(Jing-ER POV)
At naniniwala ang mga magulang ko riyan. Kakayanin nila ang lahat basta makapagtapos lang ako sa pag-aaral. Kahit mangutang pa sila sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundong to. Haist… Ma, pa, scammer kayo. Kailan niyo sila babayaran.
Sa likuran ako ni Lost… dahil ako lang naman ang nasa likuran. Ayoko sa harapan. Di ako mahilig talaga mag-aral, pero bakit nadiskobre ang academic system na ito. Gusto ko lang magfocus sa talent ko. Yun lang masaya na ako. Pero ang reality nasa mundo tayo ng maraming mapaghusga at higit sa lahat, minamaliit ang mga taong nagpapagod na makamit ang pinapangarap nila.
Magulo ang tinataguriang last section. Masaya ako kapag ganoon, atleast di lang ako ang ma-ingay. Hangang sa Bumukas ang pinto at automatikong nagsitahimikan. Balik sa upuan at binati ang instructor na pumasok.