(Jing-ER POV)
Nang biglang si Even itong napa-bring up ng subject sa pagchichismisan namin. Game din ako. Si Even pa, magaling talaga sa siluan ng chismis.
"Siguradong di lang kayo ang niremind tungkol sa special treatment na dapat ibigay natin sa kanila. Special treatment, kala ko talaga wala niyan sa school na ito. Naku po, kung sino man yang mga feeling santo, kulang na lang ata ipaalala sa atin na kapag nakita natin sila, kailangan lumuhod. Sigurado sagad ang mga kayabangan nila. Diba Sena?"
Walang imik si Sena patuloy lang sa pag-paingt habang sa sinabi naman ni Even, bakas ang pagka-bitter nito. Uso din my friend ang mag-move on.
"Ako." Si Lost. "Ayoko din ng special treatment na yan. Madami ang nasasaktan kapag nagkukumpulan ang mga studyante dahil sa kanila."