(Dahlia POV)
Sira ulo yung tumulong sa akin. Syempre uulitin lang ng matandang yun ang ginagawa niya sa akin sa iba. Haist. wala na bang matinong maisip na trabaho ang ilang tao… para kumapit na lang sa pag-iiscam? Tsk.
Sana naman di pa nasira ng tuluyan ang mukha ko sa social media. Sabagay di nama ako aktibo sa mga ganyan. mahalaga lang sa akin kung magkaroon man ako nang pagkakaabalahan… yung mga readers ko. Sana nga meron balang araw.
Malapit na ako sa bahay ng biglang tumunog yung phone ko. Unregister number. Ito ba yung sinabi ni Karen na may tatawag sa akin na magkakaroon ako ng interview? Part-time lang ang maari kong tangapin. Gusto ko parin gumawa ng Milktea sa mga customer naming tinatangkilik ng husto ang timpla ni lolo.
"Hello."
"Is this Carlo Ofemia guardian?"
"Opo." sagot ko kaagad since nga kahit hindi ako… ang tawag na ito ay para kay lolo. Nagpatuloy ako sa paglalakad.