(Cedrick POV's)
"Hahaha. Ayaw. Siguro maghihintay pa tayo na lumaki ang mga baby natin."
Napa-thumbs up ang kapatid ko. Ayaw talaga niya. Kung andito lang ang mga magulang namin, tsk. Di man lang naiintindihan ang situation ko.
"Bro, maayos naman na napalaki ni Monina ang mga anak mo." pagbibiro pa nito sa akin.
"Sa inyong apat at sa mga amang andito sa mundong ito…"
"Happy Father's Day!" masiglang bigkas ng mag-iina ko.
"At sa araw na ito, meron kaming kantang gustong i-alay sa inyo. Kay Secretary Lee, ito yung kanta niyo nila Rhoa at Rhio noong nasa kalagitnaan pa lang kayo ng military training niyo. Kay Haiden, ito yung kanta na sinabi ng anak mo na… kinakanta mo sa kanya. Di ko alam kung bakit at ano ang kwento sa likuran nito, pero sana kapag kinanta namin ng mga anak ko, maalala niyo. Kasama sana dito ang anak mong si Precious kaya lang strict si Daddy Haiden."
"She is to precious to me Monina."