Tải xuống ứng dụng
42.06% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 106: Memories

Chương 106: Memories

Laine's Point of View

NASA harapan na kami ng bahay namin ni Nhel.Ilang minuto na kaming nakatingin lang sa bahay habang nakaupo sa loob ng kotse.

Maraming alaala ang bumuhos sa akin habang nakatingin ako sa garden.Dati kasi bago ako pumasok ng school,dinidiligan ko ang mga tanim naming mga halaman at sa hapon naman kapag si Nhel ang nauna sa pag-uwi,sya ang nagdidilig.Alagang-alaga namin ang mga halaman dahil pareho kaming mahilig sa mga ito.Buti naman napanatili nyang maayos ang garden.

" Let's go babe! Ano dito na lang ba tayo hanggang mamaya?" medyo nagulat ako nang magsalita sya at natatawa na sya nung harapin nya ako.

Alanganin akong ngumiti.Kasi naman nostalgic na ako tapos hindi ko pa alam kung dapat ba akong kabahan ngayong magsosolo na naman kami.

" Ikaw na ang magpasok sa kotse at ako ang magbubukas sa gate." sabi nya sabay labas sa driver's seat para buksan ang gate.Lumipat naman ako para imaneho papasok ng garahe ang kotse.

Nang maisara na nya ang gate ay nauna na sya para buksan ang front door,sumunod naman ako sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ay tila patak ng ulan na bumuhos sa akin ang lahat ng alaala namin sa bahay na ito.Pinagmasdan ko ang kabuuan nito,walang nabago sa ayos.Kung paano ko ito iniwan ay ganun pa rin ito.

" Tapos ko na itong bayaran,nasa akin na yung titulo nakapangalan sa ating dalawa." turan nya na nagpalingon sa akin sa kanya.

" Really? I'm happy to hear that." hinila nya ako paupo sa couch at kinandong nya ako.Niyakap nya ako ng mahigpit habang hinahalikan ako sa balikat.May kilabot akong naramdaman sa pagdampi ng labi nya sa balat ko.

" I miss you so much babe.Ang tagal kong hinintay na mayakap ka uli ng ganito.Akala ko hindi na mangyayari ito.Kung panaginip ito, wag mo na akong gisingin."

" Grabe sya oh.Pero alam mo natutuwa ako na ganito pa rin ang ayos nitong bahay. Mula sa garden hanggang dito sa loob walang pinagbago."

" Ayoko kasing baguhin dahil ikaw ang nag-ayos, para kapag umuuwi ako dito iisipin ko na nandito ka lang. Medyo nababawasan ang sakit na nararamdaman ko pag ganon." lalo nya akong niyakap ng mahigpit.Humarap ako sa kanya at iniyakap ang mga braso ko sa leeg nya.

" Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ko nung iniwan mo akong mag-isa sa bahay na ito.Akala ko nga kaninang pumasok tayo dito, magbe-breakdown ako pero napatunayan ko na naghilom na pala yung sugat ng nakaraan. Nag-iwan man ito ng peklat na nakapag-papaalala sa lahat ng nangyari pero hindi na ganun kasakit.Acceptance lang naman ang kailangan para ka maghilom at ikaw mismo sa sarili mo ang makakagawa nun."

" Acceptance.Yun ang hindi ko nagawa sa loob ng limang taon na wala ka sa buhay ko.Ikinulong ko ang sarili ko sa nakaraan dahil yun ang bumubuhay sa akin sa araw-araw. Naging miserable kasi ang buhay ko sa piling ni Marga kaya ang naging outlet ko ay yung mga alaala na lang natin.Kaya sana babe,bumalik ka na sa akin ng makaahon na ako dito sa buhay na kinasadlakan ko."

Hindi ako kumibo.I just nodded.Hindi ko kasi alam ang tamang salita na dapat sabihin.Nangako ako kanina na dalawa kaming lalaban pero hanggat hindi ko naaayos ang lahat sa amin ni Anton, hindi ko mahaharap ang sa aming dalawa.Ang gusto ko kasi bago ko harapin si Marga, wala na kaming problema ni Anton. Maaari kasi nyang magamit yun laban sa akin.

" Baka nagugutom ka, may pagkain dyan sa ref initin na lang natin." alok nya sa akin.

Umiling lang ako.Mas gusto ko yung ganito lang muna kami.Kaya naman mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya at sumandal sa dibdib nya.Siya naman panay ang halik sa ulunan ko.

Na-miss ko tong ganito kami.

Nang medyo matagal-tagal na rin kami sa ganung posisyon niyaya na nya ako.

" Halika dun na tayo sa room para makapag-pahinga, ang bigat mo na kaya nangalay ako."

Kinurot ko sya sa tagiliran.." Bawiin mo yang sinabi mo, hindi ako mabigat noh!"

" Aray! Hahaha..sige hindi na.Grabe ka hanggang ngayon amazona ka pa rin."

Natahimik ako bigla.Naisip ko na naman si Anton.Kung dito ako matutulog malamang magalit sa akin yun kahit na kasalukuyang nakikipag-harutan yun kay Lianna.

" Uy, galit ka ba?" bigla akong natauhan ng magsalita si Nhel.

" Huh! Hindi,hindi."

" Eh natahimik ka kasing bigla."

" Naisip ko lang si Anton."

He sighed.." Si Anton na naman!"

" Uy selos kana naman.Siyempre magtataka yun kung bakit hindi ako uuwi sa bahay.Bakit ikaw ba hindi ka nag-aalala na baka hanapin ka ni Marga?"

" Wala sya nasa Singapore, 3 months sya dun.May itinatayong branch ang company nila dun." sagot nya.

" Ah kaya pala malakas ang loob mo na dalhin ako dito kasi wala kang guardia civil."

" Hindi ah! Wala syang alam na may bahay tayo.Ang alam nya kapag hindi ako umuuwi ng Sto.Cristo, sa bahay na provided ng company ako umuuwi kasama ng mga trabahador."

" Mabuti naman.Akala ko pati itong bahay natin eh na-invade na nya." wika ko.

" I won't let it happen.Sa ating dalawa to kaya wala syang karapatan.So,paano ka naman ngayon sa Anton mo? Hindi kita papayagang umuwi sobrang gabi na."

Napaisip ako.Bahala na nga.Kung sya nga wala rin sa bahay ngayon.

Tumayo ako at hinagilap ang phone ko sa bulsa.

" Wait lang tatawagan ko sya."

" Sige pasok lang muna ako sa room natin, ayusin ko lang." hindi na nya ako hinintay sumagot dumiretso na ng pasok sa kwarto.Mukhang nainis yata dahil tatawagan ko si Anton.Seloso talaga.

I dialled Anton's number.

Nakailan pang ring bago nya sinagot ang tawag ko.

" Yes baby? ohhh.. " sagot ni Anton sa kabilang linya in an erotic voice.

" Gosh,Tonton your voice is so annoying." naiinis na bulong ko.Grabe naman kasi wrong timing ako,nagja~jack en poy yata sila ni Lianna.

" Bakit ba kasi baby? We're on the middle of our.. ahhh... you know.Spill it now, mabibitin ako nito." sabi pa nya uli sa kabilang linya.

" I'm with Nhel,uuwi ka ba sa bahay? Siguradong tatanungin tayo ni mommy .Dapat sabay tayong umuwi." pabulong na tanong ko.

" Really, you're with Nhel? Uhmmmm.Take your time,make sure maaayos nyo kung ano man ang dapat nyong ayusin.ohhhh my God hon..ahhh..Ako na bahala kay mommy bukas or text mo ako para masundo kita." himala hindi ako pinagalitan at hindi rin nagtanong.Nagagawa nga naman ng jack en poy.

" Alright mister.Magkita na lang tayo bukas...and shocks Tonton hindi kana nahiya sa akin..your erotic voice is so annoying!" pagtatapos ko ng usapan.

" Ohhhh. I'm sorry baby, take care." at nagmamadaling ibinaba na nya ang tawag.

Tsk.nagmamadali ang mokong...haha.baka mabitin nga naman.

Natatawang, naiiling na lang ako habang papasok ng room.Pagdating ko ay wala si Nhel dun.He's taking a shower I guess dahil sa lagaslas ng tubig na naririnig ko mula sa bathroom.

Parang medyo na-eexcite ako sa maaring mangyari pero pinalis ko yun sa isip ko.Kailangan maging matatag ako dahil nangako ako kay Anton.

Kaya lang nung lumabas sya na nakatapis lang ng towel at labas ang pandesal kahit gabi na ay biglang gumuho ang paninindigan ko.Nainitan ako bigla at parang ipagkakanulo na naman yata ako ng katawang lupa ko.

At nakumpirma ko yun nung lumapit si Nhel sa akin at isara ang nakaawang kong bibig.

Dyaske, nakakahiya talaga napa-nganga na naman ako eh.

" Babe tulo laway ka na oh!" natatawang biro nya.

" Sira wala naman." sabay kapa sa bibig ko.." kung makapag-balandra ka naman kasi ng abs eh,alam mo ng marupok ako dyan!"

" Hahaha...hay ang asawa ko talaga hindi pa rin nagbabago.Sige na mag-shower ka na.Nandyan pa rin sa closet yung mga damit mo." pagtataboy nya sa akin.

Nagmamadali na akong pumasok sa bathroom.Bwisit talaga yun hanggang ngayon mapang-asar pa rin.

Naka pajama na ako ng lumapit ako sa kanya sa kama.In fairness, kasya pa rin sa akin ang damit ko at mabango pa parang bagong laba.Siguro pinapalabhan nya pa rin para hindi mangamoy luma.

" Dun ka sa dati mong pwesto babe." turo nya dun sa gilid sa may pader,marami kasing unan kaya yun ang gusto kong pwesto.

Hinakbangan ko sya at akmang mahihiga na ako ng may maalala ako.

" Bangon muna dyan beh at mag pray muna tayo." bumangon naman sya at hawak kamay kaming nanalangin.

Nang matapos ay sabay pa kaming nahiga.Kinabig nya ako papunta sa kanya at niyakap ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga.

" Beh naman hindi na ako makahinga, konting distansya lang baka magkapalit na tayo ng mukha nyan."

Natawa lang sya at medyo niluwagan na ang pagkakayakap sa akin.

" Alam mo naman na sobrang na-miss kita." saad nya habang hinahaplos ang bawat parte ng mukha ko.Tapos binigyan naman nya ng maliliit na halik ang parteng hinaplos nya, hanggang sa sakupin na nya ang labi ko.Banayad lang, walang pagmamadali na banayad ko rin naman na tinugon.Ilang minutong ganun lang.Mas masarap pala pag ganon, mabagal, hindi nagmamadali.Hindi mapusok.Parang mas napi-feel nyo yung pangangailangan ng isat-isa.Mas nakaka-excite na abutin yung kung ano man yung gusto nyong maabot.

" I love you babe." sambit nya ng bumitaw na kami sa masarap na halik na yon,pinagdikit nya ang mga noo namin.

" I love you too beh, walang nabago."

Ngumiti lang sya at inabot nya uli ang labi ko.Naramdaman kong kumilos ang kamay nya at hinahaplos ang balikat ko pababa sa bewang ko at doon nagtagal.Kinikilabutan ako sa bawat dantay ng mainit nyang palad sa katawan ko.Manipis lang kasi yung pj's ko kaya ramdam ko yung init.

Parang naliliyo na ako sa sobrang sensasyon na nararamdaman ko.Shocks haplos pa lang nya yun ah.

Napaigtad ako ng dumapo at bahagyang pumisil ang kamay nya kay B1 at yung labi naman nya ay bumaba na sa leeg ko.

OMG! Kung yung micro nutrient deficiency ay kailangang labanan, yung halik ni Nhel ay hindi ko kaya.May energy gap ako pagdating dun.

Kakaisip ko ng kung ano-ano, hindi ko namalayan na nagtagumpay na pala sya na alisin ang pajama top ko.

Jusmiyo! wala akong suot na bra kaya nalantad sa paningin nya si B1 at B2.

" Beautiful!"

Forgive me Anton,the spirit is willing but the flesh is weak.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hala next chappy na lng yung kasunod...bibitinin ko muna kayo...hahaha..naughty author.

Thank you for reading!

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C106
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập