@ International_Pen
((( JOSH )))
Habang nakapulupot sa kanya yung mga babaeng ahas… tss… pinaharap na niya ako sa kanya.
" Darating ba si Sean?."
Napatango ako. Ibang iba siya. Na halos gusto kong sakalin ang gumawa nito sa kanya. Natitiyak ko nagkaganito siya dahil sa kagagawan ng mga taong nasa likuran ng Madrid. Ano wala man ba siyang pakialam sa pumanaw niyang ama. Oo, napakasama ng kanyang Ama… ngunit… tss… hindi siya ganitong klaseng tao na waring walang pagpapatawad o pakialam.
" Kung darating siya, darating rin ba si Sena."
Isang ngiti na nanabik makita ang pangalan na siyang binangit.
" Asahan natin Master Luis."
" Kung ganoon kailangan ko na mag-ayos. Excuse me ladies."
Kailangan ko ba sa kanya sabihin ang balitang natangap ko? Dahil halata naman na gusto niyang makita ang mag-asawa. Inayos ng mga babae ang roba niya.
" Master Luis… sa tingin ko… di siya makakasama…"