@International_Pen
((( SENA )))
"Sean… paano mo nalaman na sila yung nasa Diary ko?"
"Sena, kunti lang kayong kamag-aral, at base sa nakita ko… dalawa lang sa merong codename ang nayaya ng mga tauhan ko. Si Gansa saka Tandang. Si Rence yung Tandang, while si Carl naman yung Gansa. Kanino ka may gusto Sena?"
Napanganga na lamang ako. Oo, wala doon si Pitbull, sa busy yun sa lovelife niya lagi. Pero… nalaman niya kaagad kung sino sila… Wow.
"Sa dalawang yun Sena, at napaka Hopeless mo dahil may magandang babaeng umaaligid aligid sa kanila. Saka sumuko ka kaagad. Ganyan ang tao eh, madaling sumuko. Kung gusto mo, wag kang titigil dahil kung minsa ang chansa, nasa atin yan, kung bibigyan ulit natin ng chance ang sarili natin pagkatapis nang isang mapait na pagkatalo, wag kang susuko kaagad, subukan mo ulit."
"Sinasabi mo ba Sean, na wag kong isuko yung nararamdaman ko sa kanila?!" parang yun ang gusto niyang iparating sa panunuya niya sa akin eh!