mag-enjoy sa sayawan.

" Liyah kapag pinatugtog nung DJ yung favorite nating sayawin noon, sasayaw tayo dun ha?" biglang turan ni Anne sa akin habang nag-aayos kami ng mga sandwiches at inumin.

" Alin dun? Yung Happy ba o Twerk it Like Miley?" tanong ko. Hindi pa man sya nakakasagot sa tanong ko ng tumugtog nga ang isa sa mga binanggit ko.

Nagulat na lang ako ng bigla nya kaming hinigit ni Richelle sa braso at patakbo kaming dinala sa dance floor. Wala kaming nagawa kundi sumayaw na lang. Dahil kabisado naming tatlo na sayawin ang Happy, naging sabay-sabay ang step namin at dahil dun nakatawag kami ng pansin sa mga nagsasayaw sa gitna. Bigla tuloy silang huminto at pinanuod kaming tatlo. Nakakahiya man ay itinuloy na lang namin.

Pahamak kasi itong si Anne!


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C166
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập