(Aby Sena POV)
Bakit bigla akong nakaramdam ng pagkairita nang marinig ko ang boses niya? Sana naman hindi ako nagkakamali sa akala kong to… Sana naman nagkakamali lang ang dugo ko na kumulo bigla.
Dahil ang pinapangarap kong sumalo sa akin si Zendeo my labs hindi si Kevin na ubod yabang ang nakadikit sa pwet niya!
Naiirita ako! Romantic na sana eh! Kung si Zendeo my labs talaga ang sumalo sa akin. Bakit kailangan pa ang taong napapatrigger ng pagkairita ko sa kanya?!
Kala mo naman kung sinong sweet… sinong concern… sinong romantiko! At SANA NGA MABINGI NA SIYA!
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Kaya hinusayan ko na lang talaga sa pagtili ulit.
"Senaaaaa!" TUMAHIMIK KA KEVIN! MABINGI KA KUNG MABINGI! Heto lang naman ang ganti ng isang babaeng nabubully ng isang kagaya mo!
Hindi ko pa nga binubuksan ang aking mga mata, gusto ko na siyang sampalin!