(Rhoa POV's)
"Minsan, wag kang ano… parang ikaw tuloy ang naging bayani sa pagmamahalan nilang dalawa. Anyway, masaya naman ako kahit paano na nagawa mong isalba ang mag-ina ni Master Cedrick. Pero wag na wag mong lahatin ang recognition."
Napatapik sa gilid ng higaan si Mike, gusto nito na maupo ako.
"Ayoko."
"Snub ka parin talaga Rhoa."
"Di ako kagaya ni Mitchelle na nilandi ka lang… at nadala ka naman sa paglalandi niya."
Saka siya tumawa.
"Kala ko kasi pagseselosan mo siya."
"naku Mike. Kapag nakikita kita araw-araw gustong gusto na kita gawing letchon. Sobra mong tanga, ako itong nagmamahal sayo."
"Umamin ka na naman Rhoa. Sabihin mo yan sa kapatid mo ng di na ako pagkadiskitahan."
"Inaano ka ba niya?"
"Ano daw ang ginawa ko sayo at baliw na baliw ka sa akin."
Ako na ang napangisi sa kanya. "Kasi naman Mike." na patapik ko sa balikat nito…
"Ouch…" bahagyan siyang napakilos.