( Cedrick POV's )
Ngumiti siya sa akin. Kinuha ang twalyang pinagpupunas ko sa buhok niya at siya na itong gumagawa noon sa sarili niya.
"Pero mas makakabuti na matulog ka na muna. Ang eyebags mo po." na ikinangiti ko.
"No. Di maganda ang tulog ko kapag di ko sinabi lahat ng to Monina."
Napatango siya. Saka tinapik, tapik yung space sa tabi niya.
May normal naman kasing upuan, bakit dito ko siya pina-upo. At nakita ko nga sa sahig ang nagkalat na hinulog ko kaninang mga gamit ko. Sa priority ko nga si Monina.
"Di ka ba nilalamig?"
"Sa tingin mo?" pakita niya ng sarili na binalot ko siya na parang isang Mummy.
Naupo na nga lang ako sa tabi niya. At kung sino man ang makakakita sa amin, siguradong madadamay ako sa ka-abnormalan ni Monina. May upuan, pero mesa ang inuupuan namin ngayon.