(Sena POV)
Nang naipasok ko na ang mga babies ko sa sasakyan. Agad kong pinatakbo. Natakot ako ng sobra. Please lang di mo na kami kailangan maalala Sean. Please lang. Hayaan mong mamuhay ng tahimik ang mga bata. At ayokong malayo sila sa akin.
Please lang.
"Mommy. Did you remember the scary story you told to us? The devil who owns the red truck, ano na nangyari? Could you continue it Mommy?"
"Yes Mommy. We want to hear it too. What happened?"
"Guys, Mommy for sure is tired." Napangiti na lamang ako ng marinig ko ang sinabi ni Shun. Sa totoo lang nawala ang pagod ko, at napalitan ng kaba at takot.
"The Devil who owns the red truck, realized that he was making this world suffer in sadness." Di ko alam kung saan nangaling ang mga salitang yan. Napabuntong hininga na lamang ako.