(Aby Sena POV)
Ngiti pa lang niya, nangangalay na ang kamay ko na tigilan ang aking sarili na saktan siya.
Dahil ata na sa kanya na ang lahat. Pinakamapalad na lalaking dumating sa mundong ito. Edi siya na. Ayoko mang sabihin…
Matalino… Masayahin… Masigla… Positibo sa sarili … at higit sa lahat mayabang.
Sige na, itigil na natin ang pag-iintroduce sa kanya. Na-imagine na ata halos lahat ng magagandang kataingian ng readers author kay Kevin, para nasa kanya ang focus at walang dumagdag na kaagaw sa akin pagdating kay Zendeo my labs.
Para sa akin mayabang lang si Kevin dahil meron nga siyang ipagmamayabang. Move on Sena.
Bumukas ang panghuling sasakyan. Halos tumigil ang mundo ko. Tipong napa-slow motion ang paligid at may effect na sakura flower na nagsisihulugan sa sanga nila. Napapuso ang aking mga mata, yung tipong mapapabanghing ka sa sobrang sarap sa pakiramdam.
Ang Zendeo my labs! OMG!