Namalayan ko na lamang lumanding na kami di kalayuan sa pamamahay ng Ama ni Sean.
Sinalubong kami ng Mag-inang nangangalaga dito…
Yung Ina, kunyari isang tagalinis ng bahay, pero isa itong Doktora, habang yung anak naman nitong lalaki ay ang lihim na nangangalaga ng securidad ng boung paligid para sa Ama ni Sean.
Agad na tinungo ni Sean ang silid niya para magpalit ng damit na di aakalain ng lahat na siya lang naman ang CEO ng Herald Monopolies Group.
"bakit ka narito?"
"Tumawag kasi si Aling Belen na nagkasakit kayo…"
"Aba naman Iho, kanina lang ako nakaramdam ng sakit, andito ka na."
"Eh nakataon po na sasamahan ko si George sa meeting niya dito, at balak ko naman talaga daanan ko kayo."
" Baka naka-abala ako sa kaibigan mo."
"Di naman. Tay, ano ba kasi ginawa niyo?"
"Iho, di ko akalain na mahina na pala ang likod ko. Nagtanim lang ako ng kamote kanina, yung paborito mong dilaw na kamote."
"Tay naman. Sabi ko sa inyo wag na kayong magtatanim. Bakit kasi…"
"Ay naku bata ka. Lalo akong dadapuan nang sakit kapag hinayaan ko sarili ko na walang gagawin. Di tamad tatay mo. Gagawan kita ng ginataan."
"… tay wag na."
Ganito kasimple si Master Sean sa kanyang Ama. At ang tawag sa kanya ay Aaron.
"Kung ayaw mo sa mga kasama mo na lang." masiglang ngisi nito sa anak at kinuha na nito ang tungkod, bumangon at walang magawa si Master Sean kundi alalayan ito.
Nang mapadaan sa akin ang Ama ni Master Sean, tinapik niya ako sa balikat.
"Anak kong to, ginagawa akong kawawa. Hahaha, magluluto ako para sa inyo… Bellen…" tawag niya sa Doctora na akala niya katuwang lang sa bahay na yun.
"Halika, ipamalengke natin ang mga batang to ng makakain."
Halos napailing na lamang si Master Sean. Halata naman niya na di niya ito mapipigilan.
Masaya at masigla si Sir Limuel. Ang pangalan ng Ama ni Master Sean, na nakatira noon sa Manila at inamin nito na gusto nitong manirahan na sa probinsya kaya pinagbigyan ni Sean ang simpleng kahilingan ng Ama…
At masaya naman siya na makitang Malaki ang pagbabago ng kalusugan ni Sir Limuel.
"Pol, magkakasya ba tayo ng Mama mo sa Motor mo?"
Motor?
"Hay naku bakit natatahimik kayo kapag nakikita niyo anak ko, mas gwapo pa nga ako sa kanya… nagmana lang yan sa akin." Nahalatang kaba ni Pol.
Na ikinangisi ni Pol saka napakamot sa batok.
"Aaron, marunong ka ba mag motor, buti pa sumama ka na samin sa palengke…"
Di agad nakapagsalita si Master Sean, lalo na ng malaman niya na sumasakay ang kanyang ama sa motor…
"Tay, may ipon naman ako para mabilhan kita nang sasakyan… bakit nag momotor pa kayo."
"Naku Iho, mabuti pang sumama ka ng malaman mo. Belen, yung anak ko na lang ang isasama ko, at kayong dalawa na kaibigan ng anak ko, magpahinga na muna kayo."
Kinuha na ni Pol yung motor at pumanhik si Sir Limuel sa likuran nito, at napailing pang sumunod si Master Sean, na wala namang magawa. Sa ngayon si Pol na muna ang bahala sa kaligtasan nang mag Ama.
Dearest Readers,
Thank you so much!
Here what makes me happy and inspired to finished the story!
Plase Rate the Chapters for 5 Stars!
Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.
Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!
For your kindness...
Arigato!