(Sena POV)
Napalingon sa amin si Rence na agad sumalubong ang mga mata sa akin ni Rymalene. Wala akong makitang bakas ni Sean sa bata.
At parang magkakilala nga sila ng mga anak ko, dahil yung expression niya, nagulat ng makita din sila.
"You!" sigaw nito sa amin.
Wag niyong sabihin siya yung bully na rich kid na sinasabi sa akin ng mga babies ko.
"Ano ang ginagawa ng isang losser sa pamamahay ng Daddy namin?" Si Sheena na gusto ngang bitiwan ko siya.
Ngunit biglang kumilos si Rence na siyang ikinakuha nito ng isa pang babasagin na pingan at binato sa direksyon namin. Ako na itong napatalikod para nga iligtas ang mga babies ko payakap sa kanila.
Naramdaman ko yung sakit ng pingan at nabasag ito ng mahulog sa sahig. Napapikit ako sa sakit at tunog ulit. Kinakabahan ako na parang tinatawid na naman ako ng takot ko.