(Monina's POV)
Papasok na kami sa elevator, ng napatanto kong…
"Chopper ba ulit ang sasakyan natin pauwi Rhoa?" Dahil si Mike at Cedrick merong pinag-uusapan na di ko maintindihan ang language na ginagamit nila. Sinasadya lang nila.
"Oo." sagot ni Rhoa na agad kong hinila ang kamay ni Cedrick.
"Maari bang… di na chopper? Sumasakit ang ulo ko Cedrick. Saka parang bumabaliktad ang sikmura ko."
"have you taken a medicine Monina?"
Napatango ako.
"Talaga bang nahihilo ka?"
"Nagdadalang tao ako Cedrick." sagot ko na lang since di naman nagbubuntis ang lalaki para maramdaman niya ang pinagdadaanan ko ngayon.
"O niloloko mo lang ako Monina." bumukas na ang elevator sa rooftop. Di pa kami lumalabas at nanatiling nakabukas ang elevator. Inistandby ni Mike para di bumaba.
"Kailan ba kita niloko?" irap ko kay Cedrick. Sa nainis ako.
Parang di doctor ang kausap ko. Tsk.