(Monina POV's)
Ang mga titig ni Cedrick ang rason kung bakit tinangap ko ang pagkatao ni Precila. Dahil mas makakabuting sumama ako sa babae.
Anak niya si Precila, ibig lang sabihin, ituturing niya akong sariling anak. Yun ang nakikita niya sa akin.
Sa oras nay un, parang tama ang desisyon ko. Walang nagawa si Cedrick ng sumakay ako sa chopper na pinagsakyan ng babae.
Ngunit ng lumipad ito. Kasabay ng malakas na tagaktak ng sasakyan, yun din ang tibok ng puso ko.
Di ko alam kung saan ako tatahakin ng ginagawa kong to. Nanatili sila sa rooftop na siyang hangang maglaho kami sa paningin nila.
Hawak ang kamay ko. Kinakabahan na ako ng sobra.
Ngayon pa lang sising-sisi na ako na sumama sa babaing to. Pero, asawa siya diba ni Doctor Wilson. At ang nakikita niya, anak niya ako.
Lumaki ako na minsan ko lang nakasama ang aking ina.
Ngayon ba mararamdaman ko ulit magkaroon ng ina sa pagkatao ko bilang si Precila?