(Mrs. Zalazin POV)
"Maraming kaibigan yang Lolo Timeo ko. Dahil ata naawa na ang mga nagbubully sa kanya, kaya naman karamihan ng kaibigan nga ng lolo ko, yung mga bully sa kanya dati. Mabait kasi at wala ka namang problema sa kanya. Di marunong sa salitang maghiganti." saka parang tanga na natutuwa pa talaga ang asawa ko.
Sus. Kapag binubully din ang asawa kong yan, ako talaga itong napapasugod sa mga umaaway sa kanya. Mas matapang pa nga ako dito. Pero mahal ko yan kahit napakahina ng loob.
"At isa sa mga kaibigan ni Mr. Timeo Zalazin, ang inyong lolo ay ang dating hari na si King Neo. Magkaibigan silang matalik." na bahagyang ata akong nabingi sa narinig ko. Tulala ako sa pagmumukha ng dalawang kaharap namin. Pati asawa ko nabingi din ata… kaya nasiko ko ito. At ang itinugon niya, natawa siya. Napakamot sa noo at napatitig sa akin.