@ International_Pen
((( SENA )))
Feeling ko. Ako na itong si Rapunzel at kailangan ko magpahaba ng buhok ko para makatakas sa kastilyong ito. Halos, di pa umuuwi si Sean sa loob ng isang linggo. At wala akong balita na nakukuha kay Cecile, kundi… marami itong pinagkakaabalahan.
Anong araw na ba ngayon? Tanong ko sa hangin habang pinagmamasdan yung dalawang bata na nakikipaglaro sa mga nagbibinatang tigre. Hindi yan pusa… pag kayo hmph.
October 25… nang… nanlaki mata ko. Ber Months na ngayon! At ang ibig sabihin malapit na ang Pasko! Napatayo ako, at agad kong hinanap si Butler Nazi. Di ko pa kasi feel ang pasko dito… sabagay parating pa lang … araw ng patay. Pero bigla akong nalungkot. Nangako si Sean na kapag umuwi kami, dadalawin namin libingan ng magulang ko. Kawawa naman magulang ko, parang malalaki na ang damo nila doon. Pag-uwi ni Sean. Kakausapin ko siya. Okey, ngayon… asikasuhin ang parating na Christmas! Bawal simangot!
" Butler Nazi!"