(Rymalene POV)
Sa pagdating ni Leo, parang isang iglap na nawala ang kapangyarihan ko sa pamamahay na ito. Walang sino man na tauhan ang sumunod sa akin. Kahit na ang mga tauhan na ako mismo ang kumuha, nakalimutan ang utang na loob nila sa akin.
Pati mga gamit namin, agad na inumpake. Ganto ata sila kasabik na gawin ito sa amin.
"Leo!" Hinarap parin niya ako na may nanunuyang ngisi sa akin. "Di kami aalis sa pamamahay na ito."
"In that case Miss Rymalene, mapipilitan kaming kaladkarin kayo."
"Hindi! Ako ang asawa ni Sean, aswa parin niya ako! Hindi ko pinirmahan ang divorcement, kaya wala paring bisa yun. Kayo!" yung mga katulong. "Walanghiya kayo! Sino ang nagsabi sa inyo na i-impake ang mga gamit namin!"
"Miss Rymalene, nakahanda na ang sasakyan sa labas." Si Leo na pilit niyang pinuputol ang sinasabi ko. Kaya muli ako sa kanyang napatitig. Lumapit at masasampal ko ulit siya ng pinigilan niya ako.