@International_Pen
((( SENA )))
Nanlilisik ang mga mata ni Sean. Ngayon tuluyan na niyang hawak ang dalawa kong braso.
"Iiyak ka lang naman Sena, I give you a heavenly state but you want to ignore it. So let it be. Want to see the real hell?" panunuya sa akin ni Sean. Di ko na magawang galawin ang kamay ko kahit sinusubukan kong pumiglas.
Nandidilim ang paningin ko… siguro dahil nga sa luha kong umaagos. Katawan ko na parang binalot ako ng kakaibang pawis… Masama na ang nararamdaman ko.
"Sabihin na nating di mo pinatay si Rhen… pero bakit ganoon ang usapan nila Sean, na ikaw ang siyang pumatay?"
"Ang kailangan lang nating gawin Sena, patahimikin ang taong to." Nang sipain ito ni Sean.
"Sean, parang awa mo na." Iling ko… na nagmamakaawa na rin ako na bitiwan na niya ang kamay ko. Gusto kong tumakbo at magtago sa kasuluksulukan ng mundong to. Ayokong makita na ganito si Sean… ayoko.