(Dahlia POV)
May biglang kumatok, at nang Bumukas nagsipasok ang ilang nurse na siyang lumapit sa higaan ni Carlo at inilabas na nga ito…
"Anong…"
"Kailangan na natin isa-ilalaim ang operasyon ng pinsan niyo."
"Ngunit di ko pa nga napipirmahan." Ngumiti sa akin yung nurse. Kinuha yung documento sa akin.
"Wala ka nang kailangan na ipagh-alala pa."
"Eh?" na walang sagot na iniwan nila ako.
Yung totoo… nanaginip lang ba ako? Kanina pa na di ko maintindihan ang ikot ng mundo ko ngayon. Ano to?!
Ginising ako sa pagkatulala ng tumunog ang phone ko. Si karen…
"Hoy babae! Andito na kami ni Lolo sa shop. Asaan ka? Dinala na namin yung mga pinamili mo. Nagpumilit si Lolo na dalhin ko na siya. Punta ka na dito… kasi alam mo namang nakareserve ngayong oras ang shop sa mga kaibigan ko. Walang gagawa ng—. Teka lang." Ibinaba niya.