Tải xuống ứng dụng
54.36% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 137: Over and Done

Chương 137: Over and Done

Laine's Point of View

KINABUKASAN, hindi na kami nagtaka ng sumugod ang mga magulang ni Marga para kumprontahin kami.Hindi kasi kasamang umuwi ni Marga si Nhel sa kanila. Ang alam kasi nila nag-away lang ang dalawa bago umalis papuntang Singapore si Marga kaya hindi umuuwi si Nhel.

Matapang namin silang hinarap ni Nhel maging si papa Phil at mama Bining ay hindi pumayag na hindi sila kasamang haharap.

" Mga walanghiya kayo pinagtulungan nyo ang anak ko!" galit na turan ni tito Victor. Mukhang iba nga ang sumbong ni Marga sa kanila.

Sa halip na sagutin ang paratang nya, sinabi ko na lang ang totoo pero

ayaw nilang paniwalaan ang katotohanang inilahad ko sa kanila kahit pinatotohanan na ito ni papa Phil.

Sa inis ni Nhel ay inilabas nya lahat ng papeles na magpapatunay na legal kaming mag-asawa, at maging sa benefits nya sa kumpanya nila ay ako ang nakalagay na beneficiary nya.

Hindi makapaniwala ang mag-asawang Quinto sa natuklasan nila pero dahil ayaw nilang mapahiya, tinakot nila si Nhel na hindi nya makukuha si Mark kapag hiniwalayan nya si Marga.

" Gawin nyo na po ang gusto nyo tutal matagal na akong niloloko ng anak nyo." mahinahon pa si Nhel.

" Anong ibig mong sabihin? Mahal na mahal ka ng anak ko kaya hindi nya magagawa yun sayo.Nagdadahilan ka lang para sumama ka na dyan kay Laine!" galit na turan ni tito Victor.Tila hindi pa nga nila alam ang mga ginawa ng anak nila.

" Hindi ko na po kailangang magdahilan ng kung ano-ano para sumama lang kay Laine dahil yun naman ang nararapat. Ang magsama kami.Tahimik kaming nagsasama nuon bilang mag-asawa, ginulo nyo lang ang buhay namin para sa isang kasinungalingan na ginawa ng anak nyo.Ngayon kung gusto nyong ilayo si Mark, gawin nyo tutal wala naman akong karapatan sa kanya kahit pa napamahal na ako sa bata."

" Linawin mo nga ang sinasabi mo Nhel.Anong kasinungalingan ang sinasabi mo dyan?" si Mrs.Quinto na naguguluhan na.

" Hindi ko po anak si Mark!" bulalas ni Nhel.

" Aba'y gago ka pala eh! Nasa ospital tayo nung isagawa kay Marga ang AI, nagmula yun mismo sa katawan mo tapos ngayon ikakaila mong anak mo si Mark? Idedemanda kita makikita mo, idedemanda kita!" galit na galit si tito Victor kay Nhel.

" Sige ho gawin nyo ang gusto nyo kung ayaw nyong makaladkad sa kahihiyan ang anak nyo.Mabuti pa sya na lang ang tanungin nyo.Kung ano man ang sabihin nya sa inyo wala na akong pakialam dun dahil sa ayaw at sa gusto nyo hihiwalayan ko na sya at bubuuin ko ang pamilya ko na sinira nyo." matapang na turan ni Nhel.

" Baka nakakalimutan nyo malawak ang koneksyon ko dito. Kaya kong gawing kumplikado ang buhay nyong dalawa ni Laine.Kaya kung anuman yang kasinungalingang sinasabi nyo, sa korte na lang natin pag-usapan." nanggagalaiti na si tito Victor.Kaya buong tapang ko syang hinarap.

" Sige po nakahanda kaming humarap sa inyo at kung koneksyon din lang  ang paiiralin nyo baka nakakalimutan nyo kung sino ang tatay ko? Pero hindi namin gagamitin yon at lalaban kami ng patas sa inyo." sabi ko.

" Hah! Tignan natin." at nagmartsa na si tito Victor palabas ng bakuran na hila-hila ang kanyang asawa na sunud-sunuran lang sa

kanya.

Lumipas pa ang mga araw.Naghihintay kami ng tawag mula sa kampo ni tito Victor pero walang nangyayari.Naisip namin ni Nhel na baka sinabi na ni Marga sa kanila ang totoo kaya nanahimik na lang sila.

Habang naghihintay kami sa aksyon nila, minabuti namin ni Nhel na umuwi na muna sa aming bahay. At isa pa may pasok na rin si Aliyah sa school.

Kahit na masakit kay Nhel na hindi nya nakikita si Mark, tinanggap na lang nya ang katotohanan na hindi nya ito tunay na anak ngunit umaasam pa rin sya na makikita nya rin ito pagdating ng araw.Naiibsan lang ang pangungulila nya kay Mark dahil kasama naman namin si Aliyah.

Lumipas pa ang ilang linggo, hindi namin inaasahan ni Nhel na makakatanggap kami ng sulat galing sa kampo nila Marga.Mukhang tinotoo na ni tito Victor ang banta nya sa amin ni Nhel na magdedemanda sya dahil humihiling sila na sa harap ng husgado mag-usap.

Napag-usapan na namin ni Nhel na haharapin namin sila dahil wala kaming dapat na ikatakot, kami ang legal na mag-asawa at may pagkakamali silang nagawa sa amin.Haharapin namin sila para maging maayos na ang lahat.

Pinaunlakan namin ang imbitasyon ng kampo ni Marga na maghaharap kami sa husgado.Pumunta kami ni Nhel kasama sila papa Phil, mama Bining, daddy at mommy at ang dalawa naming abogado.

Nandoon na sila nung dumating kami kasama ang kanilang abogado.

Nag-umpisa ang usapin at hiningi sa amin ng judge ang lahat ng ebidensya ng pagiging mag-asawa namin.Siniyasat ng husto at nagkaroon ng maraming katanungan na sinagot naman namin ng tama.

Taliwas sa inaasahan, walang nagsasalita isa man sa kampo ni Marga.Maging si tito Victor ay tila umiiwas kapag napapatingin kami sa gawi nila.Parang may kakaiba sa kanya, marahil alam na nya ang buong katotohanan at kaya kami naririto ngayon para maging maayos na ang usapin at ilalagay nila sa legal ang paghihiwalay ni Nhel at Marga.

Natapos ang usapin at napatunayan nga na legal kaming mag-asawa ni Nhel at ang kasal niya kay Marga ay invalid.Nanatiling kalmado lang ang kampo nila hanggang sa matapos ang kaso.

Nung pauwi na kami ay nilapitan kami ni tito Victor na tila nag-aalanganin pa na kausapin kami.Yuko ang ulo at panay ang buntong-hininga.

" P-patawarin nyo ako sa pagiging palalo ko nuon sa inyo. Nang dahil sa pagmamahal ko sa kaisa-isa naming anak, hindi ko na inisip ang kapakanan ng iba.Wala akong hinangad kundi mabigyan siya ng kasiyahan na kahit alam kong mali ibinibigay ko.Nhel alam ko nun kung gaano mo kamahal si Laine pero dahil mahal ka ng anak ko mas pinanaig ko ang kagustuhan nya na makuha ka kahit pa masaktan kayo.Pikit mata ko kayong tinakot para lang makuha ni Marga ang gusto nya.Mali ako.Maling-mali.Kaya nung sabihin nya sa amin ang totoo na hindi mo anak Nhel si Mark, nagalit ako ng husto dahil pinaniwala nya kami sa isang kasinungalingan at sa kauna-unahang pagkakataon sinaktan ko sya." halos maluha na si tito Victor habang nagsasalita.

" Nahihiya ako sa inyo,hiyang-hiya.Pinag-isipan kong mabuti kung dapat pa ba tayong mag-usap sa harap ng husgado,alam ko lalabas na kahiya-hiya kami dahil tiyak na panalo na kayo pero pinili ko pa rin na magharap tayo para maging legal na ang lahat at gusto kong patunayan sa inyo na nagsisisi ako sa ginawa ko sa inyo.Humihingi ako ng tawad sa inyong lahat lalo na sayo Nhel. Kinulong ka ng anak ko sa mundo nya at alam kong hindi ka naging masaya.Nasaktan ka dahil minahal mo at inaruga ang apo ko na hindi mo naman pala anak.Gayon din sayo Laine,nagtiis kayo ng anak mo ng ilang taon ng hindi nyo kasama si Nhel.Nagsisisi ako mare,pare,Franz at Paz.Kahit anong parusa mula sa inyo ay tatanggapin ko." malungkot na turan ni tito Victor na makikita ang pagsisisi sa itsura nya.

Tumingin ako kay Nhel at tinanguan nya ako,hudyat para magsalita ako.

" Tito Victor, inaamin ko po na bumalik ako dito para bawiin si Nhel sa anak nyo at isampal sa inyo ang katotohanan na ako ang higit na may karapatan sa kanya.Nagalit po ako sa inyo noon dahil nasaktan ako ng sobra lalo pa at buntis ako sa anak namin tapos sinaktan pa ako ni Marga ng pisikal kaya minabuti kong lumayo muna pero nangako ako na isang araw babalikan ko rin kayo.Pero ang lahat ay nangyari na at hindi na maibabalik pa ang panahong nawala sa amin. Kaya imbes na patuloy kaming magalit sa inyong ginawa mas mabuti na ang magpatawad na lang.Hindi rin kami magiging masaya kung ikukulong namin ang aming sarili sa galit.Tapos na po ang lahat kaya mas mabuti pang kalimutan na lang natin ang nakaraan at magsimula tayong muli." buong kapakumbabaan kong turan.Kung hindi kami magpapakumbaba at magpapatawad ni Nhel,hindi rin kami makakapamuhay ng payapa.

" Maraming salamat.Napakabuti mo Laine. Maswerte talaga si Nhel sayo at alam kong ikaw lang ang makakapagbigay sa kanya ng tunay na kaligayahan.Kaligayahang hindi nya naranasan sa anak ko." yun lang at umalis na si tito Victor.

Tinitignan namin kung lalapit ba si Marga sa amin pero hindi nya ginawa.Sa isang banda ayos na rin yun. Ayaw rin naman syang makausap ni Nhel,hindi pa sa ngayon.

Sumakay na sila daddy sa kotse nila kasama ang mga magulang ni Nhel. Kami naman ni Nhel ay sa kotse namin kami sasakay.

Nung akmang sasakay na kami ni Nhel ay may narinig kami na tumawag sa amin. Paglingon namin ay si Marga pala ang tumatawag. Taas noo syang lumapit sa amin.

" Kung ang daddy ko ay sumuko na at tinanggap ang pagkatalo sa inyo, Pwes! ako hindi ko matatanggap. Sige lang magpakasaya kayong dalawa sa likod ng kasawian ko, pero ito lang ang tandaan mo Nielsen, walang magmamahal sayo ng higit sa pagmamahal ko sayo. Ako lang Nhel,ako lang." turan nya at tumalikod na.Tinungo na nya ang sasakyan nila kung saan naghihintay sa kanya ang mga magulang nya.

Nagkatinginan na lang kami ni Nhel sa inasal ni Marga. Sumakay na rin kami ng sasakyan namin para umuwi na.

" Finally, we're done with Marga. Sana manahimik na talaga sya at huwag na tayong guluhin pa." turan ni Nhel habang nasa daan pa kami pauwi.

" Yeah, akala ko nga hindi pa sila susuko kundi mapipilitan akong ilabas ito." tukoy ko sa hawak kong USB.

" What's that?" nagtatakang tanong nya.

" Mga sexcapade ni Wesley at Marga sa bawat sulok ng Comtech na nakunan ng maliliit na camera. Hindi ipinaalam ni kuya Frank na nagpa-install sya ng ganun sa bawat sulok,tago ang mga ito for security purposes. Nagkataon na nawawalan ng mga computer parts tuwing may shipment kaya naisipan nyang magpalagay para malaman kung may nag-uuwi nga ng mga parts. Then para na rin malaman nya ang mga ginagawa ni Wesley at Marga kapag may overtime. And this is it.Pero hindi ko na ilalabas ito, kahit ganon naman kasama ang ginawa ni Marga sa atin, ayoko rin naman na makaladkad  sya sa kahihiyan. Hayaan na natin ang Diyos ang gumanti sa kanya."

" Oh babe kaya mahal na mahal kita eh, napakabuti ng puso mo."


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
AIGENMARIE AIGENMARIE

Yay, may update ako. Supposed to be heto yung kasunod nung chapter na the truth will set you free ang title kaya lang isiningit ko lang yung side story ni Marga.Yun lng.

Thanks for reading!

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C137
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập